Paalala : may mga salita at pangyayari po na hindi angkop sa mga mambabasa natin na wala pa sa tamang edad. For Adults only.
Yel's part.
Welcome Baguio. Ang ganda talaga ng lugar na ito. Malalanghap mo ang sariwang simoy ng hangin.
Isang van ang sumundo kay Yel mula sa terminal ng bus patungo sa lugar kung saan siya manunuluyan." Hello ako si Gina, ako ang katiwala ni Miss Arsuella sa mga apartments niya at pinasasabi niya na bukas ka na lang magpunta sa hotel, magpahinga ka na muna daw." Pagpapakilala ng babae na sakay ng van. Isa siyang native ng itogon benguet , napakaganda ng kutis niya.
" Hi Gina, nice to meet you. Thank you ha , pakisabi na din kay Miss Arsuellas." Sagot ko.
Hindi kalayuan sa city ang apartment na titirhan ko. Kumpleto ito sa mga gamit at may welcome food pa.
Nagpaalam na si Gina at ako naman ay nag ayos ng mga gamit at dahil hapon na din ng makarating ako dito sa Baguio nilatag ko muna ang katawan ko sa higaan para makapagpahinga. 5 hours din kaya ang travel time ko.
Nel's part :
" Nel I need you to submit the findings and result of the finger print of Custodio this afternoon . " utos ng boss ni Nel.
" Yes Sir ." Maiksing sagot ni Nel.
Si Custodio ang main suspect sa murder case ng isang dalagang kolehiyala. At si Nel ang naatasan as finger print examiner."Dami na namang naka line up na trabaho. Kawawa naman ang babe ko nito baka hindi na naman ako makauwi ng weekend. Tinatawagan ko out of coverage area naman. I need to focus na muna and I know maiiintindihan ng mahal kong babe ang sitwasyon ."
Busy, busy na ang mga tauhan natin. Paano naman kaya sina Gary at Glenda.
" Love susunduin kita mamaya pag labas mo sa work ah ." Si Gary.
" Ok, hihintayin kita. Hindi ka ba busy ngayon ?" Pagtataka ni Glenda.
" No. Medyo maluwag ang schedule ko at gusto kong mag unwind ." Nakangiting sagot ni Gary.Matapos ang klase ni Gary umuwi muna ito para magpahinga. Half day lang kasi siya.
" Hindi maalis sa isipan ko si Yel. At ngayon nasa Baguio siya, na mas napalayo . Napaka swerte ni Nel at ako napaka tanga na hindi ko nakita ang mga magagandang katangian ni Yel nuon. Napaka sweet niya. At mis ko talaga mga yakap niya at halik na kahit walang malisya , nagbibigay ng saya sa akin. I know this is so unfair with Glenda. Ooowww... kailangan ko ng kalimutan ang feelings ko for Yel. " pagmumuni - muni ni Gary.
Ng bigla nitong maalala na susunduin pa niya ang kasintahan.
Dali - dali siyang nagbihis." Akala ko hindi ka na naman darating." Nakasimangot na sabi ni Glenda.
" Medyo nakaidlip lang sorry ." Palusot ni Gary.Nagpunta ang dalawa sa isang japanese restaurant para kumain muna. Then nanood ng sine. At after that naglakad lakad muna sa mall. Hindi maalis sa isip ni Gary si Yel lalo na ng masulyapan niya ang park kung saan niya nakasama si Yel. Kaya niyaya niya si Glenda na magpahangin sa park. Naupo sila sa damuhan dahil halos lahat ng benches at puno na.
" Text ko lang si mommy ha sabihin ko gagabihin na tayo ng uwi." Ani Glenda.
Si Gary naman ay nagrereminisce ng time na kasama si Yel.
Matapos magtext , humilig si Glenda sa may dibdib ni Gary.
" Hay sana love laging ganito , yung kasama kita after work, yung hindi mo ako pinagsusungitan , yung may time kang ganito for me ." Paglalambing ni Glenda.
Tinitigan siya ni Gary at hinalikan sa pisngi.
" Pasensiya ka na alam mo naman siguro pag graduating di ba ? " paghingi ng paumanhin ni Gary.
Pero imbes na sumagot si Glenda inalis nito ang pagkahilig sa dibdib ni Gary at naupo , tinitigan ang nobyo.
