Chapter 24

2.6K 90 8
                                        

Chapter 24

"Grabe! Naeexcite ako!" Pasigaw na sabi ni daldalita. Sabi niya kanina, ito ang kauna unahang pagkakataon na makakasama siya sa mga ganito. Isang bus ang sasakyan namin dahil 36 lang naman kaming lahat.

"Tabi tayong tatlo, Athena?" Tanong sa akin ni manok habang kumakain siya ng kung ano.

"Sino pa bang tatabihan ko?" Seryosong sagot ko sa kaniya. Hindi talaga sila nag iisip.

"Si Dwight." Natatawang sabi ni daldalita. Why would I? Isa pa, hindi niya ako pinapansin mula pa nung isang gabi. Hindi nga kami nagtraining kagabi.

Tumingin ako sa orasan ko, alas tres palang ng madaling araw. 3:30 aalis ang bus namin kaya maaga akong pinuntahan ni manok sa bahay. Tapos, sinundo namin si daldalita sa kanila, at tama nga ako, tatay niya nga si mang Agoy. Sinenyasan ko nalang siya na huwag na akong kausapin dahil alam ko na magtatanong lang si daldalita sakin.

"Ano anong baon mo, Jensen?" Tanong ni daldalita sa kaniya. Pinalsak ko ang headset sa tenga ko, ito lang ang tanging technology na meron ako. Binilhan ako ni Ion kahapon, nilagay niya iyon sa side table ko kahapon, hindi niya pa rin ako pinapansin.

"Tara na sa bus." Utos ko sa kanilang dalawa. Sinabi ko sa kanila na sa unahan kami umupo dahil ayokong makita ang mga tao. Ayoko pa din sa kanila, pero dahil kaibigan ko naman si daldalita at manok, pwede na silang pagtiyagaan.

Sumakay na kami sa bus. Marami pa rin ang nalate kaya alas kwatro na kami nakaalis.

Sa totoo lang, inabangan ko na sumakay si Thyra pero wala siya. Sinabi niya sakin na sa architecture department siya. Hindi ba siya sumama?

Nasa pinakalikod naman si Dwight. Katulad ko, may nakapalsak din na headset sa ulo niya. Wala siyang katabi dahil alam ko naman na wala siyang kaibigan sa klase namin. Si Kriziah pa lang siguro ang masasabi ko na kaibigan niya.

Naalala ko na naman tuloy ang sinabi niya nung nagtratraining kami. Para sa akin daw ang kanta na yun pero binaliwala ko lang. Wala naman akong pakielam doon pero nakakainis na hindi niya ako pinapansin. Masyadong tahimik ang buhay ko ngayon, hindi ko napapanaginipan si Thyra, hindi ako pinapansin ni Ion at Dwight. Hindi rin nagpaparamdam si Zephyr sa akin. Tanging ang dalawang maingay na katabi ko lang ang gumulo sa buhay ko kahapon.

"Moby gusto mo?" Alok sakin ni manok ng pagkain na nasa plastic na red. Kumuha ako dahil nacucurious ako sa lasa nito. Puro gulay lang ang pinakakain sa akin ni Ion kaya gusto ko itong tikman. Kumuha ako ng isang piraso at nilagay iyon sa bibig ko. Masarap ito kaya kinuha ko kay manok ang buong plastic.

"Grabe huh!" Angal niya. Nasa gitna nila akong dalawa dahil gusto daw ni daldalita sa bintana.

"Okay everyone, unang destination natin ay ang Mt. Batolusong in Tanay, Rizal. Obviously, maghihike kayo doon, don't worry, pupunta muna tayo sa isang bahay para makapagready kayo. That is the school owner's house. You will be needing a lot of water and a rubber shoes, you can bring your technologies para naman may maipost kayo sa social networking sites niyo. Alam niyo naman siguro ang ginagawa sa hiking diba?" Paliwanag nung adviser ng kabilang klase. Magkatabi sila ni sir Arthur na nakatayo sa unahan namin.

Lahat sila ay um oo sa tanong ng professor, hindi ko alam yun kaya umiling ako. Bagong labas ako sa mundong ito kaya wala akong alam sa hiking na sinasabi nila.

Antithetic's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon