Chapter 28

2.8K 98 20
                                    

Chapter 28

"What's that?" Tanong ko kay Daldalita. She is reading a book, and she seems so serious about it.

Bigla niyang tinago sa likod niya ang libro at parang nakakita ng isang hindi inaasahang bagay. She gave me a fraudulent smile and I can sense her uneasiness.

"It's, umm ---" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng biglang sumigaw si Manok. "Kakain na daw!" Malakas ang sigaw na yun.

"Tara na, Athena." Nauutal niyang sabi. Napataas nalang ang kilay ko dahil sa pinapakita niya. Tinago na niya sa bag niya ang librong kulay itim ang cover. Gusto ko sanang tignan ang librong binabasa niya ngunit hinila na niya ako palabas.

Hindi katulad ng mga libro sa school namin ang binabasa niya kaya nakuha nito ang atensyon ko. It looks like an old book.

Tahimik akong kumakain. Gamit ko ang kamay ko sa pagkuha ng pagkain dahil wala naman silang binigay na kutsara at tinidor. Sa isang dahon din kami kumakain. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ganito ang paraan ng pagkain namin.

Tumingin ako sa paligid ko, lahat sila nagkwekwentuhan, nagtatawanan, nag aasaran at nag iingay. Maliban na lamang samin ni Dwight at ni Daldalita. She is really acting weird. Si Manok ay kasalukuyang nag iingay. Binalik ko na lamang ang atensyon ko sa kinakain ko at inisip ko nalang na masama lang ang pakiramdam ni Daldalita.

Muli kong naalala si Ion. Sigurado ako na nandito pa siya. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pang pumunta dito. Anong ginagawa niya dito? Isa pa, akala ko ba galit sakin ang taong yun?

Bigla tuloy akong napaisip, kaya siguro hindi ako nahihirapan sa pag akyat sa masukal na lugar na ito dahil ginagamit ni Ion ang dexterity niya sa akin.

Muling nabaling ang atensyon ko kay Dwight, he is staring. Nakipagsukatan ako ng tingin. Hanggang ngayon, ang bagay na yun parin ang nais ipahiwatig ng mga mata niya. He looks so cryptic and dark outside but his eyes are shouting something. Dahil doon, napaiwas ako ng tingin. I can't be wrong, sa mga training namin, tinuruan niya ako kung paano basahin ang nararamdaman ng isang tao base lamang sa mata nito. Madali kong natutunan ang bagay yun at si Dwight din ang pinagprapractice-an ko.

Narinig kong bahagya siyang tumawa dahil sa ginawa ko. Nabaling ang atensyon ng lahat sa kaniya at tumahimik din ang paligid namin. He's that amazing, with just a mere laugh, he can shut the hell out of everyone.

Binaliwala niya ang mga nanlalaking mata ng mga taong nakatingin sa kaniya. Maybe it is too unusual to hear him laughing. He is too serious and emotionless, that's why.

Nang matapos kaming kumain, niligpit ng mga lalaki ang lahat ng dumi, samantalang ako ay pumasok na sa tent. Bago pa ako makapasok dito inunahan ako ni Daldalita sa pagpasok. Nang makapasok ako, nakita ko siyang inaayos ang bag niya at itinago sa kumpol ng mga gamit namin. Bago niya gawin yun, nakita ko ang unang letra ng title ng libro May nakalagay dito na A at I. Two words ang title ng libro kaya dalawa ang nakita ko. Agad din akong lumabas dahil naiirita ako sa kinikilos niya.

Napagdesisyunan kong maglakad lakad muna. Nakakalat pa naman ang mga tao sa paligid kaya walang kaso iyon sa mga professor. Naghanap ako ng lugar kung saan walang tao. Walang maingay. Tahimik at makikita ang view ng mga nasa ibaba. Nang makita ko ang isang lugar, namangha ako sa nakita ko. Umupo ako at tumingin sa paligid. Tinignan ko ang mga ilaw sa ibaba ng kinaroroonan ko. Napakaganda nito sa malayo. Ang mga nakasinding ilaw sa mga bahay, ang dagat, ang mga puno. Napakaganda ng mga bagay na ito kung titignan mo sa malayo. It is too captivating to the point that you are slowly convincing yourself that it is really beautiful. But actually, things are just beautiful from afar. It looks so perfect when you are at the place where you can only see it. But when you look closer and closer, everything is not beautiful. When you started to feel the place and not just see it, you will realize that what you see from afar is just a mere lie. A big lie that is drowning you slowly.

Antithetic's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon