Ikaw ?

9 0 0
                                    

" Well , are you all ready to a new challenge ? " boses ng big boss na ang tinutukoy ay ang pagpunta namin sa field.
Nagkatinginan ang lahat at sabay -sabay kaming sumagot ng " Yes we are all ready ." At nagkaroon ng konting tawanan.
Nagsimula na naming ayusin ang mga gamit na dadalhin.

" O Yel , alam ba ni Nel na sa field ka na ? Ok lang ba sa kanya ?" Sunud -sunod na tanong ni Sheena.
" Oo , nasabi ko na sa kanya at sabi niya kung hindi ko kaya I can leave the job. Pero masaya ako sa trabaho ko at since wala pa namang bunga sasamantalahin ko na muna ang pagtatrabaho." Paliwanag ko at maya - maya lang ay nagsimula na ang lahat na sumakay ng service car namin.
Medyo malayo din ang Batangas at alam kong gagabihin na ako ng balik sa bahay. Paano na si Nel ? Kawawa naman ang asawa ko, darating na walang pagkaing nakahanda.

" Uy , Yel kanina ka pa walang kibo diyan ah !" Puna ni Sheena.
"Oo nga, napansin ko din na parang ang lalim ng iniisip ng kaibigan natin ah !" Dugtong naman ni Elsie.
" Ha ? Wala ito, naaalala ko lang si Nel, tiyak gagabihin na tayo ng uwi. Wala pang aabutang pagkain ang asawa ko." Pagaalala ko.
" Wow sweet naman . " tukso ni Elsie.
Nginitian ko lang sila.

Finally, narating din namin ang workplace namin.

Isang matikas na lalaki ang sumalubong sa amin.

" So , kayo ang staff na pinadala ni Mam Gin, ( Gin ang pangalan ng boss namin malayong kamag - anak siya ni Miss Arsuellas ). "

Agad nagpakilala si Elsie, at sabay kindat sa matikas na lalaki na sumalubong sa amin.
Ipinakilala kami isa - isa ni Elsie.
" Ako naman si Alfred , isa sa mga engineers dito, halikayo sa loob ng office para makilala ninyo pa ang makakasama ninyo sa field . " naunang naglakad si Alfred at sumunod kami.

" Girl...ang gwapo niya , grabe ! " pang gigigil ni Elsie.
" Ssshhh...umayos ka nga diyan , malay mo may asawa na yan." Bulyaw ko.
" Eh ano ! Ok lang magkatikiman hahaha..." sagot ni Elsie at kinagat pa ang labi .
" Loka ka talaga Els." Naiiling na sabi ni Sheena.

" Guys please come in, maupo muna kayo at titingnan ko lang kung tapos na ang meeting ng mga architects at engineers natin. " at pumasok na sa isa pang kwarto si Alfred. Parang yun ang conference room.
Ilang minuto lang at lumabas na ito .
" Ok , let's go . Duon tayo sa conference room. "
Ipinakilala kami ni Alfred sa mga makakatrabaho naming engineers at architects.
Inayos na namin ang mga kagamitan namin at nahati na kami sa dalawang grupo. Kasama ko si Sheena sa grupo. Si Elsie ay tuwang - tuwa dahil makakasama niya si Alfred.

" By the way guys after an hour siguro darating ang chief engineer natin , ipakikilala ko din kayo sa kanya. Don't worry mabait yun kahit medyo masungit ang dating hahaha." Pagbibiro ni Alfred.

Nagsimula na kaming nagpunta sa site. Halos nakatayo na ang building , pero hindi pa tapos lalo na ang divisions nito. Ipinakita sa amin ang plano. At pinag aralan muna namin ito.
Gagawin palang isang 5 star hotel ito na may sampung palapag.

Kaya pala nakakalula ang laki at taas.
Abala na ang lahat sa pagtatrabaho. Lahat kami ay focus, ayaw naming mapahiya sa boss.
Pinagaaralan ko na ding maige kung paano idesign ang bawat rooms na may iba't ibang theme.
Labas pasok kami sa building na puno pa ng alikabok dahil sa construction works. Kailangan kasi naming makita ang bawat anggulo nito.

" Past one na ah ! Wala ba kayong balak mag lunch break ?" Pagbibiro ni Alfred.

" Oo nga nalibang tayo, ito kasing si Yel masyadong seryoso sa trabaho kaya ginanahan din kaming mag trabaho hahaha." Pagbibiro ni Engineer Lito.

Sabay - sabay kaming nagtungo sa opisina, nanduon na kasi lahat pati kitchen.

Nagpaalam ako sandali na lalabas dahil tumatawag si Nel.

" Hello Babe, kumain ka na ba ? Kumusta ka diyan ? Hindi ka ba nahihirapan ?" Puno ng pag aalala sa boses ni Nel.
" I'm ok babe, ikaw nag lunch ka na ba ? Babe baka gabihin ako ng uwi ha , inaalala nga kita wala kang dadatnan na pagkain." Pagaalala ko din.
" Babe , don't worry, ako ang magluluto ng dinner natin. Just take care ofyourself ok. I love you so much." Malambing na sabi ni Nel.
" I love you too babe, thanks. Take care din ha." At pinatay ko na ang phone.

Papasok na sana ako sa office ng masalubong ko si Alfred.
" Nandito na si Chief. ( ang tinutukoy ay ang chief engineer nila ) tutulungan ko lang sa mga dala - dala niyang gamit. " at nagtungo si Alfred sa isang kotseng toyota vios na pula.
Pumasok na ako sa loob. Halos tapos na ang lahat sa lunch nila.
" Uy , Yel kain ka na." Pagyaya ni Sheena.
Lalabas muna kami at magpapahangin na sa tutoo lang maninigarilyo.

Nagsimula na akong kumain ng pumasok si Alfred at

" Go ahead Yel, kain ka lang, siyangapala siya ang Chief Engineer namin ." Pagpapakilala ni Alfred.

" Ikaw ? " na halos di ako makakilos sa pagkabigla o pagkagulat.

Bakit ganun kaya ang pagkabigla ni Yel ? Siguro alam ninyo na kung sino si Chief Engineer...
Abangan po ang karugtong...thanks for reading...

Pahiram ng Bestfriend ko !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon