Chapter 23

2.6K 96 21
                                    

Chapter 23

"Saan ka galing?" Napahawak ako sa dibdib ko ng marinig ko ang boses ni Ion sa likod ko. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng bahay namin pero bigla siyang nagsalita.

"Bakit ka nandyan?" Pagbabalik ko ng tanong sa kaniya, ano naman ang ginagawa niya sa likuran ko? Bakit parang pagod siya at pawisan?

"Sagutin mo ang tanong ko." Seryoso niyang sabi. Nakalimutan ko na magka away kaming dalawa. Teka? Mag kaaway nga ba kami?

"Nagjogging ako." Palusot ko, niyaya rin kasi ako nila manok at daldalita na magjogging pero hindi ako pumayag. Magagamit ko din pala ang dalawang yun.

"Ikaw?" Pahabol na tanong ko sa kaniya. Tinignan niya ako at dire diretsong pumasok sa bahay. Galit nga siya.

Napayuko nalang ako at pumasok na din sa loob ng bahay para maligo. Alas sais na, sa pagkakaalam ko, alas syete ang oras ng pasok ko ngayon. Sakto lang pala ang dating ko. Naligo na ako at umalis na din. Mas naunang umalis si Ion kaysa sa akin. Hindi man lang niya ako tinignan o nagpaalam man lang.

Pagdating ko sa school, yung mukha kaagad nila manok at daldalita ang bumungad sa akin.

"ATHENA!" Pumikit ako sa inis. Masyado talagang attention seeker ang dalawang to. Napakahilig nilang sumigaw at wala silang pakielam sa tenga ng mga nakakarinig sa kanila.

"Damn you." Bungad ko sa kanilang dalawa.

"Good morning din!" Sabay nilang sabi. Should I bring the two of them in Mreine? Para kahit papaano ay mahawaan sila ng pagkaseryoso. Para na din maipatanggal ko ang dila nila kay Willows.

"Athena kinikilig ako! Tara sa room!" Hinigit nila akong bigla. Pagod pa ako dahil sa tinakbo ko kaninang madaling araw. I hate them.

Napahinto ako sa harapan ng pintuan namin. What's this?

Dwight is singing and strumming his guitar?

"Grabe! Nakakakilig yung boses ni Dwight ko!" Narinig kong sabi ni manok. Hinampas naman siya ni daldalita.

"Akin yan!" Sabi niya dito. I don't get them. Nung una si 'kuya' Ion ang pinapantasya nila, pangalawa si Zephyr at ngayon si Dwight?

"Bigla nalang niyang kinuha yung gitara nung isang classmate natin tapos kumanta siya. Grabe!" Sabi ni manok. Ano namang paandar ng Dwight na ito? Nothing is special with his voice, maybe there is, but I am not captivated with it. Pare pareho lang naman sila na marunong kumanta.

"Ang lamig ng boses niya. Mahihimatay na ako." Oa na sabi ni daldalita.

Dire diretso akong pumasok sa room namin. I don't care about anything kaya hindi ko na din tinignan si Dwight. He is singing for no one and I don't have any business there.

Umupo ako sa upuan na lagi kong inuupuan, sa tabi ng bintana. Tumingin nalang ako sa bintana dahil mas reasonable ito
kaysa makigulo sa dalawang maiingay na kaibigan ko. Yes, kaibigan ko.

Biglang huminto sa pagkanta si Dwight dahil hindi ko na narinig ang boses niya. Wala akong pakielam kaya hindi ako lumingon, tumungo nalang ako sa desk ko at natulog.

"Clarke!" Naririnig ko ang sigaw ng teacher namin pero wala akong pakielam. Gusto ko lang na ipikit ang mata ko maghapon. Siguradong iniisip nila na natutulog ako.

"Uy, Athena." Niyuyugyog ako ng kung sino. Boses ni daldalita.

Napagdesisyunan kong iangat ang ulo ko at tignan ng masama ang prof namin na hindi ko kilala.

"Bakit dito ka natutulog sa klase ko, Athena Clarke?" Ginantihan niya ang sama ng tingin ko.

Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Nakipagtitigan lamang ako dito.

Antithetic's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon