CHAPTER 17

2.1K 69 0
                                    

IVAN'S POV

Dinala ko sa bahay namin si Jeff. Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng lugar dito sa bahay namin siya dinala. Kaagad na sinalubong kami ng butler naming si Chris. Wala sina Mom and Dad, nakahinga ako ng maluwag. Matagal na kasi nila akong kinukulit na magkaroon ng girlfriend.

Napatingin ako sa mukha ni Jeff. Amaze na amaze ito sa nakikita niya. nakanganga pa nga eh. Nang makapasok na kami ay hindi kaagad ako nakapasok kasi naman nakita ko si Ivy na nakaupo sa sala at nagbabasa ng magazine.

Patay! Tiyak na aakalain niyang girlfriend ko itong si Jeff. Okay lang naman na pagkamalan nilang girlfriend ko si Jeff kasi naman type ko naman talaga siya. balak ko na talagang ligawan siya. buti pa nga si Justin na sabi na niya na gusto niya si Mariel pero ako, pagnakikita ko si Jeff parang umuurong ang dila ko.

Natuwa ako ng sabihin ni Josephine kanina na mga katulad ko ang type ni Jeff.

"OH MY!" ang lakas ng boses ni Ivy! Kung makatili parang hinahabol ng ipis!

"Ang ingay mo, Ivy." Saway ko sa kaniya.

Itong si Ivy ay twin sister ko siya. makulit at sobrang ingay talaga niya.

"Ipakilala mo naman ako sa kasama mo, Ivan." - Ivy

"Ivy si Jeffelyn, Jeff twin sister ko si Ivy." Pakilala ko sa kanilang dalawa. Hindi naman lumapit kaagad si Ivy kay Jeff at sinipat si Jeff.

"Ang weird ng name mo, girl! Pang guy." Sabi ni Ivy saka medyo ngumiwi tapos kaagad na niyakap si Jeff. "Akala ko bading ang twin brother ko! sa wakas may dala na siyang girlfriend!" patatalon talon pa siya habang yakap pa rin si Jeff.

Pinandilatan ko si Ivy. Si Jeff naman parang natulala pero ang pula pula ng mukha niya.

"Ps... tama na yan." Kaagad kong inagawa si Jeff kay Ivy. Napalabi naman si Ivy.

"You're so bad! I'm gonna call mom and dad!" sabi pa ni Ivy saka kaagad na tumakbo papunta sa kuwarto niya. hay, naman! Baka biglang umuwi na lang sina mom at dad kahit may ginagawa pa sila.

"Jeff okay ka lang ba?" tanong ko sa kaniya.

Namamaga pa rin ang mata ni Jeff dahil sa kakaiyak kanina pero ang ganda pa rin niya. tumango siya at pilit na ngumiti.

Dinala ko siya sa garden namin. hindi sa pagmamayabang pero masasabi kong maganda at malawak ang garden namin. si Mommy kasi ang hilig sa bulaklak at pag la- landscape. Mas Malaki pa ang garden namin sa aming bahay. Nang makadating na kami sa may garden ay nakita kong nanlaki ulit ang mata ni Jeff.

Ganito talaga ang nakikita kong ekspresyon ng mga taong unang beses makita an gaming garden.

"Wow! Parang sa movie ko lang 'to nakikita, Ivan!" namamanghang sabi ni Jeff.

Naglakad kami papunta sa gitna. Sa gitna kasi ng garden ay naroon ang malaking fountain. Pero bigla na lang tumigil si Jeff ng makita niya ang isang malaking bush na korteng puso. Kaagad niyang inilabas ang cellphone niya at nag selfie.

"Ang cute talaga ng halaman na 'to! Ah... Ivan puwede bang picturan mo ako." inabot niya sa akin yung cellphone niya. kaagad siyang nagpose saka ko kinunan siya ng picture. Kaagad niyang tiningnan ang picture niya napalabi siya.

"Ang haggard naman ng face ko." sabi niya.

Natawa na lang ako sa sinabi niya.

"Bakit ka natatawa?" - si Jeff.

Umiling lang ako. biglang tumunog ang kaniyang cellphone.

"Ash?" sabi niya tapos lumayo ng kaunti sa akin. bakit naman siya tinatawagan ni Ash?

The Nerdy Girl is My Step Sister (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon