CHAPTER 7

3.5K 88 5
                                    

JOSEPHINE'S POV

Balik na kami sa dating gawi. Sabay na kami ni Ash na pumapasok at sabay kaming umuuwi. Hindi ko na lang siya pinapansi. Hindi ko yung sinasadya. Iniisip ko pa rin ang yung tungkol sa nalaman ko tungkol sa pamilya ni Nanay. Mabuti na lang at mukhang hindi napapansin ni Ash ang tungkol sa pananahimik ko.

Okay naman ako sa classroom hindi ko hinahayaan na makasagabal iyon sa aking pag-aaral. Pero naiisip ko din kung bakit hindi pa rin tumatawag si Nanay. Hindi ba niya ako na mi-miss?

Siya nga pala. Birthday pala mamaya ni Ash. Tulad ng birthday ni Liam sa bahay lang ang birthday niya at ang mga kaibigan lang niya ang invited. Naisipan ko na ring palitan ang birthday gift ko sa kaniya. Tiyak mamaya mamahalin yung mga regalo ng mga kaibigan niya. pffftt!!! Na i-stress ako sa tuwing naiisip ko yung regalo ko sa kaniya. Nakuwento ko tuloy kay Stephie noong isang araw yung tungkol sa regalo ko sa kaniya. Okay lang daw yung regalo ko - mas okay daw kung wala para mainis si Ash at makaganti ako sa hindi niya pagsama sa akin sa denstista.

Tss... hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Stephie. Hindi na mahalaga yun. Naiinis lang ako sa tuwing maiisip koi yon. Well, yung tungkol naman sa paglipat sa isang dorm. Hindi ko na gagawin iyon. Shocks! Nag-iba ang isip ko for the first time. Dahil na rin sa mga nalaman ko at sa sinabi ni Justin - bestfriend ko na ata ang lokong iyon kasi naman nasasabi ko na sa kaniya yung mga naiisip ko. baka daw malagay sa panganib ang buhay ko. baka daw kasi may iba pang nakakaalam kung sino ako. Marami pa namang masamang loob sa paligid at yung pag ko-commute ko mag-isa hindi na daw yung puwede.

Pinapabayan lang daw ako ni Tatay sa ngayon dahil hindi ko pa daw alam ang tungkol sa pamilya ng Nanay ko pero once na mapag-alaman ni Tatay na alam ko na yun ay baka hindi na ako makalabas ng bahay ng mag-isa.

Ngarag ang utak ko! GRRR!!!

Buti na lang half day lang ang klase ko ngayong araw na ito. Si Ash naman hanggang 4pm pa ang klase. Kaagad akong pumunta sa isang mall. Nag commute na naman ako. Sorry po Slave Justin at kay Tatay! Nag text naman ako kay Ash na uuwi na ako kasi maaga natapos ang klase ko at ang reply "okay" lang! Pss...



Bumili ako ng mga ingredients ng cake. Yes gagawa ako ng chocolate cake. Pandagdag sa regalo ko sa kaniya pero hindi ko sa bahay gagawin dahil baka malaman ni Ash at hindi na iyon maging surprise. Nag-usap kasi kami ni Geroge kanina kung puwedeng sa bahay nila ako magluto. Buti na lang pumayag siya. ipapasundo na lang daw ako sa mall mamaya sa kanilang driver.

Mabilis akong namili at saka bumili ulit ako ng meat bread. Iyon na ang tinanghalian ko saka lumabas ako ng mall. Hinintay ko yung driver nila George. Mabuti naman at sandali lang ay dumating na ang kanilang driver at inihatid ako sa kanilang bahay. Nakilala ko yung Mommy ni George. Super pretty ni Tita Eloisa at saka tinulungan niya ako sa paghahanda ng ingredients. Na kuwento tuloy ng Mommy niya na walang hilig sa pagluluto si George at magaling ito sa pag-aalaga ng halaman.

Habang nag-uusap kami ay dumating ang Ate ni George na si Dominique, kasama nito ang husband nito na si Lander na kuya pala ni Liam at ang anak nitong si Emma, 2 years old na ito, na pamangkin ni Liam at George. Nagkuwento sila ng tungkol kay Patrick at kay George. Pumunta pa kami sa garden nila at ang lalago ng mga tanim doon. Si George ang nag-aalaga mismo ng mga tanim nila at mas gusto pang kasama ni George ang mga tanim kesa mga tao. Medyo may pagka weird pala itong si George.

Itong si Patrick ang halos nagpapuno ng kanilang garden dahil hindi lang basta bulaklak ang binibigay ni Patrick kay George kundi mga tanim. Ang iba ay kung saan saan pa daw galing. Magkaibigan na sila Patrick at George mula pa noong elementary dahil magkaibigan ang kanilang mga parents. Pati nga si Liam ay napagkuwentuhan naming, grabe pala itong Kuya ni Liam daming sinabi tungkol kay Liam. Takot daw si Liam sa palaka at gagamba, kung cool daw ito tingnan sa school ay kabaliktaran mas grabe itong mataranta. Allergic sa seafoods at mahilig sa strawberry cake, mahilig ito sa mga matatamis at kung gaano ito kahilig sa sweets ay ganoon din iyon ka sweet na tao.

The Nerdy Girl is My Step Sister (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon