Chapter 27

2.4K 86 11
                                    

Chapter 27

"Oh? Ano na ang gagawin natin dito?!" Galit na sigaw ng isa naming kamiyembro. Hindi ko siya sinagot. Bagkus, naghukay ako sa ilalim ng mismong kinatatayuan ko. Nakabalik na ako sa pinanggalingan namin, at hindi ko alam na sumunod pala sila. Nanunuod din ang mga professor sakin ngayon.

"Hindi niyo ba ako tutulungan?" Seryoso kong tanong sa kanila. Nahihirapan akong maghukay gamit lamang ang mga kamay ko.

Tumulong sa akin sila Daldalita at Manok. Wala silang kwentang lahat, kung patayin ko kaya sila ngayon? Naiinis na naman ako at hindi ko alam kung kaya kong pigilan ang mata ko. Nararamdaman ko ang malakas na enerhiya mula dito at sigurado ako na kapag hindi ko ito napigilan, mapapatay ko sila at matutuklasan ng mga nilalang na nakapaligid sa akin ang kaya kong gawin.

Habang naririnig ko ang mga singhal at bulong nila, mas lalong tumitindi ang inis na nararamdaman ko at mas lumalakas ang enerhiya sa mata ko. Napakagat labi ako dahil nararamdaman ko na umiinit na ito. Sinarado ko ang mata ko upang mapigilan ko ang sarili ko sa kung ano mang maaari kong gawin.

Naramdaman ko nalang na may humihila sa akin. Hindi ko magawang buksan ang mata ko dahil ayokong makapanakit. Hindi ko alam pero bigla nalang akong nakaramdam ng galit sa mga kamiyembro ko. Ang mga reklamo, bulong at daing nila ay sobrang nakapagpalakas ng galit ko. Naiinis ako sa kanilang lahat, mas lalo akong naiinis sa mga tao.

Matagal akong hinihila ng kung sino man. Nararamdaman ko na palayo kami ng palayo at nararamdaman ko ang mga puno sa paligid ko. Nang huminto kami bigla akong niyakap ng taong humihila sa akin, hindi ko na napigilang buksan ang mga mata ko.

Lumabas ang enerhiya na kanina ko pa pinipigilan. Lumabas ito habang nakasandal ako sa balikat ng taong humila sa akin. Hindi ako makagalaw dahil nakayakap pa rin sa akin ang taong yun. Patuloy lang sa paglabas ng liwanag ang mga mata ko. Matapos ang ilang segundo, natapos iyon.

"Dwight?" Bigkas ko sa pangalan niya. Hindi niya pa rin ako pinakakawalan. Ramdam na ramdam ko ang higpit ng yakap niya. Hanggang sa bigla na lamang siyang napaupo kasama ako. Lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin kaya ginamit ko ang pagkakataon na iyon upang silipin ang kanyang mukha.

Nakapikit siya at makikita sa mukha niya na nasasaktan siya. Napunta ang atensyon ko sa balikat niya kung saan ako nakasandal kanina. Dumudugo iyon. Tama nga ang hinala ko, natamaan siya ng liwanag na inilabas ko.

"Can you handle it?" Tanong ko sa kaniya. Mariin siyang pumikit at tumango. Alam ko na kakaiba ang dulot ng liwanag na iyon. Hindi ko man alam ang eksaktong nararamdaman ni Dwight, alam ko na hindi lang iyon basta basta. Ilang beses ko na siyang nakalaban sa mga training namin ay kahit kailan, hindi siya natablan ng kahit na ano. Ito ang kauna unahang beses na nasaktan siya sa ginawa ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa nangyari, dahil lumakas ako o dapat ba akong mabahala dahil nasaktan ko siya.

"Yes, I can. Damn!" Bigla niyang sigaw at napahiga siya. Hindi ko alam ang nangyayari pero alam kong nasasaktan siya. Knowing this guy, ayaw niyang nagpapakita ng kahinaan. Gusto niya makita siya ng lahat ng tao na malakas at matapang.

"Anong gagawin ko?" Natataranta kong tanong, hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman. Ito ang kauna unahang pagkakataon na mararamdaman ko ang bagay na to. Paano ko siya papatayin kung nakikita ko pa nga lang siya na nasasaktan dahil sa akin, natataranta na ako? Ano bang nangyayari sa akin?

"Hindi ko alam." Nauutal na sabi sa akin ni Dwight. Natataranta ako ng sobra at hindi ko na alam ang dapat kong isipin. I am blocking my own brain! What the fuck!

"Damn! Wait, ano ba ang dapat kong gawin?" Tanong ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung papaano gamutin ang ginawa ko. Hindi ito tinuro sa akin ng kahit na sino. Nasa gitna kami ng kagubatan at hindi ko siya pwedeng dalhin sa site. Ayokong makita siya ng mga walang kwentang nilalang na nandoon. Ayoko ding dalhin siya sa Mreine dahil hindi ko alam kung papaano ako pupunta doon.

Antithetic's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon