Sa aking pag iisa.
Yel matulog ka na, kanina ka pa ah ! Durog na ang unan mo sa kahahampas kaliwa't kanan, yakap dito, yakap doon.
Kasi ba naman , bakit nakikigulo pa itong Gary since may Glenda na siya.
Bakit nga ba Gary ??? Ha ???
Sa kwarto ni Gary.
Oh shit bakit ganito ang nararamdaman ko para kay Yel ? Sinagot na ako ni Glenda pero bakit parang hinahanap ko ang kakulitan at paglalambing nitong si Yel ? At nakakaramdam ako ng selos kay Nel. Ah , siguro di lang ako sanay na hindi na ako pinupuntahan ni Yel dito. At unfair kay Glenda na mag on kami pero ang hinahanap ko ay si Yel.
Yun naman pala. Baka inlove din si Gary kay Yel. Naku parang complicated na yata ah !
Kinabukasan , weekend ,
kaya babad sa higaan , sarap namnamin ang lambot ng kama. Unat , unat at unat pa more. Mataas na ang araw at kitang kita ko na ang liwanag sa labas. Bakit parang ang ingay yata , kaya nagbukas ako ng pinto ng kwarto ko na pupungas pungas..." Good morning " at hinalikan pa ako sa pisngi ni Gary.
Nagtitili ako...na ikinagulat nina mommy at daddy. Dumating pala kagabi si daddy." Yel , bakit ? Good morning anak ko . Kumusta na ang prinsesa ko ?" At hinalikan ako ni daddy sa noo.
" Bakit nandito si Gary ? At hinalikan ako sa pisngi, ngiii..yak!" Habang pinupunasan ko ang pisngi ko.
Hahahaha...nagkatawanan sila.
" Ikaw Gary ha, bakit mo ninakawan ng halik ang prinsesa ko ?" Sabay kindat ni daddy kay Gary.
" Good morning kiss lang po uncle." Paliwanag ni Gary.
" Tse ! Anong good sa morning at ikaw ang una kong nakita ! At bakit nandito ka , ke aga - aga ! " pahasik kong tanong.
" Yel past 8 na anak at mag swimming tayo ngayon." Paliwanag ni mommy.
" Ha ? Swimming ? Ngayon ? " sa tinig na naguguluhan.
" Opo, kasi birthday ko ngayon at iniimbitahan ko kayo, di ba tuwing birthday ko nag swimming tayo ?" Pagpapaalala ni Gary.Oo nga pala, tuwing birthday niya we went out for swimming at tuwing birthday ni Gary I kissed him on the cheeks with matching hug and hug and hug pa.
Pero bakit nawala sa isip ko ang birthday ng mokong na ito? At kaya siguro hinalikan niya ako sa pisngi to remind me.Maya - maya lang handa na ang lahat ng makita kong padating si Glenda. Hinalikan si Gary at nagmano sa mommy ni Gary, kay mommy at daddy. Binati din niya ako. Nginitian ko lang siya. Pasakay na kami ng sasakyan ng pahangos na tumatakbo si Nel. Nagulat din ako but anyway , yearly naman talaga kumpleto kaming apat.
" Akala ko hindi ka na darating e !" Ani Gary na nakipag high five kay Nel.
" Pasensiya na ha hinintay ko pa kasi si mommy." Paumanhin nito.
" Kasi di mag eenjoy si Yel kung wala ka." Panunukso na naman ni Gary.Pinanlakihan ko siya ng mata , ganun pala ha, ito ang gusto mo Gary Mendoza, sasakyan kita. Bulong ko sa sarili ko.
Humawak ako sa braso ni Nel at humilig,
" Correct , tama and true ang sinabi ni Gary , malulungkot ako ng sobra kung wala ka ."Nakamasid lang sina Gary at Glenda at nakita kong nag iba ang aura ni Gary. O , di ba , effective !!! He likes this game so i'll give it to him.
Sina mommy abala sa kwentuhan at deadma na kami kasi alam na nila paano kami mag asaran.
Habang nasa biyahe talagang nagpakasweet ako kay Nel. As in todo to the max para mang galaiti sa inis ang kababata, crush, puppy love , first love kong si Gary.
Pero si Nel ramdam kong tinututuo niya ha ! But in fairness I like it. Lalo na ng humilig ako sa balikat niya at hinahagod niya ang buhok ko.
At dahil sa haba ng biyahe nakatulog ako.