Chapter 13

3.6K 96 1
                                        

Chapter 13

    Inilibot ko ang paningin ko sa isang kwarto. Tatayo na sana ako ng biglang kumirot ang tagiliran, kamay, braso at balikat ko. Tinignan ko ang mga yun.

Akala ko panaginip lang yun.

       Napapikit ako ng mas sumakit ang mga sugat ko. Hindi ko akalain na magagawa ni Dwight yun. Napakalakas niya pala.

      Tinignan kong maigi ang kabuuan ng kwartong ito.

Kadiliman

     Yan lang ang tanging imahe na nakikita ko ng libutin ko ang paningin ko. Nandito na naman pala ako. Patuloy lang akong pumikit ng maramdaman ko na naman ang hapdi ng mga sugat ko.

     Matapos akong matamaan ni Dwight sa kamay at tagiliran, wala na akong ibang maalala doon. Kahit ang mga sinabi ni Dwight sa huli hindi ko na din naintindihan.

Hindi ko naipagtanggol ang sarili ko.

     Akala ko dati, kayang kaya kong protektahan ang sarili ko. Nabuhay ako na walang tumutulong o gumagabay sa akin. May tatay nga ako, pero kahit kailan, hindi ko naramdaman ang pag gabay niya sa akin.

     Masyado kong pinaniwala ang sarili ko na hinding hindi ko kailanman kakailanganin ang tuloy ng kahit na sino. Ngunit sa lagay kong ito, mukhang kailangan ko siya. 

Kailangan ko si Dwight.

      Sinabi niyang tutulungan niya ako na maging malakas upang maging handa ako sa mga bagay na tutuligsa sa akin sa hinaharap.

      Kailangan ko si Dwight. Kapag natulungan niya na ako, dapat na siyang maghanda para sa kamatayan niya. Nasasaktan ako ngayon kaya kailangan niya ring maranasan iyon.

      Bumukas ang pintuan kaya nagkaroon ng kaunting liwanag. Hindi ako makatayo kaya hinayaan ko nalang na lumapit sa akin ang kung sino mang nagbukas ng pinto.

      Binuksan niya ang ilaw kaya't lumiwanag ang buong paligid. Ngayon ko lang din napansin na napakataas pala ng bubong ng kwartong ito, hindi katulad ng sa karaniwang bahay sa earth. Pabilog din ang kwarto at halos 50 metro ang taas.

"Ion." Mahinang sabi ko ng makita ko ang mukha niya. Bakas sa mukha niya ang pag aalala.

"Athena," Sabi niya ng tuluyan siyang makalapit sa akin. Hinawi niya ang hibla ng buhok sa mukha ko. Tumingin ako sa mga mata niya, kitang kita dito ang pag aalala. Nag aalala ba sa akin ang nilalang na to?

"Ayos ka na ba?" Napairap nalang ako sa tinanong niya. Wala talaga siyang pinagkaiba sa mga tao.  Nakikita naman nilang dumaranas ng matinding kalungkutan ang isang tao tapos magtatanong sila kung okay lang ba ito.

"Ano sa tingin mo?" Sabi ko sa kaniya. Ngumiti naman siya ng mapait.

"Ilang oras na akong nandito?" Tanong ko sa kaniya.

"Dalawang araw na, Athena." Nagulat ako sa sinabi niya ngunit hindi ko ito masyadong pinahalata. 

       Dalawang araw? Nakapagtataka naman na hindi ko man lang napanaginipan si Thyra o kahit yung lalaki man lang. Ni hindi nga ako nanaginip.

        Ilang araw ko na ding hindi napapanaginipan si Thyra. Ano na kayang nangyari sa babaeng iyon? Mukhang napapalapit na ako sa kaniya.

"Bakit ako nandito?" Tanong ko. Pwede naman nila akong dalhin sa mga ospital. Bakit dito pa sa Mreine?

"Sa tingin mo maipapaliwanang ng mga doktor sa earth kung bakit puno ng bubog na gawa sa yelo ang katawan mo?" Sagot niya.

       Bubog na yelo? Bakit hindi man lang natunaw iyon?

Antithetic's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon