Chapter 22

2.5K 82 8
                                    

Chapter 22
Ion's POV

Napatulala ako sa bintana ng kwarto ko, kung saan matatanaw mo ang buwan. Ilang minuto na din ang nakalipas ng umalis si Athena. This isn't the right time para malaman niya ang tungkol sa kakayahan ko. This is not the right time, dahil hindi ito ang nakasulat sa libro.

*Blag*

May lumikha ng ingay sa veranda ng kwarto ko. Hindi ko nalang iyon pinansin dahil baka kung anong bagay lang iyon. Nanatili nalang ako sa pagtanaw sa buwan.

"I will take my girl in that place, someday."

Napapikit ako ng maalala ko ang sinabi niyang iyon. Z loves the moon so much. Sinabi niya sa akin na dadalhin niya ang taong mamahalin niya sa buwan. Tinawanan ko lamang siya noon ng sinabi niya iyon. Una sa lahat, papaano niya naman magagawa iyon?

Yun yung mga panahon kung saan maayos pa ang lahat. Yun yung panahon kung kailan hindi pa nagugulo ang buhay ko.

Naalala ko na naman ang mga pangyayari na yun. Memories are flashing in my mind continously.

"That's the mere fact, anak. You have to do that. You have to write her future. It's an order from the master."

Napapikit akong muli. Hindi ko dapat ginawa iyon. Maling mali dahil hindi ko pala kaya.

Akala ko dati yun lang ang gagawin ko. Akala ko madali lang gawin yun. Pero ngayon, nahihirapan ako, papaano ko gagawin ang isang bagay kung prinoprotektahan ko ang dapat kong saktan?

"Damn you Z! Damn you!"

Yun ang huling salita na binitawan ko sa harapan niya. Matagal na din pala ng mangyari ang bagay na iyon.

Narinig ko ang pagkalabog sa veranda ni Athena. Marahil tulog na ngayon ang babaeng yun. Hindi ko muling pinansin ang ingay dahil baka kung anong bagay lang yun. Sabi nga ni Athena, hindi dapat pagtuunan ng pansin ang mga bagay na wala namang halaga.

Ilang sandali lamang, narinig ko ang pagbagsak sa lupa. Siguro nahulog ang paso na inilagay ko sa veranda niya.

Gusto kong makita ang mukha niya habang natutulog kaya napagdesisyunan kong bumangon at puntahan siya sa kwarto niya. Ayoko pa din siyang makausap kaya kakausapin ko nalang siya habang natutulog siya.

Lumabas ako sa kwarto ko at pumunta sa kwarto niya na katabi lamang ng kwarto ko. Sa gitna ng kwarto namin ay ang hagdan patungo sa unang palapag. Dalawang palapag ang bahay na ito at ang kwarto lamang namin ang nandito. Inaalok ako ng Mreine ng isang mas malaking bahay ngunit mas pinili ko ito dahil simple lang at kasya na kami ni Athena.

Ang katulong na kinuha namin ay pumupunta lamang dito sa bahay tuwing nasa school kami ni Athena. Ayoko namang marinig niya ang mga pinag uusapan namin ni Athena at makita niya ang kayang gawin ni Athena, o maging ang kakayahan ko.

Pinihit ko ang pintuan ng kwarto ni Athena. Laking pasalamat ko ng hindi ito nakalock. Madilim ang kwarto niya at walang bakas ng ilaw. Nakasarado ang kurtina sa bintana at veranda niya at patay din ang ilaw sa lamp niya.

Hindi ko binuksan ang ilaw dahil baka magising lamang siya sa liwanag. Nangapa nalang ako sa dilim. Alam kong sanay na sanay si Athena na gumalaw sa dilim dahil 20 years din siyang nabuhay doon. Kaya nga tuwang tuwa ako sa reaksyon niya kapag binubuksan ko ang ilaw sa kwarto niya noong nasa Mreine pa kami. Yun kasi ang kinatatakutan niya at ang ayaw niyang makita. Para daw siyang nabubulag sa liwanag. Ang labo din ng isang yun.

Mabuti nalang at nakapa ko na ang kama niya. Napangiti tuloy ako dahil dito.

"Athena, sorry." Mahinang sabi ko. Ayoko siyang magising ngunit gusto kong sabihin ito sa kaniya habang tulog siya. Atleast nasabi ko ang gusto kong sabihin.

Antithetic's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon