Please ! Layuan mo Ako

15 0 0
                                    

" The breakfast is ready babe ." Masaya kong bati sa mahal kong asawa.
" Ang aga mo yatang nakapagluto babe at nakabihis ka na ?" Gulat na tanong ni Nel.
" Babe , may report kasi kami ngayon na dapat ayusin at isubmit kay Gary...I mean kay engineer... hindi ba kagabi naikuwento ko sayo lahat about him, remember ? Bago tayo natulog ?" Paalala ko kay Nel.
" Yeah I remember." At naupo na ito para mag almusal.
Sabay na kaming umalis ng bahay , hindi niya kasi hiyaang mag commute ako at mag tricycle hanggang palabas ng subdivision.

At bago kami maghiwalay,
" Babe , I love you . Mag iingat ka lagi ha." Halik at paalala ko sa kanya.
" I love you too babe , at huwag masyadong close sa bestfriend mo ha ." Alam kong biro ito ni Nel pero ramdam ko ang selos niya kay Gary.
" Babe , I am your wife, wala ka bang tiwala sa akin?" Assurance ko sa kanya.
"Meron babe pero ewan ko ba ! Ok we have to go. Be home for dinner ha." At pinaandar na niya ang kotse , isang kaway at ngiti  lang ang naisagot ko.

Sa opisina namin, lahat ay maaga na ikinagulat ko din.
" Anong meron ?" Pagbibiro ko.
Si Alfred ang sumagot ,
" May important announcement daw si Chief. Few minutes lalabas na siya, aga kaya niyang dumating ."
May mga delivery pa ng breakfast. At after 10 minutes na nagsalita si Alfred heto na si Chief Gary,ang bestfriend ko.
At hindi ko nagawang hindi humanga sa kanya. Sa tingin ko napakakisig niya sa suot niyang fitted maong pants at naka polo shirt lang siya na light blue. Bakit hindi siya naka office attire? Naitanong ko sa sarili ko...hay Yel wake up ! Remember you are married !
" Miss Yel are you with us ? " tanong ni Gary na may kahabaan na pala ang conversation ng group at ako may after shock.
" Ahhh...sir, yes chief ." Nahihiya kong tugon
" Naku, siguro iniisip na naman ni Yel si Nel hahaha ." Pagbibiro ni Alfred.
Habang si Gary ay titig na titig sa akin.
Nakaramdam ako ng pagkahiya.
" Ah sir, Chief Gary don't worry I'll submit my report after this conference ." Ay ! Ano ba ang naisagot ko, ito ba pinaguusapan ?
Ngumiti lang si Gary pero itong si Alfred ang sumagot,
" Yel dear no worrie about our report kasi binigyan tayo ni Engineer till tomorrow for those reports at today is a free day for all of us, kasi magtra travel out of town si Engineer, kaya free day natin ,meaning pwede na tayong umuwi."
Lalo akong napahiya.
" It's ok Miss Yel , I understand ." Sagot ni Gary na nakangiti ,yun bang tulad ng dati na may pag ka presko ang dating ...tiningnan ko lang siya ng pasungit...SORRY HA DI KO NAPIGILAN ANG SARILI KO para bang nung childhood namin na nag aasaran.
Duon natapos ang conference namin lahat ay mabilis ng nagsialisan. At alam kong umalis na din si Gary dahil may lakad nga siya.
Sa aking pag-iisa ,
" Dito na muna ako, tapusin ko na ang report ko. Pero bago ako nagsimula , marami munang bagay ang naglaro sa aking isipan.
1.Suguro may date sila ni Glenda.
2. Sorpresahin ko kaya si Nel sa office, pero baka may mga tinatapos din na work yun..huwag na lang,dito na lang ako.

Nagsimula na ako sa report ko.
" Eheemm...ehem...!
Na ikinagulat ko at ng tingnan ko si Gary nasa likuran ko na ..
Sa pagkabigla at dahil bestfriend ko nga nakabog ko ang dibdib niya,
" Nakakainis ka ! Alam mo ba yun ! Muntik na akong himatayin sa gulat ."
Na tinawanan lang niya ng malakas at hinawakan niya ang mga kamay ko.
" Sorry Engineer, nabigla lang ako ." At inalis ko ang pagkahawak niya sa dalawang kamay ko at nagbalik ako sa ginagawa ko.
Naupo siya sa tabi ko.
"Bestfriend , nahalata ko mula kanina , malayo ang iniisip mo, may problema ba ? At hindi mo ako engineer kasi off tayo ngayon. Ako ang bestfriend mo ngayon."
" Wala. Kulang lang siguro ako sa tulog. At ikaw bakit nandito ka pa ? Hindi ba out of town ka today? May date ba kayo ni Glen ? Kumusta na siya ?"
Sunud -sunod kong tanong.
" At dahil bestfriend kita pwede ba tsuuupi !!! Umalis ka na at busy ako. Para matapos ito at makauwi na ako." Pasungit kong sabi.
" Hindi ko pa man nasasagot ang mga tanong mo pinaaalis mo na ako ?" At titig na titig pa din sa akin na tila nang iinis.
Deadma lang ako at tuloy ang ginagawa ko.
Ng natapos ako , tumayo ako inayos ang mga papers at documents and about to leave.
" Well...siguro pwede na akong umuwi . Excuse me ! " at kinuha ko na ang bag ko.
Hinawakan ni Gary ang kamay ko. Pinisil ang palad ko.
" At ito din ang sagot. Hindi ka pwedeng umuwi." Nakangiting sabi nito habang mahigpit na hawak ang kamay ko.
" Owsss...bitiwan mo nga ang kamay ko ! Baka nakalimutan mo off kami ngayon at ikaw ang nagbigay ng free day namin, ano may amnesia ka agad agad ?" At pilit kong inaalis ang pagkahawak niya subalit napakahigpit nito.
" Yel, seriously , please stay with me. Ikaw ang kasama kong mag out of town ." Seryoso na ito.
Para akong binuhusan ng yelo at napatingin ako sa kanya na nanlalaki ang mata .
" Pwedeng pakiulit Chief ?"
" Sabi ko ikaw ang kasama kong mag out of town. I beg for it, as your bestfriend , please Yel ." Pagsusumamo nito at sabay halik sa kamay ko.
That time natanggal ko ang pagkahawak niya sa kamay ko. Hindi ko din maipaliwanag ang nararamdaman ko for him lalo na habang nakatitig siya sa akin. Pero pilit kong nilabanan ito.
" Gary..." hindi ko pa natapos ang sasabihin ko hinila na niya ako palabas, ipinagbukas ng pinto ng kotse at nilagyan ng seatbelt habang parang wala ako sa sarili na sunud sunuran.
Habang nasa daan na kami at binabagtas ang daan palabas ng Manila, going to North duon ako nagkalakas loob na magsalita na parang nahimasmasan na.
" Gary , wait. Saan tayo pupunta ? At bakit ako ang kasama mo ? Nakaplano ba ito sayo ?" Pagtataka ko.
" Yel I need my bestfriend. And I will tell Nel ,
" PAHIRAM NG BESTFRIEND KO."
" No , this is not right. Ibaba mo ako. Nel will wait for me . " tanging nasabi ko.
Narating namin ang isang resort and hotel sa Pangasinan na hindi kumikibo si Gary.
" Yel please behave ok, sa loob na ako magpapaliwanag." Pakiusap niya habang kinukuha ang key ng pinareserved niyang suite.

Napakaganda ng paligid , mediterranean ang set up.
Accomodating ang mga staff.

Binuksan ni Gary ang room at
" Yel please come in. Relax wala akong gagawing masama I need somebody to talk to at ikaw yun kasi ikaw ang bestfriend ko." Habang binigyan niya ako ng cold refreshing drink from the fridge .
Puno ako ng kaba pero masaya din kasi nakasama ko ang bestfriend ko at puppy or first love ko.
Nagpalit siya ng damit naghubad sa harapan ko.
" Gary, doon ka nga maghubad huwag sa harapan ko!" Pasigaw kong utos.
" Hahaha...bakit masama ba ? Hindi ba nuong bata pa tayo pinasok mo nga ako sa kwarto ko na nakabalot lang ako ng tuwalya hahaha..." pagbabalik ala-ala nito...

SAAN KAYA HAHANTONG ANG TAGPONG ITO ? HUWAG PO TAYONG BIBITAW.

Pahiram ng Bestfriend ko !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon