Chapter 29

2.9K 97 58
                                    

Chapter 29

"Ready all your things, we're already here." Nabaling ang atensyon ko kay sir Arthur. We are already here, in one of Mreine's property and probably Zephyr's equity. Everything is connected to them, to him. Mreine is everywhere which means that Zephyr is omnipresent.

"Be ready." Isang mahinang sambit ni sir Arthur habang nakatingin sa akin. I know what he means by that.

Nang tumigil ang bus na sinasakyan namin, nagsibabaan na ang mga nilalang sa loob nito, maliban sakin at kay sir Arthur. "Just shut up and act." Paalala niya sa akin bago siya bumaba. Tinignan ko ang kabuuan ng paligid. Isang magandang bahay sa gitna at iba't iba pang bagay na hindi ko alam kung ano.

"Athena! Bilisan mo!" Sigaw sa akin ng dalawa. Naglakad na ako papalapit sa kanila. May kumuha ng gamit ko sa kamay ko, nakita ko ang isang lalaki na nakauniporme. Katulad din ito ng uniporme ng mga tao sa Mreine. Binigay ko na ito sa kaniya, mukhang kilala niya ako dahil bakas sa mukha niya ang takot at ang anxiety. Nanginginig niyang kinuha ang gamit ko. Sinamaan ko pa siya ng tingin upang nadagdagan ang nararamdaman niya. Mabilis siyang naglakad papalayo dala dala ang gamit ko. Napangisi naman ako sa ginawa ko.

"Grabe ka, pati yung worker dito intimidated sayo." Natatawang sabi ni Daldalita. Kung alam mo lang.

"She will be your tour." Napunta ang atensyon ko sa harapan. 

"Charlotte." Mahinang sabi ko sa pangalan niya. Nakatingin siya sa akin ng diretso at nakangisi.

"I'm Charlotte, and be ready for our tour." Nakangisi niyang sabi. I don't know, but I think there is something more than her words. She is looking at me directly and it feels like she is precisely telling me those words.

Just shut up and act

Naalala ko ang sinabi ni sir Arthur. Maybe this is what he meant. I should act that I don't  recognize Mreine's workers' faces. It does bother me a lot because I am aware that they will watch every move I'll make.

"Welcome to Mreine's Retreat Center, follow me." Sabi niya, tinanggal niya na ang tingin niya sakin at naglakad papalayo. Sinundan sila ng mga tao sa harapan namin. Nagdadalawang isip ako kung susunod ba ako o magpapahinga nalang. 

Napagdesisyonan kong magpahinga nalang dahil wala namang mangyayari sa buhay ko kung sasama ako sa kanila. Mabuti nalang at walang nakapansin sa pag alis ko. Kahit yung dalawang maingay ay hindi ako napansin.

Pumasok ako sa loob ng bahay, wala akong ideya kung bahay nga ito pero mukha itong bahay. Katulad sa mga normal na tahanan,  may sala ito, at hagdanan. Malaki ang lugar na ito, pumasok ako sa isang kwarto sa ibaba at nakita ko ang isang napakalawak na kwarto na wala namang kahit na anong nakalagay sa loob. Lumabas ako dito at pumunta sa itaas, baka nandoon ang pwedeng pahpahingahan.

Pumunta ako sa pinakadulong kwarto. Madaming kwarto dito pero gusto ko sa dulo. Sumalubong sa akin ang madilim na loob ng kwartong binuksan ko. Wala akong makita kaya naman pumasok na ako sa loob, sanay naman ako dito. Nilock ko ang pintuan upang walang makaistorbo sa pagtulog ko, kailangan kong kausapin si Thyra.

Pumikit ako at pinakiramdaman ang paligid. I don't want to turn on the light because they might notice me. Naglakad ako papunta sa kama at nahiga doon.

Tinignan ko ang kadiliman, tingin ko nakasarado ang mga bintana dito at natatakpan ng makakapal na kurtina dahil akong makita.

Nanlaki ang mata ko ng bigla, "Who the fuck are you?!" Isang boses ng lalaki ang narinig ko. Hawak niya ang magkabila kong braso at marahas na idinidiin iyon sa kama. Nararamdaman ko din na nakadagan siya sa akin at makikita sa boses niya ang bakas ng pagkainis.

Antithetic's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon