TRUTH ALWAYS HURT

16 0 0
                                    

Back to work na kami ni Nel. Nagbalik na siya ng Manila at ako naman ay sa Baguio.
Natapos ko na ang lahat ng kailangan para sa renovation ng resort ni Miss Arsuella. At today kailangan kong magtungo sa Pangasinan to present the project.

Nanduon na si Miss Arsuella ng dumating kami . May mga kausap siyang mukhang talagang mga rich.

" Good morning Mam." Bati ko sa kanya.
" Hello Yel , good morning. Are you ready for the presentation ? "Nakangiti niyang tanong.
" Yes Mam ." Maiksi kong tugon.
" Oh by the way ,Yel this is Miss Loyola , She is the Vice President of Bussinessman League here in Pangasinan and this is Mr. Samonte , the President of Chamber of Commerce. " pagpapakilala ni Miss Arsuella sa mga taong kausap niya.
" And this is Yel , my interior designer ." Dugtong ni Miss Arsuella.
" So , can we start now with the presentation ?" Tanong ni Miss Arsuella na talagang excited.

Sa sarili ko naman.... Yel , kaya mo yan. ! Galingan mo at tiyak na magugustuhan nila ang designs mo...hugot ng malalim na hininga.

Pumasok kami sa may kalumaan na talagang function room. At nagsiupo na sila. Kasunod nuon ay isang staff sa resort na may dalang mga tubig at candies na ipinatong niya sa ibabaw ng table kung saan nakaupo ang tatlo.

Sinimulan ko ang presentation. Ipinakita ko ang designs ko from the space plan , fixtures , furnishings , materials , and ofcourse the budget .
Nang matapos ang presentation .
" Wow , this is an amazing project for this resort ." Papuri ni Miss Loyola.
" Yes , I like the designs and the cost I think it's reasonable ." Dugtong naman ni Mr.Samonte.
" Well , I got the right designer , Congratulations Yel ." Proud na bati ni Miss Arsuella.
" Thank you Mam , Sir ." Tanging naisagot ko.

Duon na din kami nag lunch kasama pa ang ibang staff. After lunch umakyat na ako ulit ng Baguio.

" Kumusta ang lakad mo ? Tanong ni Noemi ,by the way si Noemi ay isa sa mga engineer na nagwowork din kay Miss Arsuella , close siya sa akin at napakabait din. Siya ang madalas kong kasama dito sa Baguio. Dito siya naninirahan at single pa din.

" Ok naman at nagustuhan nila ang proposal ko sa resort." Nakangiti kong sagot.
" Sabi ko na sayo e ! Tiyak approved yun at pag ibinigay na ni Miss Arsuella ang project sa akin dapat we will celebrate ha , dadalhin kita sa bar hahaha." Pagbibiro ni Noemi.
Alam niya kasi na may boyfriend ako at hindi din naman ako umiinom ng alak.

Balikan naman natin si Nel, kumusta na kaya ang boyfriend ng ating bida ....

" Nel , pinatatawag ka ni Boss. " isa sa mga agent ng NBI.

" Nel , maupo ka. May isa tayong kaso na dapat tutukan , nasa middle society ang pamilya nito. Gustong malaman ng pamilya kung suicide o may foul play na naganap. Kaya gusto kong ayusin ninyo at pag aralan lahat ng anggulo ng kaso. Be sure na hindi kayo magkakamali sa mga findings ninyo. Double time tayo , kayo ng team mo , dapat masolve ito As Soon As Possible . Is this clear ? " utos ng Director.
" Yes Sir . " tanging sagot ni Nel.
" O, bakit di maipinta ang mukha mo ." Tanong ni Buboy isang NBI agent.
" Double time daw sabi ni Boss , wala na naman akong time para sa girlfriend ko, laki na ng tampo sa akin nun ,mabuti nga naayos ko last week." Pag aalala ni Nel.
" Pare , ganyan lang naman ang mga babae , konting lambing lang , ok na naman yan. " at tinapik siya sa balikat ni Buboy.
" Pre , iba si Yel , hirap suyuin pag nagtampo, at mahal na mahal ko siya , ayokong mawala siya sa akin. " malungkot na sabi ni Nel.
" Pare , ipaliwanag mo sa kanya , siguro maiintindihan niya." Dugtong ni Buboy.
" Sana nga , ok let's go back to work." Maiksing tugon ni Nel.

Sina Gary at Glenda naman.

" Love malapit na ang graduation mo just a week. Then next na ang wedding natin. Alam ko mahirap para sayo , pero nandito ako para pagtulungan natin." Ani Glenda
" Oo love at bago lumaki ang tiyan mo dapat lang na mairaos na ang kasal natin. At excited na din akong maging daddy. " nakangiting sabi ni Gary.

Pahiram ng Bestfriend ko !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon