Chapter 19

3K 90 7
                                    

Chapter 19

"Pagod ka na kaagad?" Tanong sa akin ni Dwight. Hingal na hingal akong tumingin sa kaniya. Mag dadalawang oras na kaming naglalaban. Pagod na pagod na ako. Ngayon lamang ako napagod ng ganito.

"Papaano kung magkakaroon ka pala ng isang daang kalaban? Tapos tig iisang oras mo silang kakalabanin? Edi patay ka na kaagad sa pangalawang kalaban mo?" Tanong niya sa akin. Nilahad niya ang kamay niya upang tulungan akong tumayo.

        Kinuha ko ang kamay niya upang makatayo ako. Sumandal ako sa puno ng makatayo na ako.

"Your hands are shaking. Hahahaha." Pang aasar niya. Pasalamat siya hindi siya napapagod.

"I think, kailangan mo munang i enchance ang stamina mo." Sabi niya habang nakahawak sa baba at tila nag iisip.

"Pwede bang uminom muna ako ng tubig?" Tanong ko sa kaniya. Nauuhaw na ako.

"Sige, may malinis na lawa sa likod ng gubat na to. Sasamahan na kita." Kinabigla ko ang sagot niya. Mabait siya sa akin ngayon. Ano na namang meron sa yelo na to?

Inalalayan niya ako sa paglalakad. Natamaan niya din kasi kanina ng sanga ng puno ang paa ko kaya nahihirapan akong maglakad ngayon. Hindi siya gumamit ng ice dexterity niya. Ang tanging ginawa lang namin ay magpalutang ng bagay bagay. Kaya niya din pala iyon. Nag iwasan lang kami ng atake. Ngunit nakakapagod yun. Nauubos ang lakas ko sa pagpapalutang ng mabibigat na bagay.

"Your stamina is very very important." Sabi niya habang naglalakad kaming dalawa patungo sa sinasabi niyang lawa. I think, this forest really means a lot to him. Lagi ko kasi siyang nakikita dito. It's our unofficial training place.

"I know, that's why I need you. Para tumagal ang stamina ko." Sagot ko sa kaniya. Uhaw na uhaw na talaga ako at ramdam na ramdam ko ang pagkatuyo ng lalamunan ko.

"You look so tired. Hahaha." Hindi ko alam kung bakit niya ako tinatawanan. Ngayon ko lang din nalaman na marunong palang tumawa ang isang to.

"Tumahimik ka diyan. Nauuhaw na ako." Saway ko sa kaniya. Pinigilan naman niya yung tawa niya.

It's already my 15th day on earth. Nakakadalawang linggo na pala ako sa mundong ito. It's already December 12. Malamig na din ang panahon ngayon. Nakapagtataka nga sapagkat ng magpunta ako kahapon sa bahay nila manok, may mga nakalagay dun na puno na may mga bolang desenyo at isang star sa taas. May isang matabang lalaki din na nakasuot na pulang damit ang nandoon. Halos lahat ng bahay na madadaanan ko ay may mga ilaw na paiba iba ang kulay sa kanilang mga pintuan.

"Ano bang meron ngayong buwan?" Tanong ko sa kaniya habang naglalakad. Kumunot ang noo niya sa tanong ko. Hawak ko ang dalawang braso ko dahil nga malamig ngayon at nasa gubat pa ako.

"Christmas." Maikling sagot niya. Halatang aburido siya dahil sa tinanong ko. What's with that event?

"Ano yun?" Hindi pa kasi natuturo sa akin ni Ion ang iba pang bagay sa mundo kaya hindi ko pa alam ang mga pagdiriwang na ginagawa nila.

"December 25, they believe that, it was Jesus day of birth." Kumunot ang noo ko, really? December 25 is His birthday?

History is unknown and I don't believe in it. Hindi ako naniniwala sa mga libro kung saan nakasulat ang nakaraan ng mundo, ang nakaraan ng tao. It's impossible dahil wala pa namang computers at technology ng mga panahon upang mailahad ang mga kompletong impormasyong sinasabi nila. Kung nakasulat man iyon sa isang papel, it's impossible na hindi iyon naiba. Kung sinabi man iyon ng taong nakasaksi nito, it's impossible na walang nadagdag at nabawas doon. Knowing the humanity, it's impossible for them be trustworthy. It's impossible for them to tell the whole truth without adding lies. They are humans, and I don't trust them.

Antithetic's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon