CHAPTER 40

2.2K 54 6
                                    


CHAPTER 40

JOSEPHINE'S POV

Nagising akong mag-isa sa kama. Napatingin ako sa orasan. 9am na pala.

Kaagad akong bumangon pero naramdaman ko ang sakit na sumigid sa kaselanan ko. Geez! Oo nga pala.

Kaagad akong nagtungo sa banyo at naligo. Kalalabas ko lang galing sa banyo ng makita ko si Ash na nakaupo sa gilid ng kama.

Nakangiti siy sa akin at may dalang tray ng pagkain.

"I thought you're still sleeping kaya nagdala na ako ng pagkain dito."

Napatingin ako sa pagkain. Yun pala yung mga niluto ko kagabi pero ininit na ni Ash.

I kissed him on the lips and then he respond pero kaagad din akong humiwalay. Baka saan na naman mapunta. Masakit pa kaya yung akin.

"Hmm... buti hindi nasira. Nakilumutan pa naman nating ligpitin."

"Gusto ko sanang magluto pero hindi naman siya nasira at saka sayang yung luto mo kaya ininit ko lang."

Nagsimula na kaming kumain ng biglang nagring yung cellphone ko.

Napatingin ako sa screen. Si Stephie ang tumatawag.

"Ate how are you? how's the honeymoon?"

I rolled my eyes. Natawa lang si Ash dahil sa lakas ng boses ni Stephie tiyak na narinig niya yun.

Inagaw ni Ash sa akin ang cellphone at siya ang nakipag-usap kay Stephie.

"Bakit mo tinatanong? Are you with the gang?"

"Hehehe." yun lang sagot ni Stephie. Mukhang kasama nga niya ang mga kaibigan namin.

"Next week ka na lang tumawag." Saka pinatay na nito ang tawag.

"O bakit mo naman ini-off."

"Mangungulit lang yun. besides, Kailangan pa nating kumain kasi pupunta pa ako ng bayan. Nasira yung isang ilaw doon sa baba. Wala pa namang tayong pampalit doon. Sasama ka?"

"Huwag na muna siguro. Hintayin na lang kita dito."

Pinagpatuloy ko na lang yung pagkain.

Ilang sandali lang matapos naming mag breakfast ay umalis na si Ash papunta ng bayan. Hindi naman masyadong malayo yun dito. mga ten minutes na drive lang.

Nakapaglinis na rin pala si Ash sa loob ng bahay. Siguro maaga siyang nagising kanina.

Kaya naman ay pumunta na lang ako sa may baybayin.

Nabigla ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. napakunot noo ako dahil tumatawag sa akin si Mary.

"Hello, Mary?"

"Kumusta ka na, Josephine?"

Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi si Mary ang kausap ko ngayon kundi si Mia.

Magkamukha sila pero ibang iba sila magsalita and that voice hindi ako nagkakamali si Mia lang ang nagmamay-ari noon.

"M-Mia, b-bakit?" kinakabahan ako. bakit nasa kaniya ang cellphone ng kakambal niya?

"Gusto ko lang sabihin sa'yo na --." Nawala siya sa kabilang linya. Bahagya kong inilayo ang cellphone sa tenga ko.

"MAMAMATAY KA NA!" Sigaw ni Mia mula sa likuran ko. bago ako nakalingon ay tumama na sa ulo ko ang bagay na hawak niya. sa lakas ng pagkakahampas niya ay napasigaw ako sa sakit.

The Nerdy Girl is My Step Sister (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon