Chapter 9

4.5K 123 5
                                        


Chapter 9

Mukhang nadulas ang isang yun. Matagal ko ng pinaghihinalaan na pinapasok nila ang utak ko. Nararamdaman ko iyon dahil may gumugulo dito. Natandaan kong meron silang kapiraso nito.

Hindi ko alam kung paano nila nagawa iyon. Kahanga hanga talaga ang Mreine. Madami silang kayang gawin.

Kaya hindi ako masyadong nag iisip tungkol sa mga bagay bagay ay dahil alam kong nababasa nila at nakikita nila ang nasa isipan ko.

Kinuha ko ang piraso ng utak ko at binulsa ito. Buti nalang walang tao dito. Tinignan ko ang screen may nakalagay ditong istraktura ng utak. Mukhang akin ito. Madaming nakalagay at hindi ko iyon maintindihan. Ngunit isang bagay lang ang naiintindihan ko, iyon ay ang nakasulat sa screen na,

'Iris discovered this thing'

Yan ang nakasulat. Sa hindi malamang dahilan, nabura ko ang lahat ng data ng computer. Tumingin ako sa paligid at nakita ang isang CCTV. Mukhang may isa pa akong kailangang trabahuhin.

Lumabas ako dito, at nagpunta sa control room na nandito din sa floor na ito.

Gulat na gulat ang isang lalaki ng makita niya ako. Alam ko namang inaasahan niya ang pagpunta ko dito dahil nakikita niya ang mga galaw ko.

Lumapit ako sa kaniya at sinara ang pintuan.

"Get off." Sabi ko sa kaniya. Nanginginig siyang tumayo at balak na sana niyang lumabas ngunit pinigilan ko siya.

"Dito ka lang." Sabi ko, napasunod ko naman siya ngunit nanginginig pa din siya.

Tinignan ko ang labing limang screen na may iba't ibang videos. Napansin kong ang kwarto ko lang ang walang camera.

Dinelete ko ang lahat ng files. Tapos tumayo na ako sa upuan ko, at tinignan yung lalaking kanina pa nanginginig.

Kung kaya kong gawin ang lahat, siguro kaya ko ding gawin to.

Lumapit ako sa kaniya. Hinawakan ko ang ulo niya. Sana mabura ko ang memorya niya.

Makalipas ang ilang minuto, wala pa ding nangyayari. Akala ko ba kaya kong gawin ang lahat? Bakit walang nangyayari?

"A-anong gi-ginagawa mo, Iris?" Kinakabahang tanong niya. Nakatulala pa din ako habang nag iisip. I'm so disappointed. Akala ko ba, lahat ng bagay kaya kong gawin?

Una, nasaktan ako sa ginawa nilang pag oopera, tapos ngayon, hindi ko magawang burahin ang memorya niya.

Binitawan ko na siya at tumungo nalang, nakararamdam ako ng matinding kalungkutan. Hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari sa araw ko ngayon. Hindi maganda.

Wala akong ibang pagpipilian. Alam kong mapapahamak ako kung hahayaan ko lang ang lalaking ito.

Sinipa ko siya ng malakas, hindi naman siya pumapalag kaya pinagpatuloy ko nalang ito. Tinanggal ko ang contact lense ko. Nagconcentrate ako at ilang sandali lang, lumabas na naman ang liwanag galing sa mga mata ko. Binutas nito ang sahig. Saktong laki lang upang maitago ang lalaking ito. Binuhat ko siya at inihulog sa ilalim noon. Nakakita ako ng flashlight sa tabi ng screen ng computer kaya kinuha ko iyon at ginamit upang makita ang nasa ilalim. Nang makita ko namang may sahig doon. Tumalon ako dito. Hindi ko pwedeng patayin ang lalaki sa pamamagitan ng pagkulong sa kaniya dito.

Inilawan ko ang paligid. Nagulat ako ng makakita ako ng mga gamit. May mga pagkain din. Mukhang dito nakatira ang lalaking to. Napatingin ako sa isang hagdanan. Nakakainis, may daan naman pala doon, nagpakahirap pa ako. Napakapalpak ko talaga.

Kinapkapan ko siya. Wala akong nakitang cellphone kaya naghanap ako sa paligid ng pwede niyang gamitin upang tumakas o kaya upang humingi ng tulong. Kinuha ko ang lahat ng ito. Tinakpan ko muna ang butas na ginawa ng mata ko gamit ang natitirang debris. Hindi ko alam kung paano ko iyon nagawa ngunit ewan ko ba sa sarili ko.

Antithetic's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon