Chapter 12
"Fuck!" Tumingin ako sa orasan ng cellphone ko. It's already 3 in the dawn but I can't sleep! Magkausap na dapat kami ni Thyra sa mga oras na to! May kailangan akong itanong sa babaeng yun.
"Athena, I can't sleep. Sigaw ka ng sigaw diyan." Nagulat ako ng biglang pumasok si 'kuya' Ion sa kwarto ko.
"What the hell are you doing here?" Napaupo tuloy ako.
"You're disturbing my sleep, Athena. Kailan ka pa natutong sumigaw?" Sumisigaw ba ako? I hate that damn guy. I'll kill him tomorrow! Nah, I'll kill him later!
"Get lost, Ion." Sabi ko tapos nahiga na.
"Okay, but please, wag mo naman istorbuhin ang tulog ko. Sleep now." Sabi niya tapos ginulo yung buhok ko.
"Get out." Sabi ko tapos nahiga na. He's nonsense.
"Fine. Good morning, by the way." Sabi niya bago niya tuluyang isara ang pintuan.
Finally, wala na ding istorbo. Napahawak ako sa leeg ko. Wait, ano ang bagay na to. Madilim pero sapat na ang liwanag ng buwan upang makita ko kung ano ang bagay na nasa leeg ko.
Isang kwintas?
Teka, ito yung kwintas na binigay sa akin ni Thyra. Paano ito napunta sa leeg ko?!
Tumayo ako upang buksan ang ilaw. Gusto kong makita ang itsura ng kwintas na ito.
Sigurado ako na panaginip lang yun. Pero bakit nandito sa akin ang bagay na ibinigay sa akin ng tao sa panaginip ko. Nakakapagtaka. Nadagdagan na naman ang iniisip ko.
Uggh! I really have to sleep right now. I need to ask Thyra about this necklace!
*Boogsh*
Napaupo ako sa kama ko ng may lumagabog sa terrace ko. What the hell is that?
Dahil sa kuryusidad, tumayo ako sa kama ko upang tignan ang lumikha ng ingay na yun.
Hinawi ko ang kurtina, nakita ko ang isang pigura ng lalaki. Sino naman to? Binuksan ko ang pintuan, lumingon siya sa akin.
"Dwight?" Nagtatakhang tawag ko sa pangalan niya. Anong ginagawa ng lalaking ito sa bahay ko? Paano siya nakapunta dito?
"Athena." Tawag niya sa pangalan ko. Tinignan ko siya ng masama, tumingin din siya sa akin, sumalubong sa akin ang napakalamig niyang titig.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya. Hininaan ko lang ang boses ko dahil baka marinig kami ni Ion.
"Magkakilala na pala kayo ni Zeus." Kumunot ang noo ko. Sinong Zeus? Inisip kong mabuti kung may nakilala ba akong Zeus. Hindi ko kasi inaalala ang mga pangalan na wala namang maitutulong sa buhay ko. Kaya nga nakalimutan ko na ang pangalan nila manok at daldalita, dahil wala naman silang kwenta.
"Answer my question first." Utos ko sa kaniya. Inaalala ko pa kasi kung may kilala ba akong Zeus.
"I'm visiting you." Sagot niya. Napasmirk naman ako ng maalala ko kung sinong Zeus ang sinasabi niya. Zeus nga pala ang totoong pangalan nun.
"Sa ganitong oras?" Nakasmirk kong tanong sa kaniya.
"Bakit? Hindi ba pwede?" Nagkibit balikat nalang ako. Sigurado akong may iba pa siyang balak. Sinong matinong tao ang bibisita sa ganitong oras? Buti nalang pala at gising pa ako.
"It's my hour." Kumunot ang noo ko. Oras niya ang alas tres ng madaling araw? What the f*ck is he talking about?
"Now, answer my question." Sabi niya pa ulit.
