Maaga akong bumiyahe going to Baguio na dala ang bigat ng lahat ng pangyayari sa buhay ko. At hanggang ngayon , hindi man lang nagtetext si Nel.
Maaga akong nakarating ng Baguio at agad akong pumasok sa opisina. Tahimik pa ang buong paligid. Wala pa ang mga officemates ko , syempre naman 6:30 palang ng umaga.
" Good morning Mam , ang aga ninyo ah ! " bati ng gwardiya habang binubuksan ang opisina.
" Good morning din po manong. Opo , marami kasing tatapusing trabaho." Nakangiti kong sagot.Naupo ako sa table ko. Sumandal sa upuan , ipinikit ko ang mga mata ko at humugot ng isang malalim na hininga .
Yel full concentration, Yel focus.
At sinimulan ko na ang pagtatrabaho. Inaayos ko na ang lightning fixtures ,tiles ,cabinets , doors , flooring designs , at budgetting for each category . We need to finalized all this things within this month ." Good morning girl , anong drama ito ha ? Dito ka ba natulog ?" Si Noemi habang papasok ng opisina.
" Good morning too. Hay ,kung alam ko nga lang , dito na lang ako nag spend ng weekend." Matamlay kong sagot.
" Girl , alam ko busy ka , sige mamaya ihugot mo lang yan ha , mamaya mangungumpisal ka sa akin." At nagsimula na din si Noemi sa work niya.Sa Manila naman.
" Nel , unawain mo ang girlfriend mo. Bigla ka ba namang mag proposed ,natural mabibigla yun at isa pa may point din siya. Kita mo naman ang sweldo natin dito kakarampot , at sabi mo nga nagsisimula pa lang siya sa profession niya , so pabayaan mo muna tol." Payo ni Louie isang NBI agent din.
" Oo nga tol tama ka pero ang sakit na tinanggihan niya ako , gusto ko na siyang makasama. " may hinanakit pa din sa boses nito.
" Tol , halika . Tingnan mo yung pamilyang yun ! Hindi ko sinasabing magiging ganun kayo dahil iba naman ang katayuan ninyo sa buhay." Pinadungaw niya si Nel sa bintana ,nasa second floor kasi ang opisina nila.
Kitang kita ni Nel ang isang pamilyang itinuro ni Louie na nasa kalsada , may akay na dalawang anak at mukhang gusgusin. Nagtuturo ang bata ng palamig pero sa kilos ng mga magulang ayaw itong bilhan. Marahil walang pambili. Hanggang sa pinalo ng ina ang bata at nakitang nagtalo ang mag asawa." Ganyan kahirap tol ang buhay. Kung pabigla - bigla ka at nagkataong pumayag si Yel , natural pag nabuntis siya hindi siya makakapagtrabaho at kung kapusin kayo , at walang makuhanan , hindi maiiwasang magtalo. Yun ba ang gusto mo tol ?" Panenermon pa ni Louie.
By the way , may pamilya na si Louie na may tatlong anak pero accountant ang asawa niya kaya maluwag din sila sa buhay. Ibinahagi din niya kay Nel na bago sila nagpakasal mag asawa nag - usap sila at nag ipon ng nag -ipon.Parang natauhan si Nel , sa nakita at sa mga sinabi ni Louie.
Kaya naman agad - agad niya akong tinawagan at nag apologized.
" Babe apology accepted. Talk na lang tayo later kasi sobrang busy ko today ." At pinutol ko na ang conversation namin.
Kina Glenda naman ;
" Love , namumutla ka ah ! " pansin ni Gary.
" Love ang hirap pala ng naglilihi. Pero sabi naman ng doctor everything is ok at normal lang daw ito. Hindi bale , next week hindi na tayo magkakahiwalay , dito ka na lagi sa tabi ko." May paglalambing na humilig sa dibdib ni Gary si Glenda.
Sa sinabing yun ni Glenda , nakaramdam ng lungkot sa puso niya si Gary. Hindi na sila malaya ni Yel na magkita , hindi na niya pwedeng bisitahin ang dalaga." Ok na ang lahat for our wedding di ba love ?" Pag iwas ni Gary sa tunay na nararamdaman.
" Oo naman , naka plano na at ayos na ang lahat , sana nga lang dumating ang lahat ng inimbitahan natin ." Habang nakahilig sa dibdib ni Gary.Mabilis na lumipas ang maghapon , magkasama kaming nag dinner ni Noemi. Ayaw akong tantanan at gustong malaman ang lahat sa akin. Kaya para makaluwag din sa loob ko ikinuwento ko ang lahat kay Noemi. Habang kumakain kami sa isang Kamayan Restaurant , parang nananadya na ang music ay ;
SANA DALAWA ANG PUSO KO .
HINDI NA SANA NALILITO
KUNG SINO SA INYO
SANA DALAWA ANG PUSO KO
HINDI NA SANA KAILANGAN PANG PUMILI SA INYO.
PARA BANG TUKSO
DI KO KAYANG MATALO
ISIP KO'Y LITO
WALANG MAPILI SA INYO
SABI NGA NILA
DI MAARING MAGPANTAY
PAG - IBIG SA DALAWAHindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko , kaya tumigil ako sa pagkain.
" Hey girl , tutoo ba ang nakikita ko ? Luha sa iyong mata ? What's wrong ? " at binigyan ako ng tissue ni Noemi.
" I'm sorry , grabe kasi ang kantang yan , nadala tuloy ang damdamin ko. Kaya emote to the max ako . " nakangiti pa din ako kahit lumuluha.
" Let me guess , yan ba ang dahilan kaya hindi mo tinanggap ang MP short for Marriage Proposal ng boyfriend mong si Nel ? " habang nakatitig sa akin na naghihintay ng tutoong kasagutan.
Hindi ko na maikakaila kaya tumango ako.
" My gosh , Yel. Ikakasal na si Gary at hindi fair kay Nel na nagmamahal ka ng iba. Girl hindi kita hinuhusgahan ha , pero pinahihirapan mo ang sarili mo eh ! " pasungit na sabi ni Noemi.
" I know , this is not right. Alam kong mali. Ako din naman I thought naka move on na ako , pero everytime I see Gary , nandito pa ang feelings ko for him. Kaya nalilito din ako." Paliwanag ko.
Hindi na alam ni Noemi ang sasabihin . Ang tanging payo niya sa akin forget Gary , totally delete in my life kasi hindi na siya malaya.Isang mahigpit na yakap ang binigay ni Noemi sa akin bago kami nagkahiwalay.
" Girl , just think of all the words from me , focus na lang kay Nel ok." Paalala pa niya.
Isang ngiti at " Thanks " lang ang nasabi ko.Kasi napakahirap , gusto man ng isip ko ayaw naman ng puso ko. Anong gagawin ko ?
Napakahirap nga naman ang magmahal ng dalawa , pero kailangan talagang mamili.
Ang isip natin laging tama subalit laging nandiyan si Puso na lumalaban at talagang pasaway...
Pasensiya na po dear readers medyo maiksi ang update...
Thanks for reading .