Chapter 26

2.5K 81 6
                                    

Chapter 26

"The paper will guide you? I don't get it." Reklamo ng isa naming ka myembro.

"Ang hirap naman." Sabi ni manok. Bakit ba hindi nalang sila mag isip?

"Saan gawa ang papel?" Tanong ko sa kanila.

"Woods?" Patanong na sagot ng isa naming kasamahan. Hindi ko maintindihan ang mga salita na nakalagay sa papel na ibinigay sa amin. Ang tanging bagay lang na meron dito ay ang arrow sa dulo ng papel na may tuldok sa unahan ng arrow.

"Hindi, hindi pwedeng yun yung clue, kasi sobrang daming woods dito." Sabi ni manok habang kinakalikot ang cellphone niya. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya.

"No, it's possible." Singit naman ni Dwight habang nakatingin pa rin ng seryoso sa papel na binigay sa amin.

"Come on, let us just look for some piece of paper here." Sabi ni Dwight. Sumunod kami sa kaniya habang nag iisip. It is not just about looking at the pieces of paper. It is something more senseful and deep.

"Wait, ano yung mga bagay na nag guguide satin?" Tanong ng isa naming kamiyembro. Nabaling ang atensyon ko sa kaniya.

"Guardian angel." Inosenteng sabi ni manok. Napailing nalang ako.

"Directions, right?" Sabi ng isa pa naming kamiyembro. Nakatingin lang si Dwight sa papel na clue.

"It means that the paper will give us the direction?" Patanong kong sagot. Maybe she's right, the paper will help us to know kung nasaan ang tamang direksyon.

"Hand me the paper, Dwight." Utos ko kay Dwight, tinignan niya muna ako bago niya binigay sa akin ang papel.

Tinignan ko ang papel, natuon ang atensyon ko sa arrow na nasa gilid nito. Mukha nandito ang clue.

"We have to go back." Sabi ko sa kanila. Kaya ko namang pumunta mag isa yun pero sasakyan ko muna ang trip nila.

"Ano?" Kauna unahang nag react si manok kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit naman? Nasa kalahati na tayo oh!" Marami pang nagreklamo pero hinayaan ko nalang sila.

Nagulat ako ng bigla kaming nilagpasan ni Dwight at tinahak ang direksyon pabalik. Wala silang nagawa kundi sumunod kay Dwight at magmaktol. Napangiti ako sa isip ko, galit ba talaga siya sakin?

"Now?" Patanong na sabi sa akin ni Dwight, nginitian ko siya at pinakita sa kaniya ang papel.

"Anong eksaktong lugar nito nung binigay ito ni sir Arthur sayo?" Tanong ko sa kaniya, tinaasan niya ako ng kilay at inabot ang papel.

"What for?" Masungit niyang tanong sa akin. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Dahil matagal na kaming magkasamang dalawa, alam ko na importante sa kaniya ang mga maliliit na bagay kaya imposibleng hindi niya natatandaan ang eksaktong pwesto nito kanina.

"Just do it, Ice." Pang aasar ko sa kaniya, ngumiwi naman siya dahil sa tinawag ko.

"Here, take a look." Mahinang sabi niya sabay lahad ng papel. Nandito kami sa eksaktong pwesto namin kanina. Well, not that exact because that is impossible.

Tinignan ko ang kamay niya. Sinundan ko ng tingin ang tinuturo ng arrow sa papel. May nakalagay na signage doon na, 'Waterfalls ---> '

Tinuro ko iyon sa kanila at tinaasan lang nila ako ng kilay.

"The arrow symbolize directions. Meaning, the paper will give us the direction. Lahat ng papel na binigay ni sir ay nakaturo sa signage na yan. Now, let's go there." Nauna na akong maglakad sa kanila. I know they will follow me.

Antithetic's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon