Si Nel naman ay tutok na tutok sa pag -aaral ng mga ebidensiya sa hinahawakang kaso ng department nila.
" Nel , labas tayo mamaya, relax naman tayo pre. Maraming batang chika babes diyan sa bagong bukas na club." Yaya ni Allan , isang kasamahan ni Nel.Nag -iisip si Nel , oo nga parang gusto niyang mag relax dahil sa sobrang dami ng trabaho. Kaya pumayag ito.
At ng hapon ngang yun, sumama si Nel kay Allan.
Isang batang - batang babae sa edad na 17 ang lumapit agad sa kanila. Dinala sila sa bakanteng mesa . Gustong maupo ng babae pero tumanggi si Nel.
" Pre , inom lang gusto ko kahit 2 lang ayoko niyan pasensiya na , uso ang sakit ngayon." Paliwanag ni Nel.
" Pre , huwag kang mag -alala hindi makakarating sa siyota mo to ! At may proteksiyon tayo , heto laging handa." At inilabas ni Allan ang condom.
" Hahaha, loko ka talaga pre, hindi ayoko talaga."pagtutol ni Nel.
Pero si Allan ay kumuha ng isang babae. Habang nag-iinom sige ang lingkis kay Allan. At kinikindatan pa nito si Nel na inilalabas pa ang dila.Krrriinngggg....
Kriiinnnnggg....Hindi marinig ni Nel ang cellphone niya dahil maingay.
" Ano ba naman itong babe ko, kanina pa ako tumatawag , hindi sinasagot. Gusto ko pa namang ibalita sa kanya ang success ng project namin.." nakailang tawag na kasi ako.
" Yel , Yel ! " si Noemi .
" Halika pasok ka , magbibihis lang ako ha." Mag didinner kasi kami ni Noemi sa labas. At magkikita sina Noemi at ang boyfriend niya para ipakilala din ito sa akin.Samantala, ng matapos ni Nel ang 3 bote ng beer , lumabas na ito ng club pero si Allan nagpaiwan na.
" Naku , 5 missed calls ng babe ko ! " napakamot sa ulo ito.
Agad -agad niyang dinial ang number ko." the subscriber can not be reached, please try again later."
Wala na, nagtampo na ito.
Ng makarating sa inuupahang kwarto, iniisip pa din niya ang mga tawag ko. Sinubukan niya ulit pero hindi niya ako macontact." Ready to go ! " yaya ko kay Noemi.
" Girl ang pretty mo ah ! " papuri ni Noemi.
" Wow ha, sige , sagot ko na ang dinner hahaha." At lumabas na kami ng accomodation ko, isang apartment kasi ito.Krrrrriinnnggg...
Krrrrriiinnngg....Naku wait lang Mi ( short for Noemi) tumatawag si Nel.
Tumango si Noemi." Hello babe , bakit di kita macontact kanina pa ?" Si Nel.
" Minsan kasi walang signal sa apartment ko, at ikaw ha , nasaan ka at anong ginagawa mo, dami ko kayang call sayo." Pagtatampo ko.
" Babe sorry, sumama kasi akong uminom kay Allan, isang agent na kasama ko, gusto ko kasing mag unwind , sobrang pagod sa trabaho." Pagtatapat nito.
" Wow ! Babe kailan ka pa natutong uminom ?"pagtataka ko.
" Babe 3 bottles lang then umuwi na ako. Sorry hindi ko nasagot calls mo. Kumusta la na ?" Paliwanag at tanong ni Nel.
" Babe i'll call you later ha kasi nag invite si Noemi na magdinner kami sa labas for a change. At paalis na kami. " pagpapaalam ko.
" Ganun ba, baka may date ka din babe ha." Sa boses na nagseselos.
" Babe, nawawala na ba ang tiwala mo sa akin ?" Medyo tumaas ang boses ko.
" No, nagbibiro lang ako, buong - buo ang tiwala ko sayo. Ok, enjoy your dinner at ingat kayo." Habilin ni Nel.At pinatay na niya ang phone.
" So , what's new with your boyfriend ?" Tanong ni Noemi.
Nagkibit balikat lang ako at niyaya ko na siyang umalis.
Sa isang korean restaurant kami nag dinner. Nanduon na ang boyfriend niya. Ipinakilala niya ito sa akin. Maputi at matangkad . Isa siyang architect sa malaking kumpanya sa Makati at sa Baguio lang ang project nila.