Chapter 33
"I can't sleep." Sabi ko ng kumatok ako sa pintuan ni Ion.
Kinusot niya ng mata niya at halatang kagagaling niya lang sa pagtulog.
"What do you want me to do?" Tanong niya. Medyo paos pa siya at halos wala akong narinig.
"Let's take a walk." Sagot ko. Tinignan ko ang relo ko sa kamay. It's already 10:20 in the evening.
Hindi ako makatulog dahil sa pag-iisip. Pag-iisip ng mga bagay bagay sa mundo at sa sarili ko.
"Okay, magbibihis lang ako." Sabi niya. Bakas sa boses niya ang pagkaantok ngunit hindi niya ako tinanggihan.
Ilang minuto lang ay lumabas na ulit siya sa kwarto niya.
Hindi na namin nilock ang bahay dahil wala namang magnanakaw sa bahay namin.
Lumabas kami ng subdivision.
"Bakit naman gusto mong maglakad?" Tanong niya sa 'kin sabay hikab. Napangiti naman ako.
"I just want an answer to my questions." Nakangiting sagot ko. Napakunot naman ang noo niya dahil sa pagngiti ko--- o baka hindi.
"Anong tanong?" Sabi niya.
Maraming tanong.
"Saan natin nakuha ito?" Tanong ko sa kaniya. Hindi siya nakaimik at tila ba binuhusan ng isang malamig na tubig.
Tumikhim siya at tumingin sa 'kin ng seryoso.
"Hindi ko alam." Sagot niya.
"Talaga?" Paninigurado ko.
"Bakit, may ideya ka ba kung bakit tayo merong ganito?" Seryosong tanong niya. Hindi talaga bagay sa kaniya ang magseryoso.
"Meron." Sagot ko. Nakita ko ang gulat sa mata niya. Ngunit, bakit?
"Ano?!" Nagkaroon ng pag-iiba sa tono niya. Pagkabigla, takot at kaguluhan ang nasa mga mata niya.
"Si God. Siya yung lumikha sa 'tin, tama ba?" Sagot ko. Naniniwala kasi ako na kung ano pa man ang bagay na meron kami, sa Kanya pa din ito galing.
Biglang umaliwalas ang mukha niya at nawala ang mga emosyong nakita ko kanina.
"Siguro." Sabi niya sabay kibit balikat.
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nandito na pala kami sa lugar nila Daldalita.
"Wow, ang kinis." Rinig ko ang pagsipol ng isang lalaki di kalayuan sa amin.
Natuon ang atensyon namin sa kanila.
Sigarilyo, alak, at droga.
Yan ang mga nakikita ko ngayon. At syempre, ang mga taong unti-unting pinapatay ang sarili dahil sa mga bagay na yon.
"Bakit ba nagshort ka lang?" Pabulong na sabi ni Ion. Nagkibit balikat lamang ako.
"Tara na. Wag mo silang pansinin." Sabi sa 'kin ni Ion kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.
"Wait lang naman, pare. Share your blessings!" Isang mala-demonyong halakhak ang narinig ko.
Napailing na lamang ako sa estado ng buhay na meron sila. Mga walang alam at mga walang magawa sa buhay.
"Hoy pare! Share share naman tayo!" Sabi pa ng isang lalaki.
"I don't do sharing." Matigas at seryosong sabi ni Ion. Narinig ko na naman ang mala-demonyo nilang tawa.
Naramdaman ko ang mga yabag nila na papalapit sa amin. Ang ingay ng alak sa loob ng bote habang naglalakad sila. Naaamoy ko ang usok na ibinubuga ng tatlo sa kanila. Nararamdaman ko ang mga pagnanasa sa kanilang puso.