Wala pa din ?

17 1 0
                                    

After the wedding, the honeymoon , ngayon back to normal life na kami ni Nel but this time may responsibilidad na kami sa bawat isa.

First day ng pasok ni Nel sa office after a week of break.
Inulan siya ng kantiyaw o tuksuhan.

" Pre , parang kulang pa ah ! " tukso ng isang agent.
" Hahaha ...oo nga parang wala pa sa mood magtrabaho si Sir. " biro naman ng isa sa mga tauhan niya, si Ted.
" Kayo talaga, back to work na tayo. Pag di ninyo ako tinigilan kayo ang tatapos ng lahat ng trabaho dito at uuwi ako hahaha." Masaya namang biro ni Nel.

Samantala, ako naman ay ganun din ang naranasan sa mga office mate ko.

" Yel masarap ba ?" Bulong ni Elsie isang architect na liberated ang pag iisip.
" Uy ,may dalaga pa dito ibulong mo na lang ang sagot Yel hahaha." Dugtong naman ni Sheena, isang interior designer din.
Namumula ako sa mga biro nila at nangingiti na lng. Ng biglang dumating ang Manager namin.

" Welcome back Yel." Bati nito.
" Thank You Mam." Nakangiti kong sagot.
" By the way , next month may darating tayong mga bagong engineers at architects na makakasama ninyo. At may mga nakuha tayong mga new projects. So , sad to say by next month you will be working as different teams in the field. Is this clear ? No any problems ? " pagtatanong ng manager namin.

Syempre lahat kami agree. May magagawa ba kung ayaw namin ?

" Uy Yel , what kung may binhi ka na, di ka kaya mahirapan ? " pangungulit ni Elsie.
" Els, tigilan mo na nga si Yel noh ! " bulyaw naman ni Sheena.
" Ok lang, tama naman si Elsie hindi kaya ako mahirapan ? Hhhmmm...bahala na." Nagkibit balikat na lang ako.

Di nawala sa isip ko ang sinabi ni Elsie. Oo nga what kung buntis na pala ako. Gusto ko din namang magkaanak pero not this time kasi marami pa kaming plano ni Nel.

Hanggang makauwi ng bahay dala - dala ko ang palaisipan na yun.

Nauna akong umuwi kay Nel kasi may conference pa sila with the PNP generals. Kaya nagluto na ako ng dinner namin.

Matapos magluto nahiga muna ako para makapag pahinga.

" Sa field kami at sa init ng panahon ngayon, my gosh sana makaya ko at sana huwag muna ngayon. ( na ang tinutukoy ko ay ang pagbubuntis ko).

Nasa ganoon akong pag mumuni muni ng magbukas ang pinto ng kwarto.

Tumayo ako para salubungin si Nel.
" How is my husband ? How is your day babe ? " habang inaalis ko ang long sleeves niya at iniabot ang t-shirt.
" Hhhhmmmm...pahalik nga sa napakaganda kong mrs.
I'm ok though napakaraming pending works. I miss you babe." At niyakap ako.

" Tamang - tama yung green salad at beef steak na niluto ko for dinner para makalimutan mo muna ang pagod...pero lumamig na yung beef steak iinitin ko sandali ha , sunod ka na lang para makapag dinner na tayo. " At lumabas ako ng kwarto.

Habang nagdidinner kami ni Nel napansin niyang malalim ang iniisip ko.

" Babe are you ok ? May problema ba ? Masama ba ang pakiramdam mo ?" Sunud sunod na pag aalala ni Nel.
" I'm ok babe. Siguro napagod lang ako at iniisip ko lang kasi yung bagong project namin. Next month sa field kami ." Medyo matamlay kong kwento.
" Babe if you don't feel ok with that mag resign ka na lang. " hikayat ni Nel na bahagyang huminto sa pagkain.
" No babe I can manage. Iniisip ko lang baka kulangin na ang oras ko sayo. Hay naku babe , kain na tayo at mamaya na natin pag usapan ito ok. "

Matapos naming mag dinner nanood muna kami ng tv. At ng makaramdam ako ng
antok ;
" Babe , I feel sleepy na."
"Ok , tulog na tayo. " at binuhat ako ni Nel going to our bedroom.

The next day , ng magising ako wala na sa tabi ko si Nel.

Sa isip ko baka pumasok na siya sa work at di na ako ginising...naku kawawa naman ang asawa ko.

Pero ng papalabas pa lang akk ng kwarto naamoy ko na ang amoy ng longanisa. Dumiretso ako sa kitchen.

" Good morning babe, breakfast is ready. " at hinalikan ako ni Nel sabay hawak sa kamay ko at iniupo na ako sa upuan...

Take note : hindi ko na nakuhang maghilamos man hahaha...

" Babe thank you. Dapat ako ang gumawa nito eh, sorry ha napasarap ang tulog ko." Nahihiya kong sabi sa asawa ko.
" Shhh...just eat ok...it's my pleasure babe na paglingkuran ka din. " at sinubuan pa ako ng fried rice at longanisa.

Ganun kami ka sweet ni Nel. Kung sinong may free time siya ang kumikilos kaya hindi naging mahirap para sa amin ang buhay may asawa kasi tulungan kami.

Mabilis na lumipas ang araw.

Isang weekend ;

" Babe , wala pa din ba ? " paglalambing ni Nel na sabik ng magkaanak kami.
" Babe wala pa din eh ! Alam ko gusto mo na ding magkaroon ng baby , ganun din ako pero babe hindi pa siguro panahon lalo na malapit na akong ma assign sa field." Habang nilalaro ko ng daliri ko ang buhok niya sa may tenga.
" Excited lang kasi ako Babe. Pero hindi bale darating din ang angel natin in the right time kaya dapat since weekend , bubuuin natin siya ulit hahaha." At sinimulan na akong halikan at romansahin ni Nel na syempre naman ginantihan ko din at tinugunan ng maiinit na halik, yakap at haplos.
At nagsimula ng mag alab ang damdamin at katawan namin....mga halik na maiinit, kamay na gumagapang at naglalaro kung saan saan....

Hep , hep... bigyan natin sila ng privacy ...

Comment , comment lang po kung ano at paano ko pa kayo mapapasaya sa pagbabasa ng story ko. Paumanhin sa mga maling grammar ...
May karugtong po at magsisimula na ang conflict.

Thanks for reading :-)

Pahiram ng Bestfriend ko !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon