Madaling natapos ang sem break namin ni Nel.
Ang unforgettable sem break na muntik ng mauwi sa wedding ceremony kung nagkataon. Siyempre kung tuluyan akong bumigay hindi ako papayag at lalo na ang parents ko na di ako pakasalan ng boyfriend ko.Maaga akong sinundo ni Nel na kitang kita sa mukha ang saya kaya naman lalong tumingkad ang kagwapuhan.
" Good morning babe. Ganda naman talaga ! " bati nito sa akin sabay halik sa pisngi.
" Ang aga mo , hindi ba 10 ang first subject mo at mag seseven pa lang. " pagtataka ko.
" Miss ko kasi ang babe ko " at kinindatan ako nito.
" Hmmm...bola ! " at ngumiti ako.
Nakarating kami sa campus, hinatid muna niya ako sa building namin. Iba kasi ang building ng criminology.
" Ok Babe see you later. Sa library muna ako at tatapusin ko lang yung forensic studies ko." Hinalikan ako nito at bumulong pa bago tuluyang umalis,
" Pwede nating ulitin mamaya yung nangyari nung sem break ! "
Gumapang ang kilabot sa buong katawan ko at sumagot ako ng
" Tumigil ka nga, baka di nako makapag pigil ." At nagkatawanan kami.Umakyat na ako ng second floor dun kasi ang classroom ko.
Ng matapos ang klase ko ng 3 pm , nagtaka ako at wala pa si Nel sa ground floor, usually kasi dito niya ako hinihintay. So , naupo muna ako at hinintay siya.
After 25 minutes na pinaghintay ko humahangos na dumating ito.
" Babe I'm Sorry, dami kasi kaming ginagawa. Tinatapos namin yung sa forensic namin at need ng isubmit bukas or else di kami makakagraduate." Paliwanag nito at humalik sa pisngi ko.
" It's ok. I understand ." Sagot ko at pinunasan ko ng handky ko ang face niya dahil pawis na pawis siya.
" Thanks...sweet talaga ng babe ko. At babe , ihahatid na lang kita sa labasan kasi I have to stay , hindi pa kami tapos e ! Dugtong nito.
Oh My ! After 25 minutes na pinaghintay ko , mag isa din pala akong uuwi . Bulong ko sa sarili ko.
" Babe galit ka ba ?" Tanong nito.
" Hindi. Tuwang - tuwa nga ako o !" At ngpakita ako ng fake na ngiti.Paalis na sana kami ng ,
" Hey Nel, kanina ka pa namin hinahanap, paano nating matatapos yung forensic studies natin kung diyan ka nakatambay ! " si Mylene ang haliparot na classmate ni Nel na matagal ng may gusto kay Nel. Pero sorry siya , no infact siya sa boyfriend ko kahit meztisa siya.
Aba , sapakin ko kaya ito at ng madagdagan ang case study nila. Kung umasta parang sino sa buhay ng boyfriend ko ah ! Yel, relax...di mo kalevel yan.
" Ah Nel , my babe, pakipaliwanag nga kay Mylene na hindi ka nakatambay dito, kundi , pinuntahan mo ang girlfriend mo at need mong magpaalam sa kanya." At humawak ako sa braso ni Nel habang nakatitig kay Mylene.
" Let's go babe , ihahatid na kita. Ok, I'll go back Mylene , ihahatid ko lang ang babe ko sa labas." Paalam ni Nel at lumayo na kami kay Mylene.
Bago kami tuluyang nakalayo tinapunan ko siya ng sulyap at kinindatan na parang iniinsulto. Ako ba ang taluhin.....
Sa labas ng campus,
" Babe , ikaw ha baka naman patulan mo yung Mylene na yun ! " nakaismid kong sabi.
" Uy selos ang babe ko , Ikaw lang po Promise , wala ng iba. Trust me ok ." At dinampian niya ako ng isang halik sa lips.Sumakay na ako ng jeep pauwi. At si Nel ay nagbalik na sa loob ng campus.
Sa bahay , inabutan ko si Gary kausap ni mommy sa may balkonahe.
Humalik ako kay mommy.