Chapter 38
"Anong gagawin natin sa library?" Tanong sa akin ni Daldalita, hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa library. Nang malaman kong napakarami palang libro sa lugar na 'yon, hinila ko na kaagad 'yong dalawang maingay.
"Hoy Athena, wala naman tayong assignments." Sabi pa ni Manok. Nang makapasok kami kaagad dito, nagpunta na kaagad ako sa mga libro. Hindi ko alam ang title ng librong 'yon pero sana ay mahanap ko ito.
"Ano bang hinahanap mo?" Tanong nila sa akin. Kung maaari ko lamang sabihin sa kanila kung ano nga ang hinahanap ko.
"Athena, kalahating oras na din tayong nandito. Ang gulo gulo na ng mga shelves." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Manok. Nagpatuloy ako sa paghahanap ng mga libro. Kayalang, puro pangmatematika at literatura ang nakikita ko.
"Tara na hoy, mag-a-alas dos na." Pag-aaya nila sa akin. Binitiwan ko ang hawak kong libro at hinayaan itong mahulog sa sahig. Mukhang wala dito ang hinahanap ko.
Hinayaan ko silang hilahin ako papunta sa susunod naming classroom.
"Take your seat, everyone." Napatingin ako nang marinig ko ang isang bagong boses ng lalaki na nagsalita sa harapan. He must be a new professor here. Ngayon ko lamang siya nakita.
"I'm professor Gavy." Nakangiti niyang pakilala sa sarili. Napakunot ang noo ko, the name sounds familiar. Well, I don't care at all.
Narinig ko ang impit na tili ni Daldalita at Manok sa gilid ko. Halos magliwanag ang mga mukha nila habang tinitignan ang bagong professor.
"Athena, ang gwapo." Napailing na lamang ako, ang hilig talaga sa gwapo ng mga ito.
"Ilang taon ka na po?" Tanong sa kaniya ng isa pang babae sa classroom namin. Napairap ako ng hindi sinasadya. Girls in this generation stick with the appearance itself. They are craving for good appearance rather than attitude.
"Twenty four." Sabi niya gamit ang isang New York accent.
Hindi ko na pinakinggan ang kahit na ano pa'ng sinasabi nila. It is nonsense already, I don't like one's description. Wala naman akong pakialam sa mga introduction nila sa buhay.
"Miss Clarke, it seems like you are spacing out." Patuon ang pansin ko sa kaniya at binigyan siya ng isang walang ekspresyong tingin.
"I'm not spacing out, I am just not interested." I honestly said, I saw his smirks. Napataas ang kilay ko nang makita ko ang saglit na pagpapalit ng kaniyang mata mula sa itim na naging pula. Hindi ko na lamang pinansin dahil wala talaga akong pakialam.
"Why are you not interested?" Nakangiti niyang tanong. Naramdaman ko ang palihim na siko sa akin ni Manok, pinapatigil ako.
"Because I don't want to be interested. So please," Seryoso kong sabi. Wala naman kasing kakwenta kwenta ang ginagawa nilang pagpapakilala sa sarili.
"Introduce yourself first." Hindi pa din nawala ang ngisi niya kaya nainis ako.
"Would you remember my name forever?" Pang-hahamon ko sa kaniya.
Why would you introduce yourself when in the first place you know that that's just bullshit. They will merely forget everything, even your name.
"Yes." Nakangisi niya pa ring sagot. I don't like this man, I don't like the way his eyes change in red.
"Oh, shut up." Nang sabihin ko iyon, hindi na ako muling nagsalita at binaling nalang ang atensyon sa bintana. Nakita ko ang pagbalik niya sa unahan. Sanay na sanay na ang mga kaklase ko sa ganitong ugali ko. Well, I don't care kung masanay man sila o hindi.