Natapos ang weekend na walang Nel na nagpakita sa akin.
Madaling araw ng Lunes bumiyahe na ako pabalik ng Baguio. Tumuloy muna ako ng accomodation ko bago pumasok sa office.
Ginawa kong busy ang sarili ko sa lahat ng projects na pinagagawa ni Miss Arsuella. Nagfocus ako ng husto dahil ayokong mapag-isa at maalala na ang bestfriend ko ay ikakasal na at ang boyfriend ko na hanggang ngayon ay hindi pa din tumatawag.
" Yel past 6 na ah , hindi ka pa ba uuwi ?" Tanong ni Karen na isa ding empleyado at magaling na designer ni Miss Arsuella.
" Mamaya na siguro, tatapusin ko lang itong budgetting ng hardwares para dun sa old resort na nirerenovate." Sagot ko kay Karen.
At nagpaalam na ito. Maya -maya lang, nag ring ang phone ko." Hello Babe , how is my sweetheart ? How was your weekend ? Kumusta si mommy ? ( tinutukoy niya ay si mommy ) Babe I am really sorry I was not able to do it last Weekend, maraming conferences na dinaluhan ang babe mo at reports na tinatapos. But promise this weekend babawi ako." Mahabang paliwanag ni Nel.
" Ah ok. " maiksi kong tugon kasi sanay na ako sa mga reason ni Nel. Halos every week yata ganito ang naririnig ko sa kanya.
" Babe are you ok ?" Tanong ni Nel.
" Babe marami akong tinatapos na trabaho at ano pa bang expect mo sa akin, matuwa sa mga reasons mo !" Medyo iritado kong sagot.
" Babe sorry na o ! Ok on Friday evening , ako ang aakyat diyan sa Baguio." Panunuyo nito.
" No need , kasi kailangan kong umuwi para magpasukat ng damit para sa kasal nina Gary at Glenda." Malungkot kong sabi.
" What ? Ikakasal na sina Gary at Glenda? "Pagtataka ni Nel.
" Yes, you heard it right. At ikaw din po , isa ka sa entourage." Paglilinaw ko.
" Oh , ok I'll be home on Friday evening. I love you Babe , take care." Pagpapaalam nito.
Hindi ko magawang sumagot tulad ng dati, kasi para akong naiinis kay Nel at ang isip ko ay na kay Gary .
" Ok see you this weekend." Tanging sagot ko at pinutol ko na ang pag -uusap namin.Past 10 na din ako umuwi ng accomodation ko, sa office na ako nag dinner.
Kahit pagod ang katawan ko at isipan hindi ko magawang makatulog. Sa Aking Pag -iisa , ang masungit kong kababata ,bestfriend, crush, puppy love, first love na si Gary ang sumasagi sa isip ko.
Sa kabilang banda naman ;
"Shit , hindi ako makatulog , Yel, Yel ... I love you, I miss you so much. Pero ikakasal na ako , wala ng pag - asa na matupad ang mga pangarap ko na makasama ka pa. Kung binata ako , alam kong may chance dahil hindi pa kayo kasal ni Nel, pwede pang magbago ang lahat, pero sa nangyari sa akin , tuluyan ka ng mawawala sa akin Yel. " Pagmumuni - muni ni Gary.
Mabilis na lumipas ang mga araw.
Saturday morning , lahat ng bridesmaid ay nanduon kina Glenda para sa pagsusukat ng damit at ang mga groomsman naman ay nasa bahay nina Gary." Tol congratulations ! Naunahan ninyo kami ah ." Bati ni Nel habang kinakamayan si Gary.
" Salamat Nel. Huwag mong paiiyakin ang kababata at bestfriend ko ha, ingatan mo siyang maige." Paalala ni Gary na ang tinutukoy ay si Yel.
" Oo naman, mahal na mahal ko si Yel kaya lang nagtatampo ngayon , kasi wala na daw akong time sa kanya ,hindi pa nga kami nagkita kaya after this I will make it up, kailangang bumawi." Nakangiting sabi ni Nel.
" O, after this may lunch tayo , we will meet all together in Seafood Grills ." Paalala ni Gary.
" Wow, favorite ni Yel na kainan yun, tiyak makakalimutan na naman niya ang diet niya." Pagbibiro ni Nel.Oo, paboritong kainan ni Yel yun at memorable kay Gary ang place dahil nung kamusmusan nila ni Yel madalas ang family nila doon at nagbalik tanaw si Gary.
" Akin yan Gary, ako ang nag - ihaw niyan , tapos kukunin mo!" Maluha luhang hinahabol ni Yel ang inihaw niyang pusit.
" Hahahaha, sige pag nahabol mo ako ibabalik ko sayo ito." At tumakbo na si Gary habang hinahabol ni Yel. Binabawalan sila ng mommy at daddy nila pero lubhang makukulit.
Hindi nakahabol si Yel ,hanggang sa napagod at nagbalik sa mesa. Naawa naman si Gary at ng ibibigay na niya kay Yel ang pusit bigla siyang binuhusan ng tubig ni Yel na ikinagulat ng marami.
" Hahahaha...yan ang bagay sayo. O , di naligo ka ngayon ." Sadyang pilya kasi si Yel.
Hindi magawang magalit ni Gary pero ang parents ni Yel pinagalitan siya. Kinampihan naman siyan ng parents ni Gary at si Gary ang pinagalitan.
