Chapter 39

2.4K 71 21
                                        

Chapter 39

"Ingat." Sabi ko nang bumaba ako sa kotse ni Zephyr. He smiled at me and I closed his car's door.

Inabangan ko munang umandar ang kaniyang kotse bago ako pumasok sa bahay.

I saw Ion eating alone.

"Hi pangit!" Masigla niyang sabi sa akin. Tinignan niya ako ng matagal.

"Nagjogging ka?" Tanong niya. Umupo ako sa tabi niya at nilagyan ng kanin ang platong nakahanda.

"Oo."

"Ba't 'di mo 'ko sinama?" Nakanguso niyang tanong.

"Bakit kita isasama?"

"Kasi crush mo ako." Lumagabog ang puso ko sa sinabi niya. Hindi ko pinahalata sa kaniyang kinakabahan ako. Kinuha ko ang isang itlog at sumubo ng kanin. How did he know?

"Asa."

"Oo nga naman, asa pa ako." Malungkot niyang sabi. Gumaan naman ang nararamdaman ko sa sinabi niya. It's just one of his silly jokes.

Nanatili akong tahimik habang kumakain.

"Pero alam ko talagang crush mo 'ko." Shit.

"Tumigil ka nga!" Iritado kong sabi sa kaniya.

"Masama kayang mag-deny. Sa cute kong 'to? Asus, nahihiya ka pa kasi eh." Tinutusok niya ang tagiliran ko habang sinasabi niya iyon.

"Kumakain ako, tumigil ka."

"Ayyie, bakit? Kinikilig ka 'no? Ang gwapo ko talaga." Pagmamayabang niya. Hindi ko na alam kung saan siya kumukuha ng lahat ng loob.

"Sasaksakin na kita ng tinidor." Pagbabanta. Napaayos naman siya ng upo.

"Hard mo naman sa macho'ng katulad ko." Nakanguso na naman niyang sabi. Hindi ko na lamang siya pinansin.

"Oo nga pala, mag-a-amusement park tayo." Napatingin ako sa kaniya.

"Ano 'yon?" Tanong ko.

"Lugar 'yon, mga rides na sobrang taas." Paliwanag niya. I still can't picture it out. 'Di bale na, makikita ko naman 'yon mamaya.

"Okay." Sabi ko na lamang. Nang matapos kaming kumain, kaming dalawa din ang naghugas ng plato.

"Para tayong mag-asawa 'no?" Nakangiti niyang sabi.

"Ang taas ng pangarap mo."

"E di magjowa nalang na nag-li-live in." Dahil hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng jowa hindi na ako umangal.

"Ayyie, hindi siya umaangal." Mas lalong lumapad ang kaniyang ngiti. Why is he too full of himself?

"Pwede ba, tumigil ka." Sabi ko, binalawan ko ang plato ko at ang mga kubyertos na ginamit ko.

"Seriously, ang sweet natin." Nakangiti niyang sabi. Sa hindi malamang kadahilan, napangiti ako.

"Oh shit!" Natatawa niyang sabi.

"Nakangiti ka." Tumawa siya ng tumawa, himbis na ma-i-deny ko, napatawa na lamang din ako. Para kaming tanga na nagtatawanan sa 'di malamang kadahilanan.

Nang huminto kami, nagkatinginan kami at muli na lamang natawa.

"Maliligo na ako." Sabi ko para matigil ang tawanan. Mukha kaming tanga.

"Sabay na tayo." Nakangisi niyang sabi.

"Gago ka talaga!" Pinaghahampas ko siya.

"Saglit, saglit!" Inawat ko ang sarili ko.

Antithetic's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon