Kinabukasan gimikan time...
" Yel , gising na , Yel, Yel ." Si mommy na niyuyugyog at tinatapik ang balikat ko habang ginigising ako.Lumabas na ng kwarto si mommy na buong akala niya ay natutulog pa ako ng hindi ako gumalaw man lang.
Gising na ako subalit nag tulug - tulugan lang ako.
Tinatamad akong tumayo kasi hanggang ngayon iniisip ko pa din ang pagkapahiya ko kahapon.Recall....
Pinagtawanan ako ng dalawang mokong at binablack mail pa dahil nanood ako ng bold movies. At si Nel bakit bigla siyang nagalit sa akin ? Nagkukwento lang naman ako. Pero hindi naman niya ako natiis at nagbalik din siya. At what a surprise na ang aking crush at masungit na kababatang si Gary ay napadaan para ako sunduin at tiyakin na hindi naglakwatsa , without knowing niya na nakagala na ako....At hayun , nakahanap ng kakampi si Nel at nagsabwatan pa ang dalawa para tuksuhin at pagkaisahan ako.Haissss....bahala kayo , hindi ako sasama sa inyo ngayon. Magsama kayo at magpakasaya... muni muni ko at patuloy na kinakausap ang sarili ko.
Maya - maya pa'y nagbalik si mommy.
Nahuli niya akong nakadilat na ng mata at kunwari ay pupungas - pungas." Yel gising ka na pala , napasarap yata ang tulog mo ah ! nasa sala sina Gary , Nel at Glenda. Inaantay ka at maglalaro daw yata kayo ng badminton kina Nel." Malambing na sabi ni mommy. Habang itinutupi ang kumot na ginamit ko.
OO , spoiled ako kina mommy at daddy kasi nag - iisa din akong anak. Hindi na puwedeng magkaanak ulit si mommy dahil may problema ang matris niya at delikado na.
" Mi ayoko pong sumama , hindi ba darating si daddy ngayon ? Gusto ko abutan niya ako sa bahay ." Pagdadahilan ko.
"Yel gabi na ang dating ng daddy mo at tiyak nandito ka na by that time. At himala na tinamad ka sa paglalaro ng badminton ! " pagtataka ni mommy.Hindi na ako makapag isip ng dahilan. Kaya umoo na ako kay mommy at nagsabing susunod na.
Paglabas ko ng kwarto, nakita kong nakatingin si Nel sa akin samantalang si Gary at Glenda ay sweet na sweet na nag uusap.
" Good morning Yel . " bati ni Nel na dahilan para mapansin ako nina Glenda at Gary.
Inismiran ko lang si Nel.
" Aba wala yata sa mood si bunso ." Sabi ni Glenda . Bunso kasi tawag niya sa akin.
Hahahaha...tawa ng dalawa.
" Bakit may nakakatawa ba sa tanong ko ?" Seryosong pagtataka ni Glenda.
" Wala may naalala lang kami ni Nel ." Sagot ni Gary.
Dinig ko ang tawanan nila dahil hindi pa ako nakakalayo papuntang bathroom para maghilamos. Kaya Binalikan ko sila .
" Hoy kayong dalawa kung pagtatawanan ninyo lang ako , tsupi...( tinaboy ko sila na parang nagpaalis ng aso at nagwagayway ng kamay ) pwede na kayong umalis at hindi ako sasama , sorry Glenda , wala ako sa mood ngayon . " at padabog akong tumalikod sa kanila.
Siya namang labas ni mommy mula sa kusina dahil naghanda ng almusal at take note inimbitahan pa niya ang mga kumag except Glenda, hindi siya isa sa mga kumag pero kasama siya syempre sa tinawag ni mommy." Ang bait talaga ni auntie, sige po hindi pa nga kami nag aalmusal . " at yumakap pa kay mommy si Gary.
" Salamat po tita ."sabi naman nina Nel at Glenda
Sige na kumain na kayo susunod na yang si Yel.
At tamang nakalabas na ako ng bathroom at nakapaghilamos na.
Nagkasalubong kaming apat habang sila ay papunta sa kitchen at ako ay sa room ko para magpalit ng damit.
Nauna si Glenda. Sa dalawang mokong. Nakangiti si Nel. At si Gary naman , parang biglang naging maamo ang mukha na nakatingin sa akin,
" Kiss muna ." At inilapit ang pisngi sa akin.
" Kiss ka diyan , ano ka sinuswerte ! Araw - araw pasko !" Pasuplada kong sagot.
" Hindi . Araw - araw valentine hahahaha." Panunuya pa nito.
" Nagbubungayan na naman ba kayo ?" Tanong ni mommy.
" Kasi auntie hindi na ako niyayakap at hinahalikan ni Yel mula kahapon kasi ..." Naputol ang sinasabi ni Gary dahil bigla ko siyang niyakap at sabay kurot ng maliit sa tagiliran...
" Hayan niyakap ko na siya Mi...kakatuwa di ba !" Sa tonong gigil na gigil.
" Araaaayyy.." daing nito .
At ngakatawanan sila dahil hawak ni Gary ang tagiliran niya dahil sa sakit ng kurot ko.
" Quits na tayo ." Bulong ko sa kanya sabay alis patungo sa kwarto ko.
" Pagpasensiyahan ninyo na si Yel, lalo na ikaw Gary dahil parang magkapatid na kayo niyan, ubod ng kulit ang batang yan pero napakabait naman at napakalambing .,," pagpapaliwanag ni mommy.
" E tita , may nanliligaw ba kay Yel na nagpupunta dito sa bahay ?" Tanong ni Nel.
" Aba Nel, may balak ka ba ? Sabihin mo na kay Auntie para alam niya hahaha." Tukso ni Gary
Namula si Nel at dinaan na din sa biro ang sagot ,
" Tita tutal e nasabi na po ni Gary , pwede bang ligawan ko ang bestfriend ko ? "