Chapter 44

1K 35 8
                                    

Chapter 44

"She's stable now but, something is weird about the patient. Hindi ko lang matukoy kung ano ang kakaiba sa kaniya." I heard the doctor said. I didn't bother to open my eyes kahit na gising na ako.

"Thank you, Doc." Isang malamig na boses ang narinig ko. Naramdaman ko ang mabibigat na yabag ng doctor na tila paalis na.

"What exactly happened to her, Zephyr and Dwight?" 'Tsaka lang naging pamilyar ang boses ng taong kanina ko pa naririnig.

"It's his fault, Ion." Dwight said coldly.

"Look who's talking." Mahinang bulong ni Zephyr.

"Excuse me..." Halos tumigil ang mundo ko ng marinig ko ang boses na 'yon.

"What do you need?" Isang matapang na boses ang pinakawalan ni Ion. He knows everything. I know that he just acting to be innocent.

"I'm Jensen and she is Lian, kaibigan kami ni Athena." Gusto kong idilat ang mata ko at pagsabihan siya ng kung ano ano. Pero pinilit kong ipikit ang mata ko at pakinggan ang kahit na anong sasabihin niya.

"Whatever, you two, come with me we have a lot to talk about." Sabi ni Ion. Narinig ko ang kanilang yabag na pahina ng pahina habang tumatagal.

Nang maramdaman kong wala na sila, tumabi sa akin ang dalawang kaibigan ko.

"Athena..." Parang kumirot ang puso ko nang marinig ang malumanay niyang boses. Kung hindi ko sana nalaman ang katotohanan, malamang ay sinusungitan ko na silang dalawa.

"I'm sorry that you have to see me in that house." Panimula niya. "It's a good thing that I didn't bring Lian with me. Baka pati siya paghinalaan mo."

Dahil sa sinabi niya ay hindi ko napigilang imulat ang aking mata. Did she just mention Lian?

"What do you mean?" Isang matapang na boses ang pinakawalan ko.

"Athena..." Bakas sa kanilang mga mata ang takot.

"Lian... What is the meaning of this?" Tumakas ang isang luha sa aking mga mata. Kahit na anong pigil ko sa mga ito, sila na ang gumagawa paraan upang makaalis sa mga mata ko.

"Athena, listen. Nagkakamali ka sa kung ano mang iniisip mo sa amin ngayon." Pagdedepensa niya sa sarili.

"I'll give you a minute to explain everything." Tinanggal ko ang pagkakatingin ko sa kanila. I don't want to see them lie.

"Athena, hindi ko alam na ikaw ang Athena Iris na tinutukoy sa libro. When we first met, wala pa sa akin ito." She said.

"What do you mean wala sa 'yo?"

"Someone gave it to me. A guy with a white mask in particular. Sabi niya itago ko ito at huwag na huwag kong basahin." She explained. Napatingin ako sa kaniya.

"And why did you accepted whatever that man said?"

"He is going to kill my parents, Athena. And also, he gave me a lot of money. Bakit ko naman hindi tatanggapin 'yon?" She said while tears are falling down her cheeks.

"I saw you reading that book. You know me, Jensen. You know what my secrets are." I said. I remembered the first chapter of the book, the moment when Mreine is creating me.

"I don't care about your secrets, Athena. Maniwala ka, you are my friend, I accept you no matter what you are." She said. Lian is caressing her back.

"Where are the last 22 pages of the book?" I asked. I need to find that to know my fate.

"Binigay sa akin ng lalaki 'yon ang libro na tanggal na ang ilang pahina." She said. I looked at her eyes and saw flowing letters.

Please believe me, Athena.

Antithetic's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon