Past 5 na ako nag out at totally ko ng nakalimutan ang pinag usapan namin ni Gary, hindi naman kasi ako seryoso.
Inaayos ko na lahat ang gamit ko nang...
"READY ?" Nakangiting tanong ni Gary .
" Ha?" Nagulat ako , tutoo pala ang paanyaya nito.
" Ready for what ? " pagmaang - angan ko.
" Bestfriend ko naman, hindi ba magdidinner tayo ngayon ?and you already said Yes."at kinuha nito ang bag ko at hinila na ako palabas ng office.
" Hoy ,bitiwan mo nga ako at akin na ang bag ko, baka may makakita sa atin at ano pa ang isipin."
" No worries my beautiful bestfriend ,nakauwi na po lahat ang mga tao dito , kaya kahit yakapin pa kita dito at halikan , walang makakakita hahaha ." Panunukso nito.
Hindi ko alam kung anong kaba , saya o takot ang naramdaman ko sa sinabi ni Gary.
" O , natulala ka diyan , siguro hinihintay mo na ang halik ko noh !" Preskong sabi nito na sabay kindat pa.
Hindi pa din siya nagbabago, siya pa din ang crush,puppy love , first love o bestfriend ko na masungit at self conceited pero lalo siyang gumwapo.
" Excuse me , ako ang nanghahalik at yumayakap sayo hindi ikaw ano ?" At paismid na akong naglakad sabay kawala sa kamay niya.
Hindi ko maintindihan bakit bigla kong nasabi yun sa kanya. Para kasing nagbalik yung dati naming tuksuhan.
" Yel , dito ." At binuksan pa ni Gary ang pintuan , next to the driver seat ng pula niyang toyota vios.
Sumakay na ako at akala ko isasara na niya ang pinto ng car pero nagulat ako kasi akmang hahalikan yata ako kaya...
" Gary ...stop it !!! "
" Anong stop it, dapat maisuot ko sayo ang seatbelt para safe ang bestfriend ko." Paliwanag nito habang hinihila niya ang seatbelt.
Napahiya ako sa sarili ko. " Shit , Yel ano ba itong nangyayari sayo. Bakit ? Nageexpect ka ba ng halikan mode ? Bulong ng isipan ko." O , natahimik ka na naman. Iniisip mo ba si Nel ? Na baka may ibang kasama ? Hahaha..." pang uuyam ni Gary.
" Tse ! Tumigil ka noh ! Love na love ako nun at never niya akong ipagpapalit. " sagot ko.
" Teka , kayo ? Kumusta na ? Si Glen ? Siguro malaki na ang baby ninyo noh !" Sunud - sunod kong tanong.
Hindi siya kumibo, at nagbutunghininga lang.
Di kalayuan ang seafood grills na kakainan namin kaya bago pa ako nakapag tanong ulit ,naipark na niya ang car.
" Ooops...huwag ka munang bababa." Bawal ni Gary sa akin.
At bumaba siya ng car.
" Now , give me your hand at aalalayan kitang bumaba ."ito ang hindi ko nakitang katangian ni Gary nuong kabataan namin. May pagka sweet din pala ang mokong at gentleman hehehe.
" Wow ha ! Ikaw ba yan bestfriend ko ?" Nakangiti kong tanong.
" Thank you ." Pahabol ko pa.
" Good evening Engineer , good evening Mam." Bati ng mga crew. Dinala kami sa table for 2 sa may corner at dim light.
Inalalayan pa niya ako sa pag -upo.
Ilang segundo lang, dumating na ang mga foods. At halos lahat ay mga paborito ko, king crab, shrimps na ewan ko kung anong luto ito hehehe...at ceasar salad na talagang all time favorite ko din. Wala ng menu , menu ha.
" Talagang hindi mo na ako tinanong kung ano ang gusto kong kainin ha ! At ikaw talaga ang nag order...what kung hindi pala ako sumama ? E , di nasayang lahat ito !" Pagtataray ko na naman.
" Hep , wala ba akong kiss ? Kasi diba nung bata tayo kapag natutuwa ka , niyayakap at hinahalikan mo ako, hahaha." Kindat pa ni Gary sakin.
" At hindi yan masasayang kasi sa ayaw at sa gusto mo isasama kita hahaha." Dugtong pa nito.
" Nuon yun, bata pa tayo, ngayon iba na. At nuon , dead na dead ako sayo , ikaw naman deadma lang at pinagsusungitan mo ako lagi hhhmmppp." At sabay kaming nagkatawanan ....Natapos ang pagkain namin na puno ng mga baliktanaw kaya di ko namalayan na past 10 na pala kung hindi lang nag ring ang phone ko..
" Hello babe, where are you now ? Am home." Si Nel.
" Babe pauwi na ako." Maiksi kong sagot.
" Ok babe ingat ka, do you want me to pick you up ?"
" No, i'm ok. " halos di ko alam kung ano ang isasagot ko.
" Ok then , see you later , I love you babe."
" I love you too babe." Sagot ko habang nakatingin ako kay Gary at kitang kita ko sa mukha niya na lumungkot ito.
" Well...we have to go Gary , nasa bahay na si Nel. Thanks for everything . " at tatayo na ako ng pigilan ako ni Gary.
Maya - maya pa ay lumapit sa amin ang waiter na may dalang bouquet of roses.
Iniabot ito kay Gary. I thought its for His wife pero nagulat ako ng iabot niya ito sa akin.
" This is just an appreciation Yel for being with me. Thank you so much." Seryosong sabi ni Gary.
Nagdalawang isip ako kung tatanggapin ito o hindi pero nag effort siya for this at para namang napakabastos ko kung hindi ko ito tatanggapin and besides wala naman ibang kahulugan ang pagbibigay niyang ito sa akin.
" Thank you, I also appreciate." At nakangiti kong kinuha ang boquet.
" Ok , I have to go, magtataxi na lang ako." Pagpapaalam ko.
" No. I will bring you home para magkita din kami ni Nel." Pigil ni Gary.
" Gary sobra , sobra na yun. Need mo na ding maka pag rest." Tanggi ko habang palabas na kami ng pintuan.Pero nag insist si Gary kaya pumayag na din ako at baka nga matuwa si Nel na magkita ulit sila ng dating kaibigan at bestfriend din.
Malapit na kami sa bahay just 300 meters away nang ihinto ni Gary ang car.
" Gary , why ? Is there something wrong ?" Worried na tanong ko.
Hindi siya sumagot. Nakatitig lang sa akin. Hindi ko natagalan ang mga tingin niyang yun.
" Let's go." Na may kaba na ako sa dibdib.
"Yel pleeeaase...may I beg ...can I give you a hug ?"
Pagmamakaawa nito.
Nanlamig ang buong katawan ko...hug ? Humihingi siya ng hug ? Hindi tama ito. May asawa na kaming pareho...pero bago ako nakakilos at sagot nayakap na ako ni Gary.
Napakahigpit. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang itulak man lang siya o alisin ang pagkayakap sa akin. At ng irelease niya ako hinalikan niya ako sa noo at
" Yel , I still love you ...at kung alam mo lang gaano kahirap na alisin ka sa puso ko. I am stupid guy, sana nuon pa , binigyang pansin na kita. Nabuhay ako sa self denial. So, this is the consequence, napunta ka sa iba." Mahabang paliwanag nito.
Wala akong maisagot kundi,
" Let's go Gary."
At nakarating na kami sa bahay. Bukas pa ang ilaw which means gising pa si Nel.
Hindi na namin nakuhang kumatok dahil binuksan na niya ang main door.
Nakita ko ang pagkagulat niya ng makita si Gary.STOP MUNA PO TAYO...MAY KARUGTONG PA...
ANO KAYA ANG MAGAGANAP SA PAGKIKITANG MULI NG MAGKAKAIBIGAN ???Pasensiya na po at napakatagal bago na update sobrang busy sa work...thanks sa patience...