Once Again

17 0 2
                                    

" Gary ! " pagkabigla ni Yel.
" Magkakilala kayo ni Chief ?" Pagtatakang tanong ni Alfred.

Si Gary ang sumagot.
" Oo , kababata ko si Yel at bestfriend. Nag - iisang bestfriend ko." Na nagniningning ang mata at parang nakahalata si Alfred sa ipinakitang reaksiyon ni Gary.

" Ehemmm...ah ok Chief. Gets ko na ." Nakangiting tugon ni Alfred at biglang tinitigan ako nito at kumindat pa bago nagpaalam.

Naiwan kami ni Gary. Halos hindi ako makapaniwala. Kasi ba naman ,napakatagal ng panahon na hindi kami nagkita o nagkabalitaan man lang. At ngayon heto siya , nakatayo sa harapan ko.
And in fairness , paningin ko napakagwapo niya lalo.

" O, Yel , enough. May kanya - kanya na kayong buhay. Tama na yang daydreaming mo." Pagkalma ko sa sarili ko.

" Yel, hello , ok ka lang ? Bakit parang natulala ka diyan ? Naguwapuhan ka ba sa akin ?" Pagbibiro ni Gary na as usual may kahanginan pa din.

" Excuse me, Chief Engineer, parang mali yata ang narinig ko ! Isa lang ang gwapo para sa akin , yun ay ang asawa ko , si Nel." At inismiran ko siya.
Pero in fairness , ang gwapo niya ngayon, at ganda ng pangangatawan.

" O , hindi mo ba ako yayakapin man lang hahaha..." pabirong tanong ni Gary.
" Hoy , hindi porke ikaw ang chief engineer dito pwede mo ng sabihin ang gusto mo, at isa pa hindi na tayo bata." At akmang tatalikod na ako para layuan na siya ng biglang hinawakan niya ang kamay ko.
Nagkatitigan kami. Hindi ko maipaliwanag ang gumapang na kilabot sa buong katawan ko.
Si Gary ang biglang bumitaw.
" Oh , sorry Yel , nasanayan ko lang na laging nakahawak sa kamay mo nuon. Sorry nga pala hindi ako nakadalo nung kasal ninyo ni Nel."

" Ok lang . Sige na kailangan ko ng magtrabaho , maraming dapat ayusin at anuman ipag utos ninyo chief , nasa field lang kami." At iniwan ko na si Gary.

Bilis ng kabog ng dibdib ko at tibok ng puso ko habang mabilis din akong naglakad palayo. Kay Gary.

" Yel gising , gising . " bulong ko sa sarili ko.

Nasa kalagitnaan na ako ng pag ka busy ko sa trabaho ng

" Yel , pwede ka bang maimbitahang mag dinner mamaya ? " si Gary na may pagka maginoo na nakangiting lumapit sa akin.
" Ah , kasi ..." hindi ko natapos ang isasagot ko ng mag ring ang cellphone ko.
" Excuse me." At sinagot ko ang phone.
" Hello babe, hindi ako makakauwi ng maaga ngayon baka late na at dito na ako sa office mag didinner kc nandito c General Henarez. "
Si Nel ang nasa phone.
" Ganun ba , o sige uuwi na lang ako at kakain mag -isa." Sagot ko
" Babe nagtatampo ka ba ?" Paglalambing ni Nel.
" No, I'm ok babe."
At pinutol ko na ang pag- uusap namin.
" So , ? Wala ka palang kasamang kakain, o di perfect timing ako ." Nakangiting pangungulit ni Gary.
" Hello chief , tsismoso ka din pala ano ? At ok lang ako , sanay akong kumain mag -isa." Pagtataray ko.
" Ok , kung ayaw mo di kita pipilitin... pero luluhod ako dito at ipagsisigawan na iniinvite kita for dinner." At akmang gagawin nga ni Gary.
" Hoy ! Tumayo ka nga diyan...sige na nga I'll go with you for dinner ."
" Thanks bestfriend ko ." At kumaway pa ito bago ako tuluyang iniwan.

Ano kaya ang mangyayari o magaganap sa dinner date ng mag bestfriend ?

Thanks for reading at pasensiya na po sa napakatagal na update. Busy sa work...

Pahiram ng Bestfriend ko !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon