Habang kumakain kami, minsan nagkakasabay pa ang pag aalok ng food sa akin nina Nel at Gary.
Na ikinaiirita ni Glenda. Halata sa mukha niya ang inis. Sorry siya, Ako ba ang magkaroon ng dalawang bestfriends....hehehe.Ng matapos ang kainan.
" Rest muna tayo ha , hirap kayang lumangoy na busog." Sabi ko.
" Nel , Glen maiwan muna namin kayo sandali ha may pupuntahan lang kami ni Yel ." At bago pa nakasagot ang dalawa hinila na ni Gary ang kamay ko palayo.Gulat na gulat din ako.
" Hoy , saan mo ako dadalhin ? Saan tayo pupunta ? Bibilhan mo ako ng ice cream ? Wow ! Type ." Sunud - sunod kong sabi." Kung may makikita tayong ice cream oo, bibilhan kita. Maglalakad lakad lang tayo para matunaw ang kinain." Sa masungit na boses.
" Helllloooo...papagurin mo lang ako sa paglalakad ? Bakit di natin sinama sina Nel at ang girlfriend mo , si Glenda ?"Hindi ito sumagot , hila hila lang ako sa kamay. Medyo malayo na kami sa cottage namin, at nakaramdam ako ng pagod.
" Gar , dito na lang tayo, saan ba tayo pupunta pagod na ako noh ! " at naupo ako sa buhanginan.
Bigla niya akong binuhat na ikinagulat ko pero ikinakilig ko. Kunwari ayoko pero nakapalupot na ang mga kamay ko sa batok niya.( syempre para hindi ako mahulog noh ! )
At di ko napigilan ang sarili ko humilig pa ako sa balikat niya." Yel mis ko yan ! " bulong nito sa akin.
" Alin ?" Maiksi kong tanong .
" Ang paglalambing mo, ang pag yakap yakap mo sa akin ! " paliwanag nito na seryoso at mahinahon ang tinig.
" Oh , really ??? Talaga lang ha...excuse me hindi ako naglalambing sayo noh ! Takot akong mahulog kaya nakakapit ako! " kunwa'y palusot ko pa.Siguro nabigatan na siya sa akin kaya marahan niya akong ibinaba at naupo kami sa buhangin.
" Bakit uupo lang pala tayo at buhangin din naman ang uupuan natin , e , nagpakalayu layo pa tayo ha ? " pagusisa ko.
" Wala lang gusto lang kitang masolo ." Seryosong sagot ni Gary at nakatitig sa akin.
" Hoy, bakit mo ako tinititigan ha ! Siguro gandang ganda ka na sa akin noh ! Ano , gusto mo na ako ? " diretso kong tanong kay Gary.
" Nagagandahan ? OO . Gusto ? Pinagiisipan ko pa ." At kumindat pa ito.
"Ah ganun..." at akmang tatayo ako subalit pinigilan niya ako.
" Saan ka pupunta ?" Tanong nito habang nakahawak sa kamay ko.
" Babalik na sa cottage noh ! Alangan namang umuwi ako ." Pairap kong sabi.
" No, dito ka muna ." At hinila niya ako para maupo ulit.
" Yel , kayo na ba ni Nel ?" Seryosong tanong ni Gary.
" Kami ng ano ? Bestfriend ? Oo. Di ba alam mo naman yun. Dalawa kayong bestfriends ko ." Habang nakatingin na mga batang naglalaro na di kalayuan sa amin.
" I mean kung sinagot mo na siya sa panliligaw niya." Dugtong pa nito.
" Malapit na. Kasi ang bait bait ni Nel, hindi MASUNGIT ( talagang binigyang diin ko ito ) at hindi MAYABANG ( madiin na bigkas ) ."
" Owww! So sasagutin mo siya ?" Tanong ulit ni Gary.
" Bingi ka ba ? Sabi ko malapit na ang ibig sabihin oo, bakit may angal ka ? " at tinitigan ko siya.
" Ah ok. Wala naman. " maiksing sagot nito na may lungkot.Nagyaya na akong bumalik ng cottage. Kasi ito lang pala mga tanong nito. Akala ko pa naman Sasabihin niyang Yel , nagssisisi ako si Glenda ang niligawan ko, sana pala ikaw na lang,,, Yel sana ikaw na lang ang Girlfriend ko...
Oh , Yel fantastica ka talaga ! ( ibig sabihin , mahilig magpantasya ) hindi po fantastic...Sa cottage si Glenda ay nakasimangot na , pero si Nel ay mukhang nakatulog. Pinakatitigan ko ang bestfriend ko din, wow ha ! Cute pala talaga si Nel.
Ewan ko ba hindi ko napigilan ang sarili ko at nilapitan ko si Nel at hinalikan sa pisngi. Siguro likas lang akong malambing.
Ikinagising nito ang napakaliit na smack ko sa pisngi niya.
" Let's go Nel , swimming na tayo !" At hinila ko na siya papuntang dagat.Samantala itong Gary naman sige ang suyo kay Glenda.