Chapter 7

5.1K 135 7
                                        

"Zephyr!" nakangiting tawag ng isang babae sa lalaking katabi ko.

Zephyr pala ang pangalan nito. Unti unti lumapit sa ‘min ang babaeng napakaganda ng ngiti.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong sa kaniya ni Zephyr.

"S’yempre hinahanap ka. Bakit hindi ka pumasok sa klase?" tanong ng babae. Mukhang hindi naman ako napapansin ng babaeng ‘to. Nasa lalaking ito lang kasi ang tingin niya.

"Hindi ko obligasyong sagutin ‘yan, Mya," sabi ni Zephyr sabay tayo. Tumitig siya sa ‘kin at sinamaan ako ng tingin. Bigla nalang siyang umalis at iniwan kaming dalawa nitong babae. Aalis na rin sana ako kayalang bigla akong niya akong hinawakan sa kamay.

"Girlfriend ka ba ni Zephyr?" tanong niya. Umiling ako.

"Ah, ako si Mya." Inilahad niya ang kamay niya. Hindi ko nalang pinansin ang kamay niya at tinitigan siya sa mata.

"Wala akong pakialam."

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Sino bang hindi? Maayos ang paraan ng pagpapakilala niya tapos ‘yon ang igaganti ko sa kaniya. Anong magagawa niya? Wala talaga akong pakialam sa kanya.

Umalis na ako, samantalang siya, naestatwa na doon. Gulat na gulat.

"Athena! Saan ka galing? Grabe, akala namin may sakit ka kaya hindi ka pumasok. Hinahanap ka kasi kanina ni Sir Arthur," salubong sa ‘kin ni Daldalita. Bakit ba nabuhay pa sa mundo ang isang ‘to?

"Oo nga pero ayos lang, katabi ko naman si Dwight kanina!" impit na sigaw ni Manok. Kinikilig siya sa lalaking ‘yon?

"Tara sa canteen!" sabi ni daldalita sabay hila sa braso ko. Sasama nalang nga ako sa kanila. Wala naman akong magagawa dahil hawak na nila ang mga braso ko.

"Oy, Lian. Libre mo naman ako oh. Bente lang baon ko ngayon tapos na kasi sa pagkoconstruction si tatay." Nadama ko ang emosyon ni Daldalita. Nakangiti siya at mukhang nagloloko lang ngunit nadama ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Hay, ano pa nga ba? Pasalamat ka rich kid ako!" sigaw ni manok. Iniwan nila ako sa lamesa at bumili na sila ng pagkain. Wala naman akong ganang kumain.

Ilang minuto lang, nakabalik na rin naman agad sila. Masyado na akong naiirita sa nakikita ko. Napakadaming tao ang nandito sa loob ng gusaling ito.

"Oh, ayan binilhan ka na rin namin ng turon. Masarap ‘yan,” wika ni Manok sabay bigay sa ‘kin ng isang pagkain na kulay brown. Bago sa akin ang mga pagkain dito dahil hindi ako nagugutom noong nasa Mreine pa ako dahil sa mga injections na nilalagay nila sa akin.

"Omg!" mahinang sigaw ni Jensen at Lian. Bakit nanaman ba sila sumisigaw?

"Athena, ang pogi tingnan mo!" malakas na bulong sa ‘kin ni Daldalita. Dahil wala akong pakialam sa kanila, hindi ko tiningnan ang sinasabi niya.

"Lumalapit siya." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni manok.

"Athena." Napa angat ang ulo ko at nagsalubong ang dalawang mata namin.

"Mag usap naman tayo," pakiusap niya sa akin. Wala naman kaming dapat pag usapan ng lalaking ‘to.

"Sorry sa nagawa ko kaninang umaga, hindi ko sinasadya. Promise, hindi na talaga kita sisigawan,” nangangakong sabi niya sabay taas ng kaliwa niyang kamay.

Antithetic's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon