"Grabe, hindi ko akalain na BS Biology din pala ang kinukuha mo." Kanina pa niya ako kinakausap pero hindi ko siya pinapansin. Bakit ba kasi sa lahat ng mababangga ko ito pang maingay na 'to?
"Saan ka nagschool dati?" tanong niya ulit. Buti nalang at malapit na ako sa building na tinuro ni Ion. Naglakad nalang ako at hindi ko na pinakinggan ang mga sinasabi ng babaeng katabi ko. Nang nasa tapat na ako ng pintuan ng 2-1 na section, bigla na namang nagsalita 'yong babae. Nakalimutan ko na ang pangalan niya.
"Wow! Dito ka rin? Tadhana nga naman!" masayang sabi niya. Gusto ko nang magpalipat ng eskwelahan dahil sa babaeng 'to.
Pumasok na ako sa pintuan, karamihan sa mga nilalang dito ay lalaki. Nagtatakang tumingin sa 'kin ang lahat ng nasa silid-aralan na ito. Dire diretso na lang akong pumasok sa loob at naghanap ng upuan sa harapan. Ayokong umupo sa likod dahil makikita ko ang napakaraming tao sa harapan ko. Mabuti na nasa harap ako, ilang tao lang ang makikita ko.
"Ang sweet mo naman sa 'kin Athena, sa tabi ko pa talaga ikaw umupo." Napatungo nalang ako. Wala na bang mas malalang mangyayari ngayon?
"Ang tagal naman ni Lian, papakilala pa naman sana kita." Patuloy pa rin siya sa pagdaldal. Tanggalan ko kaya ng boses ang babaeng ito?
"Wag ka nga munang magsalita," sabi ko sa kaniya. Marami pa ring mga bagay ang gumugulo sa isipan ko at kailangan kong malaman ang mga sagot dito sa lalong madaling panahon.
"Jensen!" Kailan ba tatahimik ang mundo ko? Sinamaan ko ng tingin 'yong sumigaw. Pamilyar sa 'kin ang mukha niya ngunit wala akong pakialam kung nakita ko na ba siya o hindi. Ang gusto ko lang gawin ngayon ay ang tanggalan sila ni Jensen ng dila.
"I miss you!" sigaw niya.
"Lian, I miss you too!" balik na sigaw naman ni Jensen. Mas lalong nadagdagan ang pagkamuhi ko sa mga tao. Ayoko ko sa maiingay.
"Lian, siya nga pala si Athena. Siya 'yong sinasabi ko sa 'yong tumulong sa 'kin," pagpapakilala niya sa 'kin doon sa bagong dating na maingay.
"Oh, kilala ko 'to ah! Siya 'yong nasa village na masungit," sabi niya. Wala naman akong pakialam sa kanila kaya't hindi ko nalang sila tinignan. Nagpatuloy nalang sila sa pag dadaldalan hanggang dumating ang guro namin.
"Oh, hi Ms. Athena." I didn't know na dito pala siya nagtuturo.
"I'm Sir Arthur, by the way," sabi niya sa 'kin.
"Class, she is Athena Clarke. Be nice to her," turan ni Sir Arthur. Siya ang nagsilbing guro ko sa loob ng maraming taon noong nasa Mreine pa ako.
"Anything to say Ms. Athena?" tanong niya. Tumayo ako at pinahayag ang mga salita na kanina ko pa gustong sabihin sa kanilang lahat.
"Ayoko sa inyo, so please don't dare to get near me." Bakas sa mukha ng mga kaklase ko ang pagkagulat. Umupo na ako at tumingin nalang sa harapan.
Makalipas ang halos isang oras na klase namin sa Microbiology, napansin ko ang isang lalaki na napakatalas ng tingin sa akin. Ngumisi siya nang magkatitigan kami.
"Mr. Dwight, please look in front," saway ni Sir Arthur sa lalaking 'yon. Nginitian niya lamang si Sir Arthur at ibinalik ang tingin sa akin. Hindi ko siya pinansin hanggang matapos ang klase namin.
"Tara Athena, sumama ka sa 'min," pagyayaya ni Daldalita sa 'kin. Hindi ko siya pinansin.
"Sungit talaga, tara na nga Lian!" Mabuti naman at umalis na rin sila. Ayoko sa dalawang 'yon.