Chapter 36

2.5K 68 29
                                        

Chapter 36

"Are you fine now?" Kumalabog ang dibdib ko nang bigla akong may narinig na nagsalita.

"Zephyr?" Tawag ko sa pangalan niya nang lingunin ko siya. Nandito ako ngayon sa rooftop ng bagong gawa naming department. Hindi na ito katulad ng laki ng dati. Dalawang palapag lamang ito. Nalaman ko din na sa ibang classroom kami nagkaklase dati at hindi ko man lang alam iyon.

"I'm glad you're back." Nakangiti niyang sabi sa 'kin.

"I didn't leave." Pagmamaangan ko.

"You just did." Natatawa niyang sabi. I really think that Zephyr has a dexterity too. Bakit alam niya ito?

"Look around you, Ris." Napatingin ako sa kaniya bago ko sundin ang sinabi niya.

Tinignan ko ang kapaligiran.

"We are just going back." Mahina niyang sambit ngunit sapat na upang marinig ko.

Napatingin ako sa gilid ng school namin na tinatayuan ng mga panibagong puno. He is right, everything is just going back to its usual place.

Ang dating tinanggal nilang mga puno, ibinabalik din nila dahil kulang na ito.

Napadako ang tingin ko sa mga babae sa labas ng school namin. I didn't know that I can use these eyes this clear when looking at a far place. Napangiti nalang ako sa nakita kong suot nila. Kung dati, ang mga tao ay walang saplot, unti-unting nagkaroon ito nang madevelop ang utak nila. Mahahabang damit, hanggang sa paiksi ng paiksi. Hanggang sa susunod na mga taon, masasanay ang mga tao na hindi nagsusuot ng damit. Katulad lamang din nang dati.

Ang mga bahay na natabunan dahil sa mga bagyo at landslides. Na dati'y hinukay lamang at ginawang patag upang mapagtayuan ng mga bahay. Bumalik lamang din sa dati.

Sa susunod na henerasyon, mawawala na ng kuryente at linya ng tubig dahil sa labis na pag-gamit nito. Kaya't ang mangyayari, mawawala ang mga teknolohiya at maghihirap ang tao sa pagkuha ng tubig.

Parang katulad lamang din noong hindi pa nadedevelop ang utak ng tao. Ang mundo na puno ng puno at tila isang malaking kagubatan ay babalik lang. Ang mga taong naghihirap sa pagkuha ng makakain at maiinom. Ang mga bahay na gawa sa kahoy. Babalik din ang lahat. Kasabay nang pagbalik sa kamangmangan ng utak ng mga tao.

Bakit himbis na madevelop at lumago ito, bumabalik lamang din sa dati. Napailing na lamang ako.

Akala nila lumilipad na sasakyan ang makikita nila sa susunod na mga henerasyon? Mukhang hindi, dahil matapos ang mga iyon, muling babalik ang lahat sa dati.

"Look at your clothes." Natigil ang iniisip ko nang mag-salita siyang muli.

"What's with my clothes?" Nagtatakha kong tingin sabay tingin sa midriff at ripped jeans na suot ko. Ito lamang ang nakita ko sa drawer ko kanina.

"Just like what you are thinking right now. You are just going back to what you should be." Mahinahon ngunit bakas sa mukha niya ang pagka-irita.

"Paano mo nalaman ang iniisip ko?" Nagtatakha kong tanong sa kaniya. Pinagtaasan niya lamang ako ng kilay. Gusto ko siyang hulihin.

"I know what's running on my mind that's why I know yours. We think the same." Tumango-tango na lamang ako sa sinabi niya.

"Don't divert the topic." Mariin niyang sabi.

"Your pants doesn't look good on you. Your shirt looks like a mess. Now change." Utos niya. Pinagtaasan ko din ng kilay ang galit niyang ekspresyon.

"Kanina pa may nagsasabi sa 'kin na bagay sa akin ang suot ko. Ikaw lang ang nagsabi niyan." Panunukso ko. I know what he is trying to imply. I am just playing dumb.

Antithetic's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon