O kay Bilis ng Panahon !

25 1 0
                                    

After ng nangyaring yun sa amin ni Nel , nakalimutan kong panadalian si Gary. Siguro sa kaligayahan hehehe.

Masaya akong pumasok sa opisina. At napansin na naman ni Noemi yun. Ikinuwento ko lahat sa kanya from what happened in the wedding at gaano kasakit at syempre ang date namin ni Nel but not what we did ofcourse. Kinilig ang bruha at masaya siya for me.

" Guys are you all ready to Pangasinan. The accomodations are all ready for you to occupy while we are accomplishing our project there. " si Miss Arsuellas na masayang masaya ang mukha at talaga namang napakaganda niya.

" Yes Mam ." Sagot naming lahat. We got all our personal things with us. Kaya as in excited din naman kaming lahat.

After ng project na ito nailipat ako sa Makati . Dito ko nakilala ang iba't -ibang mga mahuhusay na mga interior designers. At dito na din ako nakilala bilang isa sa pinakamahusay na designer.

Si Nel naman ay nakatanggap ng promotion , isa na siyang head ng Team ng Cyber Crime Division. Lalo siyang naging busy at laging tutok sa mga trabahong nakalapag sa mesa niya.

At sina Glenda at Gary naman ay umalis na sa lugar namin. Balita ko kumuha si Glenda ng hulugan nilang bahay ni Gary. May kalayuan sa amin ang kanilang nilipatan. Kaya halos hindi na kami nagkakakitaan man lang lalo na ng bestfriend ko, which is good naman kasi nakatulong ito sa akin to totally leave the past.

Mabilis na lumipas ang panahon. Maraming taon na ang nagdaan sa buhay namin.Si Gary ay isa ng ganap na engineer . Si Nel naman , dahil sa pagsisikap niya nakabili na ng bahay sa Manila. Ako , naman ay may pangalan na din bilang isang tanyag na Interior Designer. Hindi na basta - bastang mga tao ang nakakaharap ko . Malaki na din naman ang naiipon ko sa bangko sa edad na 28.

Month of December, malapit na ang pasko.

First week ng December at weekend , sa bahay ni Nel ;

" Babe siguro naman pwede na tayong lumagay sa tahimik. We are not getting younger. Malapit na tayo sa thirties." Paglalambing ni Nel.

Nag - isip ako ng malalim. Matagal bago ako nakasagot.

" Hhhmmm...ok. I am accepting your proposal . Yes for Wedding ." Nakangiti kong sagot.

" Yes ! Yes ! Oh babe , hindi mo alam gaano ako kasaya . Whew ! Finally ! YES ! " at binuhat ako nito at pinaghahalikan.

" So , we need to tell your mom and dad , at kailangan ko na ding sabihan sina mommy at daddy para mamanhikan na sa inyo , ASAP ! " masayang masayang sabi ni Nel na ayaw akong ibitaw. Nakapalupot ang mga kamay niya sa may puwetan ko habang buhat buhat ako.

" Babe ibitaw mo na ako hahahaha..." at kinurot ko ang ilong niya.

Kitang kita ko ang kasiyahan sa mukha ng boyfriend ko. At alam kong hindi din ako nagkamali ng desisyon dahil nagkakaedad na din naman kami. And besides , we are settled,may ipon ako ay may naipundar ng bahay si Nel na magiging love nest namin. At si Gary hindi na kami nagkikita kaya siguro nawala na siya sa puso ko o isipan man.

Since sa Makati na din ako namamasukan sa isang kilalang business firm duon na pag -aari ng isang milyonaryong businessman. May apartment akong inuupahan. Di ito kalayuan sa pinapasukan ko kaya di ako nahihirapan sa biyahe. Pwede pang lakarin kung sinisipag.

Maganda ang performance ko sa trabaho, kaya naman isang sorpresa ang natanggap ko sa gabi ng Christmas Party namin..

" Ladies and Gentleman , let me get your attention please, We have a surprise award. Tonight , I want to take this opportunity to announce the Interior Designer of the Year." Nakangiting panawagan ng matikas naming CEO na si Mr. Jaime Ching.

Pigil hininga ang lahat.

" The Interior Designer of the Year award from Design World Partnership is presented to Nel delos Reyes. And this goes with a 50,000 cash . Congratulations ! "

At isang napakalakas na hiyawan at palakpakan ang pumuno sa lobby ng opisina namin. Maluwag ito kaya dito ginanap ang Christmas Party.

Punung - puno ako ng saya , hindi lang ito ang unang award na natanggap ko siguro panglima na ito. Binati din ako ng mga kasamahan ko.

At si Nel ay tuwang - tuwa at very proud boyfriend ng gabing yun, kasama ko siya sa party because after the party uuwi kami sa amin.

" Congratulations babe , I am very proud of you. " at hinalikan niya ako sa lips.

12:30 na natapos ang okasyon at nakahabol pa naman kami sa biyahe ng mga buses.

" Babe after the wedding , unang - una kong bibilhin ay car , para hindi na nahihirapan ang mahal ko." Bulong ni Nel sa akin.
" Wow ha ! Car agad ha hehehe. Anyway thanks. Oo nga ang hirap kaya ng nag cocommute." Sagot ko at humilig ako sa dibdib niya.

Ng magising ako nasa terminal na kami. Hinatid niya ako sa bahay.

" Hello po tita good morning." At nagmano si Nel.
Humalik at nagmano din ako kay mommy.
" Akala ko hindi na kayo uuwi ah ! Madaling araw na. Salamat anak sa paghatid kay Yel, ingat ka sa daan pag -uwi." Paalala ni mommy.

Dahil siguro antok pa si mommy agad na itong pumasok ulit sa kwarto nila ni daddy.

Kinabukasan medyo tinanghali na din ako ng gising.

Ibinalita ko sa kanila ni daddy ang award na natanggap ko.
Tuwang - tuwa sila.
At lalo pang natuwa ng iabot ko ang 10,000 pesos kay mommy.

" Mom, dad , that's a gift. Labas kayo ni dad and go shopping. I love you both ."

Niyakap ako nina mommy and daddy.

Before lunch dumating si Nel sa bahay namin. Nagmano kay daddy. Dahil si daddy ang una niyang nakita na nakaupo sa garden at nagbabasa ng newspaper.

Nagkakwentuhan sila ni dad. At duon na din binanggit ni Nel ang balak naming pagpapakasal.

" Aba iho , dapat yata nandito si Yel at ang mommy niya. Baka tayong dalawa lang ang nakakaalam tungkol sa kasal ninyo." Pagbibiro ni daddy.

Kaya niyaya ni dad si Nel na pumasok sa loob.

Tamang - tama naman at tapos na namin ni mommy na maihanda ang lunch.

" Mama , halika sandali. May pag-uusapan tayong mahalagang bagay. " tawag ni daddy kay mommy.

Nagkatinginan kami ni Nel. Nag -usap ang mga mata namin. Matapos niyang magmano kay mommy ,naupo na si mommy sa tabi ni daddy at ako naman ay sa tabi ni Nel.

" Ano ba itong mahalagang bagay na ito ha ? " tanong ni mommy.
" Itong si Nel ay may sasabihin daw, although nabanggit na niya sa akin , pero gusto kong nakaharap kayo ng anak natin." Paliwanag ni daddy.

" Ano ba yun iho ?" Seryosong tanong ni mommy.
" Tita , tulad po ng sinabi ko kay tito , gusto na po sana naming magpakasal ni Yel." Habang hawak ang mga kamay ko.
" Oh, I seeee..." tanging nasabi ni mommy na walang ngiti sa labi.

Heto na po at nakapagsabi na si Nel sa mga magulang ni Yel. Pero mukhang mahihirapan yata kay mommy...

Till my next update. Thanks for reading.

Pahiram ng Bestfriend ko !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon