Time to move on

29 1 3
                                    

" Yel , para saan ang mga luhang yan ?" Paguulit na tanong ni Gary.
" Wala lang, syempre nalulungkot lang ako kasi mag-iiba na ang buhay mo,hindi na kita pwedeng tuksuhin tulad ng dati hahaha." Hindi ko pinagtapat ang tunay kong nararamdaman.

Pinahiran ni Gary ang mga luha sa aking mga mata.

" Sabi ko naman sayo , magbabago na ang buhay ko pero hindi magbabago ang nararamdaman ko sayo Yel. Nandito pa rin ako para sayo ok."

At nagpaalam na ako.
Agad akong nakatulog nung gabing yung siguro dahil sa sobrang pagod.

Nagising lang ako sa ring cellphone ko.

Kkkrrriiinngggg....

" Hellloooo...." sa antok pang boses.
" Hello babe , good morning. Kumusta ka na ? Nakauwi ka ba ?" Si Nel.
" Good morning. Oo nandito ako sa bahay." Sagot ko.
" Sorry babe , parang antok ka pa ah !" Ani Nel.
" Oo ,kasi graduation ni Gary kahapon at humabol ako kahit gabi na. " matamlay na boses ni Yel.
" Talagang hindi mo pinalagpas ang graduation ni Gary ha !" Animo'y tonong nagseselos si Nel.

Hindi ko na ito pinansin at iniba ko na lang ang topic.

" Tumawag ka , this means hindi ka na naman makakauwi right ?" Prangka at irita kong boses.
" Babe kasi..." hindi ko pinatapos ang sasabihin niya at pinatayan ko siya ng cellphone.
Kkkkkrrriiinnnggg...
Kkkkkrrriiinnnggg...
Kkkkkrrriiinnnggg...
Hindi ko na sinagot.

Kaya nagtext ito ng
" Babe try to understand please . I love you ."

Na sinagot ko ng
" I understand na busy ka at need na naman matapos ang work mo, so go ahead."

At itinuloy ko ang tulog ko.
Lunch time na ng magising ako.

" Kumusta na ang prinsesa ko ? Mukhang napuyat ah , at di ko na alam na dumating ka ." Si daddy.
Yumakap ako sa daddy ko na parang batang naglalambing.

" Ikaw kasi dad hindi mo po ako hinintay. "

" Nakahanda na ang pagkain,nagluto ako ng sinigang na tanigue, paborito mo yun Yel di ba ?" Si mommy habang abala sa paghahain pananghalian namin.

" Wow, sarap niyan mom...super talaga si mommy di ba dad?"
" Oo naman the best talaga ang mommy mo." Proud na sabi ni dad.

Kinahapunan , nagsimba kami nina mommy at daddy. After the mass kumain kami ng dinner sa isang korean restaurant.
Hindi kami gaanong nagpagabi dahil tulad ko,maaga ding bibiyahe si daddy going to work.

Pagdating ng bahay inayos ko na ang mga damit na dadalhin ko paakyat ng Baguio.

Tok! tok ! Tok !tok
" Yel , natutulog ka na ba ?"si mommy.
Binuksan ko ang pinto ng room ko at pinapasok si mommy.
" Inaayos ko pa po ang mga gamit ko at hindi pa naman ako inaantok." Sabi ko kay mommy.
Tinulungan ako ni mommy at ng matapos,
" Yel pwede ba tayong mag -usap ?"
" Opo , ano po yun mom ?"
Naupo kami sa may gilid ng kama. At nag-usap.

" Napapansin ko kasi anak na malungkot ka, may problema ba kayo ni Nel ? O may ibang problema ?"
" Si mommy talaga , wala po ok lang ako."
" Yel , kilala kita , huwag kang mahiya , tulad ng dati nandito ako para sayo." At hinilig ako ni mommy sa balikat niya.

At hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya ikinuwento ko sa kanya ang nararamdaman ko para kay Gary at ang mga hinanakit ko kay Nel.

" Anak , naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Si Nel baka gusto lang magsikap sa trabaho lalo na bago pa lang kayong nagsisimulang gamitin ang pinag-aralan ninyo. Kaya konting pang -unawa. Ang kay Gary naman, hindi pala ako nagkamali ng kutob ko."

" Opo mommy at ipinagtapat din niya sa akin na mahal niya ako."

" Alam mo kaming mga parents ninyo gustung -gusto sana namin na kayo ang magkatuluyan ni Gary. Pero hindi nangyari. Kaya alam ko din ang nararamdaman ninyo , dahil simula pagkabata magkakilala na kayong maige ni Gary. But right now, may boyfriend ka na at si Gary ay ikakasal na din. Masakit man anak but you must accept the reality. Yel it's time to move on , bata ka pa at wala na tayong magagawa para ibalik ang panahon."

" Yes mommy , you are right , It's time to move on. Malabo na ang sa amin ni Gary. I need to focus in my relationship with Nel and most of all sa work ko. Mom , thank you so much , gumaan po ang pakiramdam ko. I love you mommy ." At niyakap ko si mommy habang tumutulo ang luha ko.
" I love you too my dear. Sige magpahinga ka na.Goodnight." at hinalikan ako ni mommy sa noo.
" Goodnight mommy."

3 am in the morning ng magising ako. Shower then nag coffee muna ako. Maaga ding nagising si mommy to prepare our sandwhiches.
" Ingat anak sa biyahe at dalhin mo yung sandwhich mo ." Paalala ni mommy.
" Thanks mom. Pakisabi po kay dad mauna na ako ha." At humalik ako kay mommy. Tulog pa kasi si daddy.

Habang nasa bus, inalala ko lahat ang sinabi ni mommy. Time to move on. I need to focus and forget my feelings for Gary. At siguro hindi muna ako uuwi para maiwasan munang makita si Gary. Si Nel, I'll give him a chance , sabi nga ni mommy , like me gusto lang ni Nel na mapaayos ang trabaho niya. At in fairness naman , nag cope up naman siya sa mga pagkukulang niya pag free time niya.

Pag dating ng accomodation ko , nagsuot lang ako ng uniform at dumiretso na sa office.

" Good morning Yel, kumusta ang weekend at ang biyahe ?"si Noemi.
" Hi , Good morning dear. Ok naman ang weekend though as you know wala ang boyfriend ko." At nagkibit balikat ako.
" Hahaha...so...nagkita ba kayo ni bestfriend ?" Tukso ni Noemi.
" Tsika tayo mamaya hahaha." Paiwas kong sagot.

Naikuwento ko na kasi kay Noemi si Gary at she also knows Nel pero hindi pa sila nag memeet in person.

Around 9 am , dumating na si Miss Arsuella. Pinatawag kaming lahat at ibinalita niya sa amin na that day after my presentation , na approved agad ang proposed renovation ng resort niya at irerelease ang budget this week. She congratulated our team.
Nagpalakpakan kaming lahat.
At masayang lumabas ng office ni Miss Arsuella.

Kahit siya ang may ari ng resort may mga kasosyo siya duon like Mr.Samonte and Miss Loyola. At since ok na sa kanila , tuloy na ang project namin at magiging busy na din ako dito.

" So , Yel saan natin dadalhin ang incentives na matatanggap natin ? Si Noemi na abot tenga ang ngiti.

May makukuha din kasi kaming incentives dahil sa mga designs namin.

At sa sarili ko, Yel this is the start of your career. May napatunayan ka na...

Makakalimutan na nga kaya ni Yel ang feelings niya for Gary ? Makakamove on na nga kaya siya ?
At ang relasyon nila ni Nel? Hanggang kailan kaya matitiis ni Yel ang sitwasyon nila ng boyfriend?

Thanks for reading :-)

Pahiram ng Bestfriend ko !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon