Tama si Noemi , hindi na malaya si Gary , at ang pinili kong mahalin ay si Nel , kaya dapat lang na full time na ako sa boyfriend ko.
Hay , ang bilis ng araw. Sa buong linggo ,marami din kaming natapos at next week bababa na kami ng Pangasinan at full force na kami para sa renovation ng resort.Krriiiinnnggg....
Krriiiinnnggg...." Hello Babe , makakapunta ka ba sa kasal nina Glenda at Gary ? I'll see you there ok. Promise after the wedding babawi ako sayo. " si Nel na sa boses ay puno ng excitement at paglalambing.
" Oo naman syempre ,hindi naman ako pwedeng hindi sumipot , kasama tayo sa entourage. Naku , hayan ka na naman babe , babawi then , bigla ka na naman mag didis appear na parang bula. " tono ng boses kong nagtatampo.
" No , promise makakasama mo ako ng buong weekend. " paniniguro ni Nel.Nangingiti ako matapos kaming mag -usap ni Nel.
" Yan ganyan girl , smile lang. Huwag kang bitter hahahaha.." bati ni Noemi.
" Maka bitter ka naman friend grabe ! Ikaw ha , ako na lang sinubaybayan mo hahaha..." pagbibiro ko naman.
" Pero bakit ka ba nangiti ? " usisa pa ni Noemi.
" Wala lang , happy lang ako kasi sabi ni Nel babawi siya sa akin. " nakangiti kong sabi kay Noemi.
" O yun naman pala girl. O , di ba ? He is trying to be a good boyfriend naman . Ikaw na ! Hahaha..." at kinindatan ako ni Noemi.Honestly , kaya nangiti ako , namiss ko kasi ang kasama si Nel at ang maiinit niyang halik. Ewan ko ba , syempre tao lang tayo at hindi na din bata para hindi makaramdam ng init ng katawan sa minamahal natin di ba ? I will try my best and do everything para mafocus lahat ang attention ko kay Nel. Besides , he is my boyfriend. Si Gary , puppy love na lang siguro talaga. Kailangan kong labanan ang nararamdaman ko , kahit pa isinisigaw pa din ng puso ko si Gary.
Trabaho , trabaho at trabaho pa sa buong linggo ng buhay ko sa Baguio. At finally , Friday na.
Excited na akong umuwi. Dahil ba kay Nel o dahil sa kasal ? "" Girl hindi pa ba nabura ang mga numero diyan sa relo mo,kanina ka pa tingin ng tingin ng oras ah ! Don't worry girl thirty minutes na lang , makakauwi ka na , hahaha ." Panunukso ni Noemi.
Nginitian ko lang si Noemi.At time is up. Time to pack up. Mabilis akong kumilos para mailigpit ang mga gamit ko sa table ko. Nagpaalam na ako kay Noemi at sa iba pang kasamahan namin sa office.
Dumaan lang ako sa tinutuluyan kong apartment para kunin ang ibang gamit ko at bumiyahe na ako.
Samantala , abala na ang lahat para sa kasal nina Gary . Sabado kasi ng 10 in the morning ang kasal. Sinisiguro na ng mga kamag - anak nina Glenda at Gary na maayos at kumpleto na ang para sa okasyon bukas.
Maaga akong nakauwi ng bahay, it's only 8 o'clock.
" Helllloooo dad , miss you ." At yumakap at nagmano ako kay daddy.
" Miss you too my princess. Kumusta na ang trabaho mo sabi ng mommy mo nag eenjoy ka naman , and I think yes , kasi kita sa katawan mo hahaha ." Puna ni daddy sa akin dahil medyo nag gain ako ng weight.
" Dad , ok na po sana eh ! Kaya lang binati ninyo pa pagiging malusog ko, pero konti lang itinaba ko noh ! " at nag spout ako na nakaugalian ko na.
" O iha nandito ka na pala. Nabilhan na kita ng pang regalo para kina Gary at Glenda." Si mommy na may dalang beer for dad . Bago kasi matulog si dad umiinom siya ng 1 bottle of beer.Nagmano ako kay mommy at humalik then nagtuloy ako sa kwarto ko para magpalit ng damit.
Beep...beep...beep...
" Babe susunduin kita bukas ha, sabay tayo sa pagpunta ng simbahan. Kadarating ko lang kasi kaya hindi na ako makakadaan diyan ngayon. I love you babe." Message ni Nel.
Sinagot ko naman.
" Ok thanks. See you tomorrow. I love you too."Gusto ko na din kasing magpahinga ,napagod ako sa biyahe at gusto kong mag beauty rest para sa kinabukasan.