Nasaan si Glenda ?

15 0 0
                                    

Nakapagpalit na si Gary ng kanyang shorts at tulad ng dati na lagi niyang suot isang puting sando ang kanyang pang ibabaw.
" Bakit ka pa nagpalit ng damit ? I need to go Gary please. I promise to my husband na mag didinner kami at magluluto ako for him." Pagsusumamo ko.
Naupo si Gary sa may gilid ng kama habang ako ay nakaupo sa isang couch. Magkaharapan kami.
Matagal na katahimikan habang nagtititigan lang kami.
Hindi ko natagalan ang mga titig niya kaya ako ang bumasag ng katahimikan na iyon.
" By the way , nasaa na pala si Glenda ? Ang baby ninyo , kumusta na ? Siguro ang laki na niya ?" Mga sunud -sunod kong tanong.
Malalim na buntunghininga ang isinagot ni Gary at tumayo ito , kumuha ng isang beer in can sa refrigerator .
Bumalik siya sa pagkakaupo.
Habang iniinom ang beer,
" Yel matagal na kaming hiwalay ni Glen. Nag pa annul kami ng kasal namin ."
Ikinagulat ko ito pero bigla akong naging interesado.
" Whhhaattt ??? Bakit ? Anong nangyari ? Ang anak ninyo ,kasama niya ?"
" Alam ko mahal ko si Glen at ang anak namin , pero hindi ko maitago na mas nananaig ang pagmamahal ko sayo Yel."
Tumawa ako ng malakas.
" Please huwag mo akong pagtawanan." Seryosong tugon nito.
" Natawa ako dahil sa sinabi mong nanaig ang pagmamahal mo sa akin ?"
"Oo, naramdaman ko ang pangungulila at madalas na ikaw ang hinahanap ko, at ang iyong pangalan , madalas ko itong nababanggit na pinagmumulan ng away namin ni Glen."
Hindi ako makakibo.Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko din maipaliwanag ang nararamdaman ko, natutuwa ba ako ? Nalulungkot ?
Nagpatuloy si Gary habang halos paubos na ang iniinom na beer.
" Gary , tama na ang isa ha kasi magmamaneho ka pa."
Paalala ko.
Nagpatuloy lang ito sa pagkukuwento na parang hindi ako narinig.
" Napadalas ang away namin. Nalaman na din ng mga magulang niya. Hanggang inamin ko na sa kanya na Ikaw Yel ang talagang mahal ko. Oo , alam ko nasaktan siya ng labis. Sinampal niya ako at nagpasya siyang umalis ng bahay kasama ang anak namin. Umuwi siya sa mga parents niya. Sinubukan din nina mommy na ayusin kami pero ayaw na niya at maging mga parents niya. Ayoko na din naman kasi hindi ako masaya . Kaya yun ang naging grounds ng annulment ng kasal namin." Mahabang pagsasalaysay ni Gary, tumayo at nagbukas pa ng isang beer.
Tumayo din ako sa kinauupuan ko para pigilan siya sa pag -inom.
" Gary please give me that, tama na ang isa ok." At sinubukan kong kunin ang beer sa kanya.
" Nope , isa na lang ." Nakangiting sabi nito at itinaas ang kamay na may hawak na beer.
Pinilit kong abutin ito.
By the way , madalas kaming ganito nuong mga bata pa kami. Itataas niya ang mga bagay na gusto ko at ipaaabot niya sa akin..
Pinilit kong tanggalin sa kamay niya ang beer...
Tawa siya ng tawa,habang inaabot ko ang beer in can at ng maabot ko , hindi sinasadya nabuhusan ako ng beer.
"SHIIITTTT!!!" Sigaw ko.
Basang basang ang mukha,buhok ko pati na ang damit ko.
Manipis lang kasi ang suot kong blouse at hiyang hiya ako dahil naaninag ang bra ko dahil sa pagkabasa. Hindi ko alam paano ko ito ikubli.
" Duon ka , lumayo ka sa akin ! Paano ako nito...wala akong dalang damit ! Kasalanan mo ito Gary ! Pinaliguan mo ako ng beer ! Ang tigas ng ulo mo! Hanggang ngayon pinaglalaruan mo pa ako ! "
Sunud -sunod kong sabi habang nakatakip ang mga kamay ko sa aking dibdib.
" Hey , calm down... Sorry Yel, I don't mean it. Sabi ko kasi sayo , isa na lang ,pero sa kagustuhan mong mapalapit sa akin at mahawakan ako, kunwari kinukuha mo ang beer , hahahaha ! "
Pang -iinis pa ni Gary.
Hindi ko napigilan ang sarili ko parang nagbalik ang kabataan namin.
Pinagpapalo ko siya habang sige ang tawa niya.
Sinundan pa niya ng ...
" O , yung tinatakpan mo, kita ko na,sexy pa din pala ang bestfriend ko. Hahahaha." Muli niyang tawa.
Sa pagkapahiya ko muli kong tinakpan ang dibdib ko ,
"Gary nakakainis ka na ha...I need to have shower ." Sabi ko na maluha luha na kasi paano ako nito. Wala akong damit.
Napansin ni Gary ito. Nagseryoso siya.
Kumuha siya ng towel, lumapit sa akin binalot niya ang towel sa may upper part ko at ikinulong niya ako sa kanyang mga bisig habang hawak ang towel. At inalalayan ako sa bathroom. Hindi ko maramdaman na magalit sa kanya. Parang ikinasiya ko pa ito. Siya ba si Gary na bestfriend ko at ubod ng sungit nuon.
Nang marating ang bathroom, he opened the door for me.
At nakatayo lang siya doon.
" O , bakit nandiyan ka pa ? Isasara ko po ang pinto kasi maliligo ako." Pabulyaw kong sabi.
Nagkibit balikat lang ito at ngumiti.
" Babantayan sana kita eh ! Baka may kailangan ka pa." Pahabol na sabi nito.
" Wala na po. Salamat po. " at isinara ko na ang pinto ng bathroom.
In fairness napakaganda din nito at kumpleto ang gamit . Napasarap ako ng shower until  I realize WALA AKONG DAMIT NA ISUSUOT !!!!!

Abangan po ang susunod na part. Sorry Readers natatagalan ang pag update..

Pahiram ng Bestfriend ko !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon