Bestfriend ulit ! Di ba pwedeng Puppy Love ?

116 1 0
                                    

Puppy Love kung tawagin kasi mga bata pa na naiinlove which is hindi naman talaga alam pa ang kahulugan ng love. Basta ang alam ng bata , may gustung - gusto siyang makita at laging kasama, crush man o puppy love ang mahalaga tumitibok ang puso at kinikilig.
Ito ang nararamdaman ng ating mga pangunahing tauhan.

------Biyernes ng umaga ------
" Yel, Yel ! Dalian mo at mahuhuli na kayo. Nandito na sina Gary at Glenda ." Boses ni mommy.
Magkakasabay kasi kaming pumapasok nina Gary at Glenda.
" Hi Gar !" At sabay halik sa pisngi.
" Hoy , Yel ang aga - aga mo na naman akong iinisin ha ! " pagsusungit nito.
" Hahaha, naglalambing lang si bunso ." Sagot naman nitong Glenda.
" Masama bang mag good morning kiss ?" Nakapout ang labi ko habang naglalakad kami.
Malapit ang school namin kaya no need to ride any jeepney . Walkathon lang kami.
" O sige na nga ok na yung good morning kiss ." Bawi ni Gary.
" Yeheyyyy !" At akmang yayakapin ko pa pero sininghalan niya ako.
" Yel , wag mo akong yayakapin nasa daan tayo. " bawal nito sa akin.
" Di hindi. Mamaya na lang sa pag uwi sa bahay. " sagot ko na nakangisi.
Hahahaha ... tawa ni Glenda.

Sa school naman nanduon na si Nel nakatayo sa labas ng classroom ko.
" O hayun si Nel , inaantay ka, kiss mo din ha !" Panunukso ni Gary.
" Inaantay ako kasi po ibibigay niya yung piso ko noh ! ". Nakaismid kong sagot.
" Piso ? Anong piso ?".. tanong ni Gary.
" Piso , pera , ano ba ang piso e di pera ! " pilosopo kong sagot.
Natawa si Glenda , " Oo nga naman ang piso ay pera ."
" Alam ko Yel pera ang piso , bakit ka bibigyan ng piso ni Nel ?" Usisa ni Gary.
" Secreeeetttt..." at palundag lundag pa akong parang gingerbread man na patungo kay Nel.
" Isusumbong kita kina Auntie !" Pahabol na sabi ni Gary.
Auntie tawag niya kina mommy at Tita ang tawag ko naman sa mommy niya.
Nilingon ko lang sila at dinilaan pa....be,be,be,dilat pa...e di magsumbong ka !
" Good morning Yel. " bati ni Nel.
" Good morning ." Masaya ko namang bati.
" Kanina pa ako dito , ang tagal mo ! " reklamo ni Nel.
" Pasensiya na kasi tinanghali ako ng gising. Piso ko ? ". Sagot ko at nakapalad ang kamay ko at nakatingin ako sa langit. ( yun bang astang tambay sa kanto na nagdidilihensiya hahaha )
" Heto na ang piso mo ! Mamaya ha sabay tayo, aantayin kita. " at ibinigay na ni Nel ang piso..
" Ok. Papasok na ako hayan na si Donya Buding ." Yan ang tawag ko sa teacher ko kasi napakataba niya.
Umalis na si Nel para pumasok na din sa classroom niya.

Krrrriiiinnnnggg....

Tunog ng bell na ang ibig sabihin ay recess na. Nagtakbuhan na ang mga bata at syempre kasama ako dun.
At si Nel sinalubong ako.
" Sabay na tayong kumain Yel ." Yaya nito.
" Uy piso lang ang ibinigay mo sa akin ah. ! Para yun sa pagsabay sa pag - uwi , hindi kasama ang pagsabay sa recess . " pilya kong sagot.
" Wala na akong piso e ! Pero dalawa itong sandwhich ko , kasi sabi ko kay mama ibibigay ko sayo. O, heto sige na sandwhich na lang. " pakiusap nito na nagkamot pa sa ulo.
" Teka, hhhmmm ( na nagiisip ) anong palaman niyan. ? " tanong ko.
" Keso ." Sagot naman nito.
Kinuha ko ang sandwhich at binuksan, " Ok , sige sabay na tayong kumain , tutal malaki ang kesong palaman nitong sandwhich mo. "
Masaya naman kaming kumain ni Nel, nagkukwento ako habang kumakain, at siya din panay din ang kwento niya.
Nabanggit din niya na sana bestfriend kami forever kahit crush daw niya ako, hehe.
Sabi ko naman , depende , kung laging may piso alright.
Nang matapos ang recess , pumasok na ulit kami sa mga classrooms namin.
" The only one who got the perfect score in your test is Yel delos Reyes ." Announcement ng guro sa katatapos lang na periodical test namin.
Ako kasi ang nangunguna sa klase namin at ako din ang class president.

Dismissal Time na.

Aba , wala pa si Nel, dati rati kasi nauuna silang lumalabas at inaantay ako.
Kaya ang ginawa ko naupo na lang muna ako sa malapit sa classroom namin at inantay siya.
Ilang minuto lang heto na at parating na si Nel pero napakalungkot niya.
" Uy, bakit ganyan ang hitsura mo ?" Tanong ko.
" Pasensya na Yel nagantay ka. Kinausap kasi ako ng teacher ko kasi ang baba ng grade ko sa test sa english, muntik na akong bumagsak ." Malungkot na paliwanag nito.
" Wag ka ng malungkot , e muntik lang naman pala e ! Sana kung bumagsak ka, dun ka umiyak." Panunuya ko pa.
" Ikaw naman puro ka pa biro ! " parang napikon na sabi nito.
" Tara na , uwi na tayo . " nakasimangot na siya.
Siyempre naawa naman ako kaya ,
" Sorry na , nagbibiro lang naman ako e ! Bakit ba mababa ang nakuha mo ?" Pagbawi ko.
" Nahihirapan kasi ako sa subject - verb agreement ." Tugon nito.
" Dahil magbestfriend tayo , tutulungan kita sa mga homeworks mo pero ikaw ang pupunta sa bahay !" Alok kong tulong.
Biglang napatalon ito sa tuwa .
" Wow...salamat Yel , oo, ako ang pupunta sa inyo kahit araw - araw pa !"
" Hep, hep, hindi pa tapos ang kundiyones ko , huwag ka munang magsaya , yung piso ko , gagawin mo ng dalawang piso ok ?" Dugtong ko pa.
" Oo yun lang pala e ! Kahit ibigay ko pa ang lahat ng piso ko ." Sagot nito na walang pagtutol.

Pahiram ng Bestfriend ko !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon