May Nagmamahal na ba Sayo ? Sana'y Ako na lang

89 0 0
                                    

Ano ba itooooo....buong gabi akong halos hindi nakatulog. Inisip ko kung anong problema sa akin bakit di ako magustuhan ni Gary. Since bata pa kami magkasama na kami so we know each other well. Pati family namin magkasundo, o di ba ! Dapat walang ng hazzle. Di naman ako kapangitan, sabi ng iba maganda naman ako. Si Gary ang Puppy love ko, Siya din ang bestfriend ko tulad ni Nel at si Gary na din ang First love ko. Kasi halos sa kanya lang ako nakatingin, in fairness kay Nel , di hamak na gwapo siya kesa kay Gary at alam kong mula pagkabata din may gusto siya sa akin kaya nga lang ang lintek na pusong ito , si Gary ang tinitibok.
Nasa ganun akong pag mumuni - muni ng tumawag na si mommy ,
" Yel paalis na ang daddy mo, gising ka na ba ?" Mahinahong tanong ni mommy.
Bigla akong balikwas sa higaan ko , inayos ko lang ang buhok ko at lumabas na ng kwarto ko.
" O Yel, mag - iingat ka lagi ha at behave , kasi dalaga ka na, huwag ng gaanong pilya at si Gary huwag mo ng inaaway." Mga paalala ni daddy.
Grabe naman si dad, binanggit pa si Gary at ako pa ang nang aaway ha...
Niyakap ko ng mahigpit si daddy at hinalikan.
Hindi ako sumagot kasi hindi ko maipangako na susundin ko ang mga hinabilin niya hehehe.
Hinatid namin siya ng tanaw ni mommy habang papalabas ng gate ng bahay.

Naku , Lunes nga pala ngayon....may klase ako.
Maya - maya lang narinig ko na si mommy na kausap si Nel sinusundo na ako ng bestfriend ko.
At parang naririnig ko din ang boses ng first love ko na ayaw naman sa akin...si Gary.
Bigla akong napasungaw sa bintana. Nanduon nga siya. Ano , Yel lalabas ka ba para yakapin at halikan ang Gary mo ? Na tulad ng ginagawa mo dati ? Bulong ng konsesnsiya ko...
No, no , no...sabi ng daddy mo behave kasi dalaga ka na.
Kaya salamat sayo Aking Konsensiya , Salamat sa pagpapaalala.
Nakapagbihis ako ng maayos, ikut , ikot at ikot pa sa salamin. Maayos na ba ang buhok ko ? Ang uniform ko wala bang gusot ?
Alright...ready to go.

" Ang tagal mo namang bata ka !" Sabi ni mommy.
" Good morning Yel." Bati ni Nel
" Aba siyempre auntie nandito kasi ako kaya nagpaganda ng husto." Pagyayabang ni Gary.
" Hi Nel , good morning din ." Sabay hawak at hila ako sa kamay niya.
" Bye mommy,( hinalikan ko si mommy ) let's go Nel." Sabay ismid kay Gary.
Nangiti si Nel at nailing na lang ganun din si mommy .
Si Gary naman nagpahabol pa ng pang uuyam.
" Nel may gusto na naman yan kaya may mabait sayo hahaha."
" Hay naku Gary , ikaw na ang bahalang umunawa kay Yel, kilala mo na siya mula pagkabata. At alam mong spoiled masyado lalo na sa daddy niya." Ani mommy.
" Yun na nga po ginagawa ko auntie. Hinahabaan ko na lang ang pasensiya ko. Minsan napagsasabihan ko at ang outcome magtatampo na sa akin." Paliwanag naman ni Gary. At nagpaalam na din dahil susunduin pa daw si Glenda at sabay na silang papasok.

Samantala, , ,
" Yel may away na naman ba kayo ni Gary ?" Tanong ni Nel.
" Nakuuuu...ang suplado,masungit,antipatikong yun ! Gusto kong sakalin ! Akala niya porke crush ko siya di ko siya kayang tiisin ( kaya nga ba Yel ? ) ." Habang nakanguso ako.
" Yel , ako hindi mo ba crush ? Hahaha." Tanong ni Nel.
" Ikaw ? Nel bestfriend tayo , iba ang crush, ikaw gwapo ka , mabait kasi lagi mo akong binibigyan ng piso nuon at hanggang ngayon di mo nakakalimutan ang paborito kong balitog na may asukal, hayaan mo pag iisipan ko muna ha kung crush kita hahaha..." pagbibiro ko.
" Ikaw naman puro ka biro e ! ." Seryosong tugon ni Nel.
Umabot kami sa school ng hindi namin namamalayan na magkahawak kamay pa kami ni Nel.
" Uuuyyy...ang sweet ninyo naman ." Bati ng isang classmate ni Nel.
" Ha ??? Sweet ???" At nag ngiwi ako ng bibig at taas ng mga kilay.
" Oo nga kasi po hawak mo pa hanggang ngayon ang kamay ko hahaha ." Pagbibiro ni Nel.
" Wow ha, hawak kamay lang sweet agad , o hayan ibinitaw ko na , ano na tayo ngayon bitter ?" At nagkatawanan kami.
Inihatid lang ako ni Nel sa classroom ko at siya ay didiretso sa library dahil 8:00 pa ang first subject niya.

Sa kabilang campus naman, ang teritoryo nina Glenda at Gary...
" Gary , nakakatuwa ang bestfriend at like sister mo na din na si Yel noh ! Sweet na sweet pa din siya sayo ." Ani Glenda na nangingiti habang nag snack sila ni Gary.
" Hhhaaayyy Glen, sobrang kulit ang sabihin mo, minsan napipikon nga niya ako ! " pagsusungit na naman ni Gary.
" Baka nadevelop na siya sayo hahaha ." Panunuya ni Glenda.
" Glen , si Yel ay parang kapatid ko lang at kita mo ngang kumilos parang tibo ( tomboy ) . Ikaw ang gusto ko kailan mo ba ako sasagutin ? "
Panliligaw na ni Gary.
" Hahahaha, hayaan mo , malay mo baka bukas hahaha." Nakangiting sabi ni Glenda.
" Wow ! Ang saya ko naman sa narinig ko ! Bukas sasagutin mo na ako yiiippeee ! " sabay tayo pa ni Gary na nagpasayaw sayaw .
" Hoy sabi ko baka.." paglilinaw ni Glenda.
" Basta masaya ako kahit baka bukas pa ." Nag uumapaw sa tuwa si Gary.

Back to Yel and Nel tayo...

" Yel may klase ka pa ba o may gagawin ka pa ?" Tanong ni Nel.
" Bakit ? Gusto mo ng umuwi ? Go on , mauna ka na , I can manage, may pamasahe naman ako." Tugon ko.
" Hindi sa ganun, iiwan ba naman kita, yayayain sana kitang mag snack." Seryoso si Nel.
" E di wow ! Let' s go , hindi mo naman agad sinabi e , libre mo ako ha ! " sabay pagtayo mula sa pagkakaupo ko sa bench sa ilalim ng puno.

Sa isang snack bar malapit lang sa campus ang pinuntahan namin ni Nel.

Gentleman si Nel, ewan ko nga lang sa sarili ko bakit di ko siya magustuhan, itong ubod ng yabang na si Gary ang gustung gusto ko at first love ko na ding masasabi.

" Anong snack na gusto mo Yel ?" Tanong ni Nel sabay abot sa menu book.
" Hhhhmmmm...teka pipili ako, ano kayang masarap , parang lahat gusto ko e ! Hahaha...lalo na ikaw magbabayad hahaha." Pilya kong sagot habang nirerebisa ang menu.
" Kung bang kaya mong ubusin e ! " nakangiting sagot ni Nel.
" Ah ito na lang. Ham and Cheese sandwhich at cola with ice. " order ko.
" Ako , Club house sandwhich at cola na din." Ang order naman ni Nel.
" Hey, anong okasyon at niyaya mo ako na mag snack ?" Tanong ko kay Nel.
" Wala lang , gusto ko lang makasama ka tulad nung elementary tayo dati, kaya lang nuon may kasamang piso lagi hahaha ngayon wala na ." Pagbibiro ni Nel.
" Anong wala na ??? Excuse me ipamamasahe mo ako noh ! " tugon ko
At ngakatawanan kami.
Dumating na ang order namin at habang kumakain kami nagkakwentuhan. Kahit madalas kasi kaming magkasama ni Nel bihira na mag usap kami ng seryoso.
This time , seryoso ang naging usapan namin.
" Yel when is your plan to have a boyfriend ? Or na inlove ka na ba at hindi lang namin alam ni Gary ." Tanong ni Nel.
Isinenyas ko pataas ang isang kamay ko which means ,
" Sandali ha let me finish my sandwhich ." Kasi ba naman tanungin ako habang kumakain.
Natawa si Nel at tumango lang.
Sa sarili ko, ano ito interrogation ? Sasabihin ko ba sa kanya na parang inlove ako kay Gary at siya na ang first love ko ?
" Sarap ng sandwhich nila dito noh ! " at nag thumbs up pa ako.
Then kinuha ko ang sandwhich ni Nel,
" Kulang ba ang sandwhich mo ?" Pagtataka ni Nel.
" Hindi, susubuan kita , o ! Bite your sandwhich ." At sabay isinubo ko sa bibig ni Nel, hindi na siya nakapalag.
" Grabe ka Yel ha, iniiba mo ang usapan ." Ani Nel habang pinupunasan ng tissue ang bibig niya.
" Now answer me Yel, na inlove ka na ba ?" Pangungulit ni Nel.
" Weeelll...for your information bestfriend ko, hindi ako sure. Basta ang alam ko gusto ko na siya since childhood." Pag amin ko.
" Tama pala ang hinala ko that you are inlove with Gary ." Medyo may sadness sa face at voice ni Nel.
" Hindi kay Gary ha...Sayo !" Pabiro kong sabi.
Ewan ko bakit nakapag biro ako ng ganun kay Nel.
Pero hindi siya naniwala.
" Yel serious ako, sagutin mo naman ako ng seryoso."
" Seriously Nel ? Oo , si Gary ang crush ko nuon at till now. Pero hindi ako sure if He is my first love . Basta masaya akong nakikita at nakakasama ko siya. Period. " paliwanag ko.
" Bakit , ako Yel , pag kasama mo , hindi ka ba masaya ?"malungkot na tanong nito.
Tumayo ako sa kinauupuan ko ,at lumapit sa may likuran ng upuan ni Nel, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko , niyakap ko si Nel from his back habang nakaupo siya.
" Hayyy..ang bestfriend ko tampo agad. Siyempre masaya noh ! Halika na nga uwi na tayo, bago ka umiyak." Paglalambing ko kasi ramdam kong sobrang sad siya.
Tumayo si Nel at wala pa ding kibo hanggang makauwi kami. Hinatid niya ako sa bahay at umuwi na din siya na walang sigla.
Papasok ako ng bahay ng,
" Yelll...good news !" Si Gary at binuhat pa ako.
Gulat na gulat ako at ano ang nakain ng taong ito at binuhat pa ako.
" Hoy , Mr. Sungit , ibitaw mo nga ako." Bulyaw ko.
" Anong ginagawa mo dito ? Tumama ka ba sa sweepstakes ? At masayang masaya ka ?" Pagtataka ko.
" Finally Yel ! Yes ! Bukas sasagutin na ako ni Glenda. Kaya bukas ng hapon hintayin ninyo ako ni Nel at we will have a celebration ." Balita nito sa akin.

May kakaibang sakit akong naramdaman sa puso ko. Naiinis ako parang gusto ko siyang sampalin, suntukin, tadyakan o palayasin sa bahay namin..ggggrrrrrr....

" E di wow ! Sige umuwi ka na at marami pa akong homeworks na gagawin." Yun lang at tinalikuran ko na siya.
Siya namang labas ni mommy from the kitchen na may dalang snack.
" O Yel nandito ka na pala , anong gusto mong snack, sabayan mo na si Gary."
Nagmano at humalik lang ako kay mommy at
" Mom nag snack na po kami ni Nel , busog pa po ako."
Narinig pala ni Gary yun at nanukso pa.
" Wow ha Auntie nag date na pala sila ni Nel , sweet naman ! "
Bigla akong balikwas pabalik sa sala at kinuha ko ang cushion sa sofa ,ibinato ko kay Gary at mabilis akong lumayo patungong bedroom ko.

Nagkatawanan lang sila ni mommy. Without knowing na inis na inis na ako, na kung pwedeng lagyan ko ng bukol ang mukha ni Gary sa inis ko about his news.

Inlove na nga yata si Yel...
Paano niya kaya tatanggapin ang katotohanan na sina Glenda at Gary na...

May karugtong pa po...

Pahiram ng Bestfriend ko !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon