Chapter 8

4.9K 123 5
                                    

"Hindi ka muna papasok ngayong umaga, Athena. Pinapatawag ka sa Mreine," sabi niya. Nakabihis na ako ng uniporme tapos ngayon niya lang ito sinabi sa akin.

Napilitan akong magpalit ng damit. Lumabas na ako, nakita ko naman sa harapan ng gate namin ang isang kulay pulang sasakyan.

"Tara na, Athena,” sabi ni Ion. Mabuti nalang, hindi ko makikita ‘yung dalawang maingay. Sumakay na ako sa kotse katabi si Ion. Pareho kaming nasa likod. Mahaba habang byahe na naman ito.

    Natulog nalang muna ako, gusto kong makita si Thyra. Hindi ko alam ngunit simula nang mapanaginipan ko siya, lagi ko na siyang hinahanap-hanap.

"Thyra?" Nakita ko siyang nakatalikod sa akin. Nilapitan ko siya at hinawakan sa balikat.

"Oh?" malungkot na sagot niya. Anong nangyari sa babaeng ito?

"Natutulog ka ba ngayon? Sa totoong buhay?" tanong ko sa kaniya.

"Ah? Oo. Mananaginip ba ako kung hindi?" sagot niya sabay ngiti. Hindi pa rin nawawala sa mga mata niya ang kalungkutan.

"Nakita na ba kita? Saan?" tanong ko. Simula nang mangyari ang discussion na ‘yon kahapon, napapahaba na rin ang mga nilalabas kong salita.

"Oo, sa CR sa school,” alanganing sabi niya. Sa CR? Kahapon lang naman ako nagpunta roon. Saka wala namang tao sa loob no’n maliban sa amin ni manok.

"Huh? Sigurado ka?" tanong ko. Imposible naman kasi ang sinasabi niya.

"Oo naman,” sagot niya sa ‘kin. Mamaya ko na nga lang iisipin ang tungkol kay Thyra. Mabuti nalang at sinabi niya kung saan, dahil isa nga siya sa mga taong may kakayahan sa school.

"Anong department mo?" tanong ko, bahagya naman siyang napaisip.

"Biology!" Inaamin kong hindi ko inaasahan ang isasagot niya. Mukhang makikilala ko na rin siya.

     Tinitigan ko ang kulay orange niyang mata. Mukhang madali ko siyang makikilala dahil sa mga mata niya. Maliban nalang kung pareho kaming gumagamit ng contact lense.

"Bakit natutulog ka ngayon? ‘Di ba may klase?" tanong ko sa kaniya. Mukhang pasaway ang isang ‘to.

"Hindi naman kasi ako pumasok ‘no,” natatawa niyang sabi, nakita ko naman na nag iba na ang emosyon niya. Mukhang napapawi na ang kalungkutan niya.

"May nakilala akong isang lalaki, Zephyr ang pangalan niya. At aaminin kong hindi ako nakaramdam ng pagka-ayaw sa kaniya kahit tao siya,” sabi ko. Oo, ayaw ko sa mga tao. Ngunit ang lalaking iyon, may kung ano sa kaniya. Gusto ko siya bilang tao dahil magkatulad kami ng emosyon at pagkatao.

"Oh? Pogi naman?" Kinunutan ko siya ng noo.

"Anong klaseng tanong ‘yan?" Napaka walang kwentang tanong naman ‘yong tinanong niya sa ‘kin.

"Sagutin mo nalang,” sabi niya.

"Walang ganoon sa akin, para sa akin, pantay-pantay lang silang lahat,” sagot ko. Wala naman kasing pinagkaiba ang mga mukha ng kababaihan at ng mga kalalakihan. Lahat sila mukhang tao.

"Wow naman!" Kung ikukumpara ko sa iba naming pag uusap ni Thyra, masasabi kong maituturing ko na siyang kaibigan. Bakit ba hindi ko nalang pagkwentohin  si Thyra tungkol sa buhay niya upang mas madali ko siyang mahanap?

Antithetic's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon