Wala kaming sinirang araw ni Nel sa bakasyon namin, araw at gabi na puno ng ligaya. Isang Linggong Honeymoon na walang pagsasawa.
" Babe nasabihan mo na ba sina Mommy at Daddy na magpunta dito sa Sabado? Kasi ako sinabihan ko na sina daddy at pupunta sila. " pagpapaalala ni Nel sa akin para sa isang salu - salo ng pamilya at para makita din ng mga magulang namin ang bagong buhay namin ni Nel bilang mag - asawa.
" Oo darating sila. Baka mauna na si mommy kasi nasa Batangas si Daddy. " habang inaayos ko ang lulutuin kong lunch namin.
" Hhhmmm...ginutom ako Babe ah ! " at lumapit si Nel sa akin habang hinahalo ko ang beef caldereta.
"Sandali na lang ito,basta maupo ka diyan at iseserve ko na."
" Babe ginutom ako...hindi lang dahil sa caldereta...pasok muna tayo sa kwarto hehehe."
At nakalingkis na parang sawa sa akin ang mahal ko. Hinahalikan ako sa batok, sa leeg...
" Babe ,mapapaso ako hahaha.Akala ko pa naman gutom ka na talaga." At hininaan ko ang stove.
Pinatay na ito ng tuluyan ni Nel. At binuhat ako patungong kwarto namin habang sige ang halik sa akin.At nangyari na naman ang pinakamasarap na bahagi ng Honeymoon.
" Happy ? Satisfied Babe ? Tanong ko.
" Oo naman at ngayon talagang gutom na ako Babe hahaha." At kinindatan ako.Nag shower lang kami then pinagsaluhan na namin ang beef calderetang niluto ko.
" The best ka talaga babe, sarap mo pang magluto ah ! Thank you and I Love You babe."
"Tinuruan kaya ako ni mommy at hilig ko din naman ang pagluluto di ba ? "Sumapit ang Sabado.
" Babe nandiyan na ba ang pina cater natin ?" Tanong ni Nel na naliligong kasalukuyan.
" Wala pa nga eh ! " sagot ko naman habang sinusuklayan ko ang buhok ko at naglalagay ng konting make up.Tok.tok.tok.tok.tok.
Lumabas ako ng kwarto para tingnan ang kumakatok sa pinto.
" Iha, kumusta na kayo ?" Mommy ni Nel.
Nagmano ako sa kanila ng daddy niya. Pinatuloy ko sila.
" Ok naman po kami. Kayo kumusta naman po ? Pati na ang biyahe ninyo ?"
" Ayos naman kami iha. Itong mommy ninyo ang medyo napagod , hindi sanay sa biyahe." Sagot ng daddy ni Nel.
Nagpaalam ako na tatawagin si Nel at ikukuha ko sila ng maiinom. Past ten in the morning na .Sa sala , masaya silang nagkukuwentuhan .
" Mag snack muna po kayo , gumawa po ako ng cassava cake ." Naupo ako sa tabi ni Nel.
" Napakaswerte ng anak ko sayo iha. Bukod sa maganda na , magaling pang magluto." Puri ng mommy ito.Na flattered ako sa sinabi ng mommy ni Nel, ikaw na ang mapuri ng biyenan !
Maya - maya pa ay dumating na din si mommy . Batian at yakap ng mahigpit ang sinalubong ko sa kanya. Na miss ko din kaya sila.
At si daddy ay kasabay na dumating ang delivery ng food na pina cater namin.
Nagkumustahan sila habang kami ni Nel ay inayos ang pagkain at set up ng table.
Ilang minuto lang ang nakalipas at nagka salu- salo na kami sa lunch. Isang masayang lunch.
" Kayong dalawa basta tandaan ninyo , huwag na huwag ninyong palalakihin ang mga tampuhan. Agad itong pag -usapan at ng di mauwi sa away ." Payo ng daddy ni Nel.
Na sinundan din ng payo ni daddy.
" Maging tapat kayo sa isa't - isa. Huwag kayong magtatago ng lihim. Tandaan ninyo ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluwat. "
Tahimik kaming nakikinig sa kanila .
" Sa buhay may asawa kasi mga anak , hindi mawawala ang tampuhan, ang di pagkakaunawaan. Laging nandiyan yan. Kaya huwag ninyong pababayaan lalaki ito o mauuwi sa matinding away." Dugtong naman ni mommy.
" At pag nauwi sa away yan, nandiyan ng mawawala ang respeto ninyo sa bawat isa . Na pag pinatagal mawawala ang pagmamahal at mauuwi sa hiwalayan. Kawawa ang magiging mga apo namin. " paliwanag naman ng mommy ni Nel.
" Opo tatandaan namin lahat ng sinabi ninyo diba babe ?" At inakbayan ako ni Nel.
" Oo naman syempre. Basta ba good boy ka lagi at wag titingin sa iba ." Paglalambing ko.
Nagkatawanan ang lahat." Oo Nel alam mo naman siguro na napaka selosa niyan." Nakangiting paalala ni mommy.
" Opo mommy , iingatan kong huwag magselos at magalit sa akin ang pinakamamahal ko."
Paniniguro ni Nel.Matapos ang pananghalian nagpahinga muna sila at nanood ng tv. Iniligpit namin ni Nel ang pinagkainan. Ako na ang naghugas ng mga plato at pinapasok ko na sa sala si Nel.
Past 6 in the evening na din sila umalis. Sabay - sabay na sila.
Nagpahinga na din kami ni Nel at habang nakahiga, inisa isa namin ang mga payo ng mga parents namin.
" Babe remember ha , no other woman ok. At kung anuman problema lagi mong sasabihin sa akin. " habang nakahilig ako sa dibdib niya.
" Babe nung pinakasalan kita , itinanim ko na sa puso't isipan ko na wala akong ibang mamahalin kundi ikaw. At hinding hindi kita sasaktan. So , trust me ." At hinalikan niya ako sa noo at niyakap ng buong higpit." Thank you babe, I love you. Goodnight." Hinalikan ko din siya sa lips.
" Hep, anong goodnight. Hindi pa tayo matutulog. " at siniil na niya ako ng maiinit niyang halik. Ipinasok ang dila at muling naglaro ang mga dila namin sa isa't -isa.Bumaba ng bumaba ang mga halik na yun...
At syempre...alam ninyo na ang kasunod....
Play in your imagination na hahaha...kasi hindi ako nagbigay ng warning kaya bawal na pong ilahad ang mga sumunod na nangyari...Thanks for reading. May karugtong pa po. At malapit ng pumasok ang conflict.