WARNING : hindi po angkop ang ibang bahagi ng kwentong ito sa mga bata o wala pa sa wastong gulang. May mga salita at pangyayari na For Adults Only.
Dahil naipangako ni Nel na after the wedding babawi siya sa girlfriend . Kaya naman ito ang ginawa niya. Nagpaalam sila na mag oovernight.
Isinama ako ni Nel sa Manila. Nagpunta kami sa kilalang mall. May bowling lanes duon kaya humataw kami ng laro. I love to play bowling.
Then we had our dinner sa isang seafood resto alongside ng bay.
Past 9 na din ng dalhin ako ni Nel sa inuupahan niyang room. Ipinakita niya ito sa akin. Areglado at malinis ang room niya. Pero dahil maliit at hindi kumpleto sa gamit hindi kami duon nag stay.
" Babe , ok na dito sa room mo kung kakain man tayo , pwede namang lumabas eh !"
" I insist na hindi tayo dito. Gusto ko dun sa kung saan kumportable ang mahal ko. Kaya huwag kang tumutol ok ." At pinisil ako sa ilong.Magkahawak kami ng kamay na lumabas ng room niya. Naghintay ng taxi. Kahit gabi na , para pa ding hindi napapagod ang mga tao. At napakasaya pa din. Ang problema nga lang dito ay ang sobrang traffic. Sabi nga ni Nel dahil Saturday kaya di grabe. Ang lagay na ito sa nasaksihan ko na usad pagong ang mga sasakyan , di pa grabe ha.
Sa wakas , after 30 minutes yata na pinaghintay namin, nakasakay din kami ng taxi. Hindi naman kalayuan ang pinuntahan namin ni Nel.
Dahil hindi naman ako mahilig sa night life ,nagulat ako sa mga nakikita ko , ang mga kabataan na nagiinuman. Mga magkasintahan at grupo grupo ng mga kalalakihan at kababaihan na nagkakantahan at nag iinuman.
" Babe ok ka lang ? Ganyan talaga dito lalo na weekend." Paliwanag ni Nel habang naglalakad kami.
Pumasok kami sa isang club. Disente ang lugar at may live band. May pinareserve na palang table si Nel. Table for two.
Maya - maya lumapit ang waiter nag order si Nel ng beer at sisig na paborito namin at ako naman at pineapple juice lang.
Nag eenjoy akong nakinig sa vocalist ng band. Napakaganda niya maging ang kanyang boses.
Habang umiinom si Nel, nakaakbay ito sa akin.
" Do you like it babe ? No worries , 2 bottles lang ako at we will leave this place. I love you babe." Bulong nito sa tenga ko at ang hininga ni Nel tuwing bubulong ito sa akin ay nagdadala ng kilabot sa buong katauhan ko.
" Yes , I love listening to their songs. " maiksi kong tugon.
Maya - maya lang ay nag dedicate ng kanta sa akin ang vocalist .
This song is lovingly dedicated to Miss Yel delos Reyes , dedication comes from Mr. Nel Rodriguez.
At ikinanta nila ang TONIGHT I CELEBRATE MY LOVE FOR YOU.
" TONIGHT I CELEBRATE MY LIFE FOR YOU.
IT SEEMS THE NATURAL THING TO DO.
TONIGHT NO ONE'S GONNA FIND US
WE'LL LEAVE THE WORLD BEHIND US
WHEN I MAKE LOVE TO YOU
TONIGHT I CELEBRATE MY LOVE FOR YOU
AND HOPE THAT DEEP INSIDE YOU FEEL IT TOO. "Dahil nakainom na si Nel sa pangalawang bote ng beer, panay na ang yakap niya sa akin at bulong ng
" Babe , tonight I will celebrate my love to you ha ." Sabay hinga sa may tenga ko na nagbibigay init sa katawan ko.
Hindi ako makasagot , parang alam ko na ang gustong mangyari ni Nel.
Ng matapos ang kanta tinawag ni Nel ang waiter at binayaran ang bill namin. Nagpaabot din siya ng tip sa band.
Sa katabi ng club may hotel dito at iisa lang pala ang nagmamay - ari. Dito kami nagtuloy ni Nel. Kaya pala malakas ang loob uminom ng beer dahil katabi lang ang tutulugan namin.