EPILOGUE
CHAPTER 41
SIX YEARS AFTER...
Kanina pa kami dito sa mall. Bumibili kami ng laruan para kay Charles. Ang aming panganay ni Ash.
Si Charles Dymitri Laurent.
Today is Charles 6th birthday.
Medyo mabagal akong maglakad dahil Malaki na rin itong tiyan ko.
Yes, I'm six months pregnant with our second child at babae ang pangalawa naming anak.
Nang malaman niyang buntis ako ay – hindi na siya hinimatay.
At tulad ng dati ay excited na excited siyang bumili kahit hindi pa niya alam kung anong gender ni baby. Kahit one month pa lang akong buntis ay namili na siya ng gamit ni baby. Palagi siyang tama sa gender ng baby namin.
Puro pang lalakeng gamit kasi ang binili niya noon para kay Charles kahit hindi pa niya alam kung boy nga or girl. ngayon naman ay kahit weeks old pa lang itong si baby noon ay bumili na siya ng mga gamit na pambabae at tama nga siya dahil babae nga ang pangalawa naming anak.
Excited din itong si Charles kasi magiging kuya na siya.
Nandito kami sa mall kasi gusto niya ng bagong laruan. May nabili na kami noong isang araw pero may gusto na naman siyang iba. Spoiled itong anak namin kay Ash.
"Ma!" tawag ni Charles sa akin.
Kaagad akong lumapit sa kanila ni Ash.
"I want this toy car." itinuro niya yung yellow car na may remote. Kaagad namang binayaran ni Ash ang laruan sa cashier.
Nabigla na lang ako ng biglang tumakbo si Charles papalabas ng toy store. Kahit nahihirapan ako ay kaagad kong sinundan si Charles.
Lumapit ito sa isang babaeng may malaking tiyan na rin.
"Hi po!" nakangiti niyang bati sa babae.
Napakunot noo ako kasi hindi naman mahilig makipag-usap itong si Charles sa iba. Sa amin at mga kaibigan lang niya ito nakikipag-usap.
"Hi baby boy. Ang pogi mo naman." Nakangiting sabi nung babae sa kaniya.
"Thank you po. Lonely po kayo e. baby girl po ba siya?" hinawakan ni Charles ang tiyan ng babae.
"Naku, sumipa ang baby girl ko." maiyak-iyak na yung babae habang hawak niya ang tiyan niya pero nakangiti siya. habang nakahawak pa rin si Charles sa tiyan niya.
Lumapit ako sa kanilang dalawa.
"Hi, pasensiya na kung makulit itong anak ko." nakangiti kong hinila si Charles ng bahagya para mapalayo doon sa babae.
"Okay lang. he's so nice to talk to me. I'm Melody." Nakangiting sabi ng babae saka inabot niya sa akin ang kamay niya.
"Josephine." Tinanggap ko yung kamay niya.
Biglang may inabot si Charles sa babae.
"Ibigay niyo po kay Baby. Tell her she's mine."
HA? Napanganga ako sa sobrang pagkabigla. Ibinigay lang naman ni Charles ang kakambal na singsing na ginawang pendant ng kaniyang kuwintas.
Noong four years old siya ay itinuro niya ang couple ring na nakita niya sa jewelry shop nina Lanie. It's a gold with emerald gem. Nakalagay ang isang ring sa loob ng panglalaking singsing. Umiyak siya ng umiyak ng ayaw naming bilhin ang singsing.
BINABASA MO ANG
The Nerdy Girl is My Step Sister (COMPLETED)
Teen FictionLumaki si Ash na ang kinikilalang ama ay ang kaniyang step father na si Mr. Richard Simon. Until, he met Josephine Wilhelmina Simon ang anak ni Mr. Simon sa ibang babae - His Nerdy Step sister. DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, ch...