After one week...
Nakauwi na rin si Ash sa mansyon. Medyo okay na yung sugat niya. pero sa susunod na linggo pa siya makakapasok. Siyempre isa siya sa may-ari ng school kaya naman may special treatment. Palaging bumibisita ang pito sa bahay. Naging tambayan na nga ang mansyon.
Si Andrei at Stephie ang saya nila sa tuwing bibisita sina Jayden. Siyempre mas masaya si Stephie pero ang mga mata namin tutok sa kanilang dalawa ni Jayden.
Inilalandi niya ang kapatid namin ni Ash. Kung nakamamatay lang ang tingin namin ni Ash matagal ng bumulagta itong si Jayden sa harap naming lahat. Not just double dead but 100x dead!
Si Liam puro lamon ang alam. Kain ng kain ng gawa kong cake at Spaghetti. Si Justin palaging may kausap sa cp niya. kalandian niya siguro kasi panay ang ngiti. Si Ivan nakikipaglaro ng chess kay Ash. Ang galing nilang dalawa maglaro, actually naglalaro din ako ng chess kaya lang sila na lang muna ang maglaro.
Si Adrian panay ang text kay Mary. Yung bruhang kapatid ni Mary nasa mental na daw. si George at Patrick panay ang kulit sa akin. panay ang tanong tungkol sa love life. Pss... ano naman ang ikukuwento ko sa kanila? sila kaya magkuwento ng love life nila.
"Hay, sarap ng buhay!" sabi ni Ash saka inilagay pa niya ang dalawang kamay sa likod ng ulo niya.
"Gusto mong mabaril ulit?" biro ko sa kaniya.
Napalabi naman si Ash tapos napakamot na lang siya sa ulo niya.
"HAHAHA! Pumasok ka na kasi Ash!" tawa naman ng tawa itong si George. Sinamaan naman siya ng tingin ni Ash. Si Justin na tapos na sa pakikipaglandian sa kausap niya sa cp ay lumapit na sa amin.
"George, favorite nephew ni Tito Archie si Ash. Kahit hindi siya pumasok ng isang buwan puwedeng puwede." Sabi naman ni Justin.
"Okay lang naman na hindi muna pumasok si Ash." Sabi pa ni Adrian na panay ang pagbabalat sa apple na hawak.
"Wait lang ha? puntahan ko muna yung cellphone ko sa kuwarto ko." naka charge kasi ang cellphone ko sa room ko.kaagad na akong umakyat sa kuwarto ko. puno na yung cp ko kaya bababa n asana ako ng biglang bumukas yung pinto ng kuwarto ko si Justin.
Pinandilatan ko siya ng mata. Yung look na what-are-doing-here?!
Sumenyas siya na huwag maingay at sinara na niya yung pinto ng kuwarto ko.
"Huminto na ba yung nagpapadala nung sunflower?" tanong niya sa akin.
Tuwing Wednesday nagpapadala ng sunflower yung nagpapadala at nung Wednesday ay wala akong natanggap mula sa kaniya.
"Nung Wednesday wala akong natanggap." Sabi ko.
"How dare him sent you flowers?!" galit na sabi ni Justin. So totoong taga A&A yung nagpapadala sa akin ng bouquet of sunflower? Sino naman? Impossible na si Jayden dahil nilalandi niya ang kapatid ko. si Patrick, may George na siya. si Adrian ay may Mary. Si Ivan ba o si Liam?
Impossible na si Liam dahil hindi naman yun nagpapacute sa akin. baka si Ivan dahil palagi siyang nice sa akin? si Ivan kaya?
"Sino ba kina Liam at Ivan?" tanong ko sa kaniya.
"You don't need to know. Don't tell this to Ash, even about the flowers – don't tell him." Seryosong seryoso ang mukha ni Justin habang sinasabi iyon.
Napatango. Mabuti nga siguro na huwag kong sabihin ito kay Ash at mas mabuting hindi ko malaman dahil baka mailing ako sa kanila. pss... pero hindi talaga mawala sa isip ko kung sino siya.
Matapos ng usapan namin ay bumaba na si Justin. Sumunod naman ako. hindi na napansin ng mga kasama ko na sabay kaming nawala ni Justin kanina.
Si Liam tapos ng kumain kaya nakahiga na siya sa sofa at nakapikit. Tingnan mong isang ito! Katatapos lang kumain ng marami natutulog na kaagad.
BINABASA MO ANG
The Nerdy Girl is My Step Sister (COMPLETED)
Teen FictionLumaki si Ash na ang kinikilalang ama ay ang kaniyang step father na si Mr. Richard Simon. Until, he met Josephine Wilhelmina Simon ang anak ni Mr. Simon sa ibang babae - His Nerdy Step sister. DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, ch...