CHAPTER 16

2.5K 74 5
                                    

JEFF'S POV

Nang makarating kami sa bahay nina Josephine. Hindi ko talaga mapigilang mapanganga. Ang ganda ganda ng bahay nila. Super! Parang palasyo... ang sosyal! Ang bango at ang lamig. Ang mga gamit mamahalin.

Ang yaman nila! Kung ang bahay nila Josephine ganito ano kaya ang itsura ng bahay nila Ivan? Ganito din kaya kaganda? Ganito din ka laki?

"Girls, buti naman at nandito kayo." Nakangiting sabi ni George. Ang ganda niya rin. Palagi talaga akong na s-star struck sa kaniya. para siyang artista.ang kinis kinis ng balat niya tapos ang lambot lambot ng buhok niya. ano kaya ang shampoo at conditioner niya?

Naroon din ang girlfriend ni Adrian na si Mary. Isa din itong mala dyosang babaeng ito sa kagandahan. Kahit na pinutol na niya ang maganda at mahaba niyang buhok ay super pretty pa din. Hay! Ang mga babaeng kaharap namin mayayaman, yung mga lalake din mayayaman. Kami lang ang naligaw na saling pusa dito.

"Hello!" bati namin sa mga kaibigan ni George. Ang gugwapo talaga nila. Pero mas guwapo si Ivan. Gentleman at saka hindi babaero.

"Ano bang meron at nagpakain si Josephine?" tanong ni Lanie. Itong si Lanie mukhang may gusto kay Liam pero ayaw naman niyang kausapin si Liam. pareho silang weird pero pansin ko lang itong si Liam palaging nakatingin ng palihim kay Josephine. May gusto kaya siya sa bestfriend namin? ay! Hindi puwede dahil girlfriend na ito ng bestfriend niya.

"Kasi nag top na naman kaming lahat." Nakangiting sabi ni Justin.

"Wow naman! Ang tatalino niyo huh?"sabi ko sa kanila. hindi naman sa pagmamayabang matalino naman kami. Hindi lang halata.

"Nagsalita itong kaibigan kong scholar." Si Joe may dala siyang cookies at cakes. May mga maids ding may dalang pagkain. Nasa living room nila kami ngayon.

"Eh nasa kakaibang level na kayo. Kami medyo lang." sabi pa ni Lanie.

Nag crossed legs Liam tapos tiningnan ng masama si Lanie.

"Oh ano? angal ka?" hmp! Palagi na lang 'tong si Lanie nakikpaghanap ng away kay Liam. minsan naiisip ko way yung ng pagpapansin kay Liam.

"Oh taman na yan! Liam pinipikon mo si Lanie, ikaw naman Lanie huwag masyadong high blood." Malumanay na sabi ni Joe.

"Eh kasi.. aqwertyuiasdgh..." hay! Umandar na naman ang pagiging alien ni Lanie... nagsasalita na naman ng hindi namin maintindihan.

"Uhm... Liam, ano bang type mo sa babae?" tanong kong bigla kay Liam. si Liam naman ay tiningnan ako ng masama.

"Type mo si Liam, Jeff?" tanong ni Justin. Lahat ng naroon ay tahimik lang na nakatingin sa akin. akala ba nila gusto ko si Liam? hmp! Hindi pa ako nasisiraan ng bait para magkagusto sa lalakeng parang babaeng may dalaw!

Napatingin ako kay Ivan na bahagyang umiwas ng tingin sa akin.

"Ako? may gusto sa lalakeng ito na mukhang may dalaw palagi? No way! Ehem... may kakilala lang akong may gusto sa kaniya. Kailangan kong malaman yung type niyang girl para naman hindi mahirapan yung kakilala ko na magpapansin kay Liam."

Pero mukhang hindi sila naniniwala sa akin. si Josephine lang ang nakangiti. Alam kasi niya yung mga type ko sa lalake.

"Joe, kilala mo ako hindi ko type ang katulad ni Liam."

"Oo, naman! ang type mo sa lalake ay yung sweet, palakaibigan, palaging nakangiti at hindi yung parang katulad ni Liam. yung type mo yung parang katulad ni Adrian at ni Ivan." Sheez... ano bang pinag sasabi ni Joe? Bakit Kailangan pa niyang sabihin na parang tulad ni Adrian at Ivan?

The Nerdy Girl is My Step Sister (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon