Pagpapakilala ng mga tauhan.
Si Yel ang nagsasaad ng kwento.Ako nga pala si Yel. Isang masayahing babae o Pilya in short . Sabi nila matalino at mabait ako , pero the sad thing hindi ako gaanong kagandahan huhuhu...pero may ganda din naman.
Si Gary naman ay isang kababata, na matanda ng isang taon sa akin at magkapitbahay as in kapit ang bahay nila sa bahay namin. Gwapo si Gary pero medyo presko , mayabang sa maikling salita.
Si Glenda ay isa ding kababata na isang bahay lang ang pagitan mula sa bahay namin. Maputi siya at may ganda namang masasabi. Kaklase siya ni Gary.
At ang isa pang tauhan ay si Nel. Rhyming names ang pangalan namin ,Yel , Nel. Kababata ko na patay na patay sa akin pero parang di naman siya talo but in fairness di hamak na gwapo kay Gary.
Tininnininnnngggg.....
Sisimulan ko na ang aking kwento. Ibukas ang mga mata para magbasa sa aking comedy ,romance , love story na minsan may drama para emote emote naman noh ! :-)
" Pssst, pssst." Ako ito si Yel nakatayo sa labas ng classroom at inaabangan ko talaga si Nel.
Lumingon naman sa matining kong pssst,pssst.
" Piso ko ? Di mo pa binibigay !" Singhal ko kay Nel na nakalatag ang kamay na hinihintay na ibigay ang piso.By the way ,elementary kami that time at madalas kasing binibigyan niya ako ng piso basta sabay lang kaming uuwi. Dun din siya sa lugar namin nakatira pero medyo long distance na.
Nagbigay si kolokoy.
" Basta sabay tayong uuwi ha ." Paawa effect nito.
" Oo naman noh, wala akong pamasahe pag di ako sumabay sayo."At sumibat na ako ng takbo patungo sa tindahan para bumili ng balitog na may asukal , ito po yung corn na Boy bawang ngayon, pero matamis , kaya Boy asukal siya nuon hehehe...
Araw - araw ganun ang scenario. Piso para sabay kaming uuwi. May kaya sa buhay si Nel at sobra - sobra ang baon.
Pag dating naman ng bahay, syempre magpapalit muna ako ng damit pambahay, mag mimirienda at gagawa ng homeworks. Yan ang routine ko na itinuro ni nanay.
Pag natapos ko na lahat yun heto ako.." Gar ! tawag ko kay Gary , sige na ipanguha mo naman ako ng bayabas ." Nandito ako sa bahay nila.
" Ang taas ng bunga , hirap kayang akyatin niyan ! " tutol nito habang gumagawa ng homework.Isang school lang ang pinapasukan naming apat. At crush ( kasi hinahangaan ko siya at gustung gusto ko siyang nakikita ) ko talaga si Gary from grade 1 till now na grade 5 ako at grade 6 na sila ni Glenda. Magkakasama pa din kami, palibhasa neighbor nga.
Sadyang makulit ako, hinila ko siya at pinilit na umakyat ng puno. Walang nagawa ang maamong tupa kundi sumunod. Tuwang - tuwa ako ng makakuha siya ng mga bayabas.
" O hayan, siguro naman uuwi ka na , dami pa akong homework !" Sabi nito na mukhang nakukulitan sa akin.
" Hindi pa ako uuwi ." Tugon ko .
" Ano ? Hindi ka pa uuwi, e hayan na ang bayabas mo !" Nagtaas na siya ng boses.
" Basta gusto ko dito muna ako, panonoorin kitang gumawa ng homework ." Pamimilit ko.
Wala siyang nagawa , pumasok na ng bahay at nakasunod ako hawak ang bayabas.
Seryoso si Gary sa pag- aaral , tulad ko din naman sadyang makulit lang ako.
Habang pinapanood ko siyang tinatapos ang mga homeworks niya nakaupo lang ako at sige ang kain ng bayabas.
Sa wakas natapos din.
" Gar tara labas tayo , laro tayo ng tumbang preso." Pagyayaya ko dito.
" Hay naku Yel, kukutusan na kita, sige antayin mo ako sa labas, magpapalit lang ako ng sando ." Utos nito.
" Sama ako !" Panunuya ko.
" Ano ? Sasama ka ? Sabi ko magpapalit ako ng sando,maghuhubad ako ng damit, sasama ka ?" Paglilinaw nito.
Tumango pa din ako.
Hindi na nagpalit ng sando si Gary at hinila na niya ako sa labas.
Naghihintay na din ang ibang kalaro namin nanduon na din si Nel.
" Teka lang ha ,tatawagin ko muna si Glen ( short for Glenda )." Paalam nito.
Akmang sasama sana ako ng hinila ako ni Nel at ibinigay ang balitog na may asukal.
" Pinabili ko kay mama, di ba paborito mo yan ?" Sabi nito.
" Salamat . Bukas wala na akong piso ?" Tanong ko na nakanguso.
" Meron pa din hahaha." Paniniguro naman nito.
Kinurot ko ang ilong ni Nel, at naupo muna ako at kumain ng balitog.
Naupo din si Nel sa tabi ko habang inaantay namin sina Gary at Glenda.
" Yel, crush mo si Gary ano !" Prangkang tanong ni Nel.
Muntik kong malulon lahat ng balitog sa bibig ko...
Nguya,nguya, at nguya pa... bago ako nagsalita.
Hinampas ko siya sa balikat.
" Grabe ka naman , anong crush ! Hindi ah ! Close lang kami kasi magkaibigang matalik ang mga pamilya namin . Bakit ? Selos ka ano , kasi crush mo ako hahaha." Pilya kong sagot.
" Oo crush kita ." Diretsong sagot din nito.
" Kaya ba lagi mo akong binibigyan ng piso ?" Tanong ko.
" Oo kasi gusto ko lagi tayong sabay para nakikita kita lagi ." Paliwanag nito.
" Ay ganun...akala ko kasi sobra lang ang baon mo, akala ko si Gary ang crush mo hahaha." Pilya kong sagot.
" Hoy, hindi ako bakla. Grabe ka ha. " pagdepensa nito.
At nagkatawanan na kami..
Hahahahaha.############
Nagsimula na kaming naglaro kasi kumpleto na kami.
Masaya kaming lahat palibhasa bata.
Ito lang ang tanging libangan namin nuon, wala pa kasing computer , tablets o cellphones.
Malayo pa sa radiation ang mga utak namin kaya diretso lang ang mga tanong at sagot.
Di uso ang pakiyeme kasi nga bata...
Pero kahit bata marunong na kaming humanga, marunong na ding masaktan...syempre noh ! Yan ang function ng puso natin ; MAGMAHAL AT MASAKTAN.Sana magustuhan ninyo ang kwentong ito...mga kapilyahan ni Yel at ang rise and fall niya....