Chapter 14
Nakatulala pa din ako dahil hindi na naman ako makakilos. Mukhang tama si Thyra kailangan ko ng maipatanggal ang mga bubog na yelo sa katawan ko.
Naghihintay lang ako na may pumasok para mautusan ko siya na dalhin ako sa laboratory. Kayalang isang oras ko ng tinitiis ang sakit wala pa ding pumapasok.
Nakaramdam ako ng konting saya ng bumukas ang pintuan. Mabuti naman.
"Iris." Sabi niya. Hindi ko pa rin makilala kung sino siya dahil hindi niya binuksan ang ilaw sa kwarto.
"Dalhin mo ako sa laboratory." Utos ko kahit wala naman akong ideya kung sino siya. Ang importante ay madala na ako doon dahil sobrang sakit na talaga ng mga sugat ko.
"You're too weak." Napatitig ako sa kaniya at pilit na kinikilala ang boses ng lalaking ito. Hindi siya si Ion at hindi din siya si Dr. Willows.
"I didn't expect this." Sabi niya. Sino ba ang nilalang na to? Kung nakakagalaw lang ako malamang sugatan na siya dahil sa mga pinagsasabi niya. Oo, totoo yun, pero kailangan ba nilang sabihin yun sa akin oras oras?
"Look at you, you can't even move. I'm so disappointed, Iris. I thought I can't easily defeat you in the future because based on the book I wrote for you, you're too powerful." Nagulat ako sa sinabi niya. Si-siya ang pa-papatay sa akin?!
Bakit ba kasi hindi ako makakilos! Bakit hindi ako pamilyar sa boses niya. Hindi ko akalain na pati sa personal ay makikilala ko siya. Buong akala ko sa panaginip ko lang siya magpapakita. Masyadong maaga para magpakilala siya sa akin.
Kailangan kong makita ang mukha niya. Kailangan ko siyang mabagsakin bago niya ako patayin.
"Bakit di mo nalang ako patayin ngayon?" Tanong ko sa kaniya. Kayang kaya niyang gawin iyon ng walang kahirap hirap.
"Because it is not written in the book." Sabi niya. Muling kumirot ang mga sugat ko.
Naaninag ko ang pag labas niya sa pinto. Nasa harapan ko na siya pero wala man lang akong nagawa! Bakit ba nagkaka ganito ako?!
"Athena!" Kasabay nito ay ang pagdaloy ng liwanag sa buong kwarto. Pumasok muli si Ion at tumakbo papunta sa akin.
"Dadalhin na kita sa laboratory." Sabi niya. Parang may humihigop ng lakas ko nanlalabo na naman ang paningin ko.
Napasigaw ako ng buhatin ako ni Ion. Sumakit ng sobra ang tagiliran ko kaya napahawak ako sa kaniya ng mahigpit.
"Kailangan kasing gising ka kapag tinanggal yung bubog." Sabi niya. Kaya pala ngayon lang nila ito tatanggalin ito sa akin.
Sumakay kami sa elevator at nagtungo sa laboratory. Mabuti nalang dumating si Ion dahil kung hindi, malamang sumisigaw na ako sa sakit sa kwarto na yun.
"Iris, paano ka nagkaroon ng mga bubog na yelo sa katawan mo? Sinong gumawa nito sayo?" Bungad na tanong sa akin ni Dr. Willows. Napakadaldal talaga ng lalaking ito. Bakit ba hindi nalang niya simulan ang pagtatanggal ng bubog sa katawan ko?
"Proceed." Sabi ko at marahang pumikit. Sariwa pa ang sugat ko kahit na dalawang araw na ang nakalipas ng matamo ko ito. Sigurado akong masakit ang gagawin nila dahil kahit malalim pa ang sugat ko, kailangan nila itong galawin upang matanggal ang lahat ng bubog na yelo na nakatusok sa iba't ibang parte ng katawan ko.
"You know what, I didn't expect this, Iris." Malungkot na sabi ni Dr. Willows sa akin. He didn't expect na gagamutin niya ako dahil kinukuhanan lang naman nila ako ng kung ano ano sa katawan. Psh.
Hindi nalang ako nagsalita dahil nananakit na talaga ang katawan ko. Mukhang malapit na akong mamanhid sa sakit.
"We will start." Mahinang sabi niya. Hindi ko alam kung talagang mahina ang pagkakasabi niya o sadyang hindi na ako makapandinig ng maayos.