Chapter 20
Nililibot ko ang paningin ko sa dinadaanan ko. Pupunta ako ngayon kila Daldalita. Maliliit at tagpi tagping bahay, sira sirang bubong, mga batang pakalat kalat sa kalye, madudungis na mga tao at pangit na bahagi ng mundo.
"Ack!" Mahinang daing ko ng may biglang nagtakip ng bibig ko. Ang baho ng kamay niya.
"Wag kang sisigaw. Sasaksakin kita!" Pabulong niyang sabi sa akin. Gagawin din ba ng lalaking ito ang ginawa nila kay Daldalita?
Kahit na kayang kaya kong makawala, hindi ko ginawa. Gusto kong malaman ang gagawin niya upang maturuan ko siya ng leksyon. Dinala niya ako sa madilim na bahagi ng eskinita kung saan walang katao tao.
Ganito ba ang mundong kinabibilangan ni Daldalita? Pwes, masyado siyang nakakaawa.
"Ibigay mo sa akin ang cellphone mo!" Sigaw niya sa akin na para bang tinatakot ako. Kung tao siguro ang kaharap niya, malamang matatakot na iyon. Ngunit, ako ang kaharap niya kaya imposobleng mangyari yun.
"Wala akong ganon." Sagot ko, hindi naman ako nagsinungaling dahil wala naman talaga akong ganon. Ni hindi ko nga alam kung papaano ginagamit iyon.
"Aba! Aba! Akina kung ayaw mong saksakin kita!" Sigaw niya habang dinidiin ang dala niyang kutsilyo sa leeg ko. Bakit ba ang babaho ng hininga ng mga taong nandito?
"I said I don't have any." Bored kong sabi. Ang sakit sakit sa ilong ng hininga niya, ang lapit lapit ko pa sa kaniya.
"Ingleshera ka tapos wala kang cellphone?!" Sigaw niyang muli. Padiin ng padiin ang pagkakabaon ng kutsilyo sa leeg ko. Ngunit hindi pa naman ito dumudugo.
"Kailangan ba?" Mahina kong sagot.
"Oh sya! Akina ang pera mo!" Sigaw niyang muli sa akin. I pity him, mangunguha na nga lang siya ng gamit doon pa sa walang kadala dala. Dapat pala kapag nagpupunta ako dito, magdadala ako ng pera.
"Wala din akong dala." Sabi ko sa kaniya. Diniinan niya pa ang pagkakabaon sa kutsilyo, naramdaman kong medyo may dugo na ang leeg ko.
"Punyeta ka! Sinungaling! Akina sabi!" Galit na sigaw niya.
"Why is it very important to the humanity?" Tanong ko sa kaniya.
"Huh?!" Nagtatakhang tanong niya.
"The paper, I mean the money. It is just a plain paper. A plain paper that is made with leaves. Nakikipagpatayan ang mundo para sa pera, ano bang espesyal doon? Wala akong nakikita." Nakangiti kong sagot. Imagine, anong mangyayari sa mundo kapag nawala ang perang papel? I think, they will all be dead.
"Ano bang sinasabi mo diyan?!" Galit na sigaw niya, hindi niya siguro maintindihan ang sinasabi ko.
"Money is nothing. A plain paper with nothing on it. Everything is nothing." Sabi ko. Dumiin pa ang kutsilyo at naramdaman ko na may dugong lumabas sa leeg ko. Pababa sa dibdib ko, nawawalan ako ng ganang makipaglaban kaya hindi ko magawang makatakas. Isa pa, masakit na ang leeg ko.
"Nakakaawa ang mundo, nakikipagpatayan para sa isang papel. Is that paper worth everything?" Sabi kong muli.
"Manahi--" Nagulat kaming dalawa ng may isang tubo ang mabilis na bumulusok papalapit sa amin. Mabuti nalang at nakaiwas akong kaagad, at dahil hawak ako nung lalaki, nakasama siya sa pag iwas.
"Hands off her, asshole." Seryosong sabi ni Zephyr. Anong ginagawa ng lalaking ito dito?
"P*ta! Sino ka naman?!" Galit na galit na yung lalaki.
"Her boyfriend." Sagot niya na ikinabigla ko. Boyfriend? Kailan ko pa siya naging boyfriend?
"You're not my boyfriend." Pagtatanggi ko. Nabitawan na nung lalaki yung kutsilyo kaya hinawakan ko ang leeg kong dumudugo.